Ten

646 39 7
                                    

Alvin's POV

Di ko alam kung bakit di matanggal tanggal yung ngiti ko. Di ko rin alam kung ano tong nararamdaman ko. Kabaklaan ko.

"Alvs dito!" Nakita ko si Korine at Darlene sa may parking lot. 

Wala ba silang klase?

"Oh bat andito pa kayo? Wala kayong klase?" Sinamaan naman ako ng tingin ni Darlene. 

Anong meron?

"Tangina you! Kaano ano mo yung babaeng yun?" Tiningnan ko kung sino yung tinuturo niya at nakita ko si Ces na nakaakbay kay Brake. Sila ba?

"Baka matunaw Patotie." Nginitian ko lang si Korrine at tinabihan sa kinatatayuan niya.

"Ah, siya ba? Kaibigan ko Dar bakit?" 

Sumama lalo yung tingin sakin ni Darlene. May mali ba sa sinabi ko?

"Kaibigan?! Kailan pa? Bat di namin alam to ni Korrine? Diba Korrine?" Inirapan lang siya ni Korrine at tsaka tumingin sakin.

"Kayo ba? I mean, nakita namin kayo nung nakaraang araw sa may court na nag-uusap. Ni hindi mo siya nakwento samin."

"Kasi di mo naman ako pinapansin at isa pa kakakilala ko palang sa kanya sa canteen." Tumango lang silang dalawa sakin. 

Teka nacucurious na ko. Bakit parang galit na galit naman ata tong si Dar.

"Anong meron Matotie?" Ayoko nang tanungin si Darlene. Nakakatakot talaga to pag galit eh, buti pa si Korrine kalma lang.

"Kaaway namin. Sabi niya bitch daw ako. Wth diba? Tsaka di naman siya dito nag-aaral paano ba nakakapasok yun? Tapos close pa sila ng punyemas na Brake na yon!" Oops, akala ko kalma lang. Haha

"Easy. Mabait naman si Ces eh, sadyang mataray lang talaga tingnan." Totoo naman eh, kahit di ko siya masyadong nakakasama nararamdaman ko namang mabait siya.

"So kinakampihan mo siya?" Taas-kilay na tanong ni Dar. 

Kinakampihan agad? Di ba pwedeng nagsasabi lang ng totoo?

"No. Wala akong kinakampihan. Hindi naman ako kasali sa away niyo diba?"

"An-" Hinampas ni Korrine si Dar at nilakihan ng mata. 

"Oo naman, di ka kasali. Ang samin lang, sana naman wag ka masyadong dumikit sa kanya. I mean baka kasi mamaya agawin ka samin nun eh."

Niyakap ko si Korrine. Kahit kailan talaga napakaselosa niya. Pero ayoko namang magtagal pa yung away nila. Ayokong may kaaway sila, baka mapahamak pa sila.

"Wag kayong mag-alala. Di ko naman hahayaang may kaaway kayo." Humiwalay sakin si Korrine at tsaka tinitigan ako ng masama.

"Don't tell me pagbabatiin mo kami?" 

Wala naman sigurong masa don diba? Bilng gwapong citizen ng pilipinas dapat lang na tulunga ko sila.

"Subukan mo lang!" Hirit naman ni Darlene.

Teka anong mali sa sinabi ko?

"Bakit naman? Ayaw niyo bang magkaayos kayo?" Hinampas naman ako ng pagkalakas lakas ni Darlene.

"Sira na ba ulo mo?! Hayaan mo silang mag-ayos bakit ikaw pa? Mamaya isipin pa nung mga yon di namin sila kaya at humingi pa kami ng tulong sayo!" Sabay alis ni Darlene.

"Pag pasensyahan mo na. Badtrip lang yun at nasabihan ng 'ugly bitch' ng Ces mo. Sige una na kami ha? May klase pa kami eh. Hayaan mo nalang kami. Importante wala kang kinakampihan."

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon