Twenty-four

416 37 5
                                    

Korrine's POV

"Hi babe. Kumusta na jan?" Masayang bati sakin ni James. Ka-skype ko kasi sila ni Darlene.

I heard, they're dating na daw. Buti naman at gumagawa na ng move si James. Akala ko pa naman bakla talaga siya.

"Im fine. Kayo jan? Lapit na ng liga ah." Inabot ko yung chips at kumain.

Nakalimutan kong mag-hapunan. Tinamad nadin kasi ako lumabas at baka makita ko na naman si Brake. Alam niyo bang katapat lang ng unit ko yung unit niya? Ang saya diba?

"Gwapo parin ako. Ayos naman dito. Di ka pa ba uuwi? Walang magchecheer samin." Tinuro ko sa Darlene na katabi niya lang.

They look great. Bagay na bagay talaga sila. Pero wala paring forever eh.

"Mas masaya kung dalawa kayo." Inirapan ko lang si James. Kunwari pa eh, ayaw nalang sabihing miss na ako.

"Ang ganda mo lalo sa gupit mo Korina!" Mukhang bata si Darlene dun habang pumapalakpak pa.

Ganyan ba talaga epekto ni James sa kanya? Ang blooming niya din tingnan, panay pa ngiti. Masaya naman ako para sa kanila, alam ko namang iba sa lahat ng lalaki si James.

"Maliit na bagay. Oh sige na, mamaya ulit. Kakain muna ako." Nag-pout lang si Darlene at nag-nod. Sobrang miss ako ng gaga.

Iniligpit ko na yung laptop at nagpalit ng damit. Mahirap na at baka mabastos pa sa labas. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Sinilip ko pa kung andun ba si Brake.

"Buti naman. Wag ka munang lumabas psh." Sinara ko na ang pinto at dahan dahan na naglakad.

Ingat na ingat akong wag makagawa ng ingay. Bakit naman kasi ang tahimik ng condong to?! Kainis naman eh. Bakit ko iniiwasan si Brake? Simple lang. Kasi kapag lalabas ako, dapat kasama siya. Bakit ulit? Kasi utos ng mama niya na kinunchaba pa si lolo at lola.

"May balak ka talagang takasan ako?" Napatayo ako ng tuwid at umirap. Bakit ba lagi niya kong nahuhuli?! Asan ang freedom ko!

"Pwede ba Brake. Stop acting like that. Wala naman mama mo so pwede kong gawin lahat ng gusto kong gawin. Tss, masyado kang nagbabait baitan." Hahakbang na sana ako palayo pero tumigil din agad ako ng magsalita siya.

Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya.

"Baka nakakalimutan mong boyfriend mo ko? Ako ba may gusto nito?"

I faced him at tinaasan ng kilay.

"So pinapalabas mo na kasalanan ko?!"

"Oo. Kung hindi mo yun sinabi edi sana hindi umabot sa ganito."

"Kasalanan ko ba kung mabilis pala maniwala yang mama mo!" Kainis naman kasi si tita eh. Joke lang naman yun pero hindi siya naniwala.

Sinabi niya pa kay lolo at lola kaya ayan, sabi bantayan daw ako.

"Wag mo ngang ipasa sa mama ko yang katangahan mo." Lumapit siya sakin at hinila ako papasok sa unit ko.

"Bitawan mo nga ko! Sumusobra kana ha!" Pero parang wala lang siyang narinig at tuloy tuloy parin sa paghatak sakin.

Sa sobrang inis ko kinagat ko yung kamay niya.

"Bitaw sabi eh! Kakain ako! Sumama ka kung gusto mo! Epal." Nagdabog ako paalis dun at nagmadaling sumakay sa elevator.

Natanaw ko siya sa may labas ng unit ko na nakatingin lang sakin habang hawak ang kamay na kinagat ko. Manigas ka jan, may virus pa naman ako.

Naglakad na ako ng mabilis at pumunta sa pinakamalapit na karenderya dito. 9:46 pm narin kaya konti nalang ang bukas na karenderya kaya naman no choice ako kundi maglakad pa ng malayo.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon