Two

1.7K 66 8
                                    

Korrine's POV

Guess it's true, I'm not good at a one night stand

But i still need love 'cause i'm just a man

These nights never seem to go to plan

I don't want you to leave, will you hold my hand?

Nagising ako dahil sa napakaganda kong ringtone. Sino namang poncio pilato tong tumatawag nang ganitong oras?! Magaling magaling. 

Inabot ko yung phone ko at guess what kung ano oras palang? -__- 4:27am! Hindi ko na tiningnan kung sino pa man yung tumawag, sinagot ko nalang agad.

"Korina! Where are you? Sumama ka ba sa mommy mo? Huhuhu bat di ka nagpaalam? Damn you!" Napadilat ako dahil sa napakalutong niyang mura. Shiz, nakalimutan kong sabihing hindi ako sumama.

"Ang aga aga, low down your voice! At impakta ka? Tumawag ka nang ganito kaaga para lang itanong yan? Damn you. Pwede namang mamaya eh, magkikita tayo sa school diba?" Kahit kailan talaga tong si Darlene. 

Actually tita ko siya. But we always call her Dar or Darlene. Kaedad lang din naman namin siya, ang panget naman kasi kung tita ang itawag namin sa kanya.

"Akala ko kasi sumama ka. Duh, can't live without you. Uso kasi magkwento sakin diba? Malay ko ba. Osya, matulog kana ulit. Hihi see you later. Labyu pak." Binabaan pa ko jusko. Di man lang ako inantay sumagot? Psh walang bago.

I tried to sleep again pero hindi na talaga ako makatulog. Pisti talaga tong si Darlene eh. Ano namang gagawin ko sa ganitong oras? Sobrang aga pa!

Ah, alam ko na. Magf-facebook nalang ako, di ako nakapagfacebook kahapon eh. Ayoko naman na aging outdated no!

email: korrinegrande@yahoo.com

password: ************

logging in...

Gusto ko sana ulit matulog kaso di na ko inaantok. Aish! Eh yung pasok ko mamayang 7 am pa. Great. Galing talaga tyumempo ni Darlene. 

Pumunta ako sa timeline ko at nakita kong tinag ako ni Darlene sa post niya. Ay kabog, ano na namang drama to?

Darlene Saquitan

Akala ko iniwan niya na ko. Omg di ko kakayanin. Goodmorning world! --with Korrine Grande

10 minutes ago

34 likes 2 comments share

Aba gaga talaga to! Kailangan i-status pa? Ano namang nakain neto at nagpuyat siya? Di niya ba alam na may pasok, duh.

 Nilike ko nalang yung status niyang yun at tiningnan kung sino ang mga nagcomment. May lahi din akong pagkachismosa eh.

Alvin Villacruz

Hindi siya sumama? 8 minutes ago

Darlene Saquitan

Nope, happy? :) 7 minutes ago

What is the meaning of this?! I mean, close ulit sila? 

Si Alvin, kababata ko yan. Kababata lang okay? Kababata nga lang eh. Yes, kababata lang.

aywe? di nga?

Ugh fine. Ultimate crush ko shhhh lang kayo! Since nung kinder pa ko may taglay na kong kalandian. Bata ko palang lumalandi na ko hahaha oo na! Eh sa ang gwapo niya eh. Ang bait bait pa. Yung mommy niya ninang ng kapatid kong si Yanie kaya ko siya nakilala. Siya yung sinasabi kong first love ko. Well that's life.

Naeexcite tuloy akong pumasok para makausap si Darlene. I need to know what is happening! Ugh grabe talaga. Ako nga di ko na yun masyadong nakakausap eh tas si Darlene? Wow. Hayop talaga yun eh, wag niya lang susubukang agawin sakin yun. Swear, magkakaroon ng world war lll.

Scroll lang ako ng scroll dun nang makaramdam ako ng antok. Sus, kailangan ko lang pala mag-fb para dalawin nang antok. Pinikit ko na yung mata ko at natulog ulit.


La Esrtreta University

Buti nalang nagising ako ng 5 am. Chinat pala ako ni Darlene aish nakalimutan ko kasing mag log-out eh.

Papasok na sana ako nang room nang may biglang umakbay sakin. Si James lang pala. Well, meet James Inocencio. Tropa kong sobrang sweet. Hahaha, ngayon ko lang yan nakilala eh. Halos pareho kasi kami ng schedule ng klase. Sa lahat ng lalaking nakilala ko siya lang yung kakaiba. Napakamasayahin kasi nyan, kahit minsan mapang-asar yan. Akala ko nga bakla eh haha pero ang gwapo niya namang bakla kung nagkataon.

"Hi miss beautiful." Sabay wink niya sakin. Kung di lang to crush ni Darlene eh panigurado crush ko na to. Hahahaha joke lang. Kahit si Alvin lang, sapat na.

"Ang aga aga mong mambola James!" Ganyan yan araw-araw. Kung hindi mambobola, mang-aasar. Pumasok na ko sa classroom at umupo sa may likod. Ayokong umupo sa harap, mga nerds lang andun.

Ginala ko yung mata ko at hinanap si Darlene. Sad to say wala pa siya. Magpuyat ba daw kasi kahit alam niyang may klase, ayan tuloy mukhang napasarap pa sa paghilik. 

"Korrine, asan si Darlene?" Kita mo to, sakin pa hinanap eh hinahanap ko nga rin. Sarap batuhin nang baso eh. Pero syempre joke lang yun.

"Kita mong hinahanap ko rin diba?" Kinuha ko yung phone ko at tsaka tinext si Darlene. Malamang sa alamang humihilik pa talaga yun -_-

To Darlene:

Hoy babae! Asan ka na aber?! Madami akong kwento at may ikukwento ka pa, so bumangon ka na.

Sent!

Tagal naman ng prof namin. Anong year pa ba darating yun? kayamot wala akong makausap dito. 

Ting!

Bakit di ko nalang asarin tong si James? Hahaha

"Jameees bakla!" Pangaasar ko sa kanya.

Ayaw na ayaw niya kasing tinatawag siyang bakla. Gwapo niya daw eh, nasabi ko na bang medyo mahangin yan? Hahaha, kahit sweet yan minsan inaatake din ng kahanginan yan sa katawan.

"What?" Taas kilay niyang tanong saken. See? Mukha talaga siyang bakla sa mga inaasta niya.

"Bakla ka talaga. Aminin mo na, di naman matuturn-off sayo si Darlene eh." Feeling ko kasi may HD to kay Darlene eh. Ahe feeling ko lang naman.

"What are you talking about sweetie?" Isa pa yan, minsan sweetie minsan babe -__- Yung mga tinatawag niya daw kasing ganyan special. Ewan ko ba sa baklang yan.

"Sabi ko denial ka." Kunwari pa eh halata namang may crush siya sa tita ko. Lagi niyang hinahanap tapos minsan ang over protective niya kay Dar lalo na pag nagsusuot yun ng short. So ano yung mga yun? Wala lang?

"Tss." Bakla talaga to.

Napatigil ako dahil sa malakas na pagbukas ng pinto nang room. Sino to? Transferee? hm, ang gwapo niya ha. Pero mas gwapo parin si Alvin :') Oh my, yung hormones ko nagwawala! Dirediretso lang yung lakad nya at umupo sa may likuran ko. 

Tinitigan ko siya, teka. Parang namumukhaan ko siya? Kaso di ko na maalala kung san. Baka kamukha lang.

"What are you looking at?" Ay masungit. Tss, porket gwapo akala mo kung sino na. Simula ngayon ang panget niya na.

"Wala. Ang panget mo." Sabi ko at lumabas na kaagad ng room. Mukhang wala naman kaming prof. eh. Napansin ko namang sumunod sakin si James. Asan na ba kasi si Darlene? Yung babaeng yun talaga kahit kailan. 

Di man lang ako ininform na aabsent siya

Bago ako makababa nang tuluyan sa building namin tinext ko muna si Yanie. I told her na pagkagising ni Sheshe, pakainin niya agad. Knowing sheshe, laging gutom yun. Namiss ko tuloy agad yung kapatid kong yun. Si Yanie kasi pagkagising nyan naglilinis agad yan ng room niya. Ewan ko ba bat ang sipag niya, sabagay lola's girl nga pala siya. And besides, si lola yung tipo nang tao malinis sa lahat nang bagay.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon