Sixty-one

350 28 10
                                    

Korrine's POV

"Korrine wake up." Nagising ako ng may pumisil sa ilong ko. Napairap agad ako ng makita si Earl. "Kain na tayo."

Napatingin agad ako sa orasang nakapatong sa mesa niya. Oh fuck! 8:45 pm na! Shit shit! May usapan nga pala kami ni Brake! Tangina lowbat pa ko! Bakit ka kasi natulog Korrine?! Bakit kasi hindi mo nalang tiniis yung pagmumukha ni Earl?!

"What's wrong?" Tanong niya.

"What's wrong mo mukha mo! Bakit hindi mo ko ginising?!" Niligpit ko lahat ng gamit ko at nilagay sa bag. Kingina paano na si Brake? Baka naghintay na yun dun kanina pa. Ugh! Kasalanan to lahat ni Earl eh.

"Paano kita gigisingin kong ang himbing ng tulog mo? Nakanganga ka pa jan." Sinuntok ko siya sa braso at inirapan. Duh, vinideohan ko na ang sarili ko habang tulog at never ko pang nakita na nakanganga ako.

"Ewan ko sayo. Alis na ko." Walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang mukha ni Brake. Ano bang ginawa mo Korrine? Hindi ka talaga nag-iisip eh!

Sa kakamadali ko hindi ko na namalayan na mataas pala yung inaapakan ko. Na-out of balance ako at napa-upo sa sahig.

"Ang lampa mo talaga." Tiningnan niya lang ako habang nakasandal sa pinto ng room niya. Ngayon ko lang din napansin na naka-boxer lang siya at sando. Nag-iwas agad ako ng tingin at sinubukang tumayo. Wala naman akong maaasahang tulong jan kay Earl. Baka mamuti na mata ko dito pero siya nakatayo padin.

Naramdaman ko ang init ng katawan niya ng buhatin niya ko patayo. Hindi ko alam kung saan ako titingin at kung saan ba dapat ako humawak.

"Hindi kita matatayo kung hindi mo itatayo yang sarili mo."

"S-saan ba kasi ako hahawak?" Stupid question! Ang awkward na ng pwesto naming dalawa pero no choice ako dahil sobrang sakit ng paa ko. Sana pala talaga nag-sapatos nalang ako at hindi tong heels ko.

He grinned. Kinuha niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin. He pulled me closer kaya napahawak ako sa dibdib niya. Sinamaan ko siya ng tingin at kinurot sa tagiliran.

"Relax. Wala akong balak sayo, tss." Binuhat niya ko na parang bagong kasal. He wrapped my hands around his neck.

Wala akong ibang masabi kung hindi AWKWARD! Nilapag niya ko sa sofa at kinuha ang mga gamit ko.

"Anong gagawin mo jan?" Tanong ko sa kanya ng mapansin kong inaakyat niya yun pabalik sa kwarto niya.

"Bukas ka na umuwi. Traffic sa labas at baka abutin ka ng anong oras. Mapahamak ka pa edi ako pa ang nakonsensya."

"What?! No! Hindi pwede! Kaya ko naman ang sarili ko eh. May importanteng bagay pa kong gagawin kaya pwede ba akin na yan!"

Hindi niya ko pinansin at nagdire-diretso sa paglalakad. Ugh! Bwiset ka talaga Earl Clint Alonzo! Wala kang kwentang lalaki!

Napansin ko yung phone niya sa ibabaw ng mesa. Agad ko yung kinuha at tinawagan si Brake. Thanks God at nagriring! Kinakabahan ako habang hinihintay ang pagsagot niya, mamaya kasi magalit siya sakin.

"Brake please sumagot ka."

Naka-ilang ring pa ang phone niya bago niya to sagutin.

"Brakey boy! Bakit ang tagal mo namang sagutin?! Asan ka ba? Sorry ha hindi ako makakapunta pero hahabol ako! Pwede bang sundu—"

Napatigil ako sa pagsasalita ng marinig ko ang boses ng isang babae.

"Who's this?"

Hindi agad ako nakapagsalita. Bakit babae ang sumagot? Malabong si Tita yun, boses niya palang iba na. Pero ayokong magduda, kilala ko si Brake at alam kong ako lang ang mahal niya. I own him.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon