Forty-five

352 35 10
                                    

Erica's POV

Tinext ko si Yanie at sinabing sasabay ako sa kanya papunta sa hospital. Nakwento niya kasi sakin kagabi na galing siya sa hospital dahil may nandun na  si Ate Korrine. Kailangan ko ring maka-usap si Yanie bago ako tuluyang umalis.

"Are you nervous?" Tanong ni kuya.

Umiling ako at ngumiti sa kanya. Kung tutuusin lalong gumaan yung pakiramdam ko nung nakapag-desisyon na ako. Kahit masakit, kailangan ko parin gawin. Gaano man kahirap bitawan ang isang bagay, wala ka paring magagawa kung oras na para bumitaw.

Yeah, mahal ko si Brix. In fact, mahal na mahal. Pero narealize ko na hindi ko kayang saktan si Yanie. Siguro nga nadala lang ako ng galit at inggit. Mahaba na ang samahan namin ni Yanie at ayokong masira lang yun dahil sa isang lalaki. Oo masakit. Pero mas masakit ang mawalan ng kaibigan na laging anjan sa tabi mo para alalayan at samahan ka sa lahat ng oras.

"Ah, kuya? Pwede bang huminto muna tayo sa plaza?" 

"What's wrong?" Tanong niya habang nakatingin sakin ng seryoso. Halata sa mga mata niyang nag-aalala siya.

"Kuya, hindi ako tatakas okay? Final na ang desisyon ko. Trust me. I just need to do something." Bumuntong hininga siya at tinabi ang sasakyan.

That's why mahal ko si kuya. Ni minsan hindi siya humindi sa mga hinihiling ko sa kanya. Kaya nga nakakapagtataka kung bakit hanggang ngayon wala parin siyang girlfriend.

"Make it fast. Masyadong madilim." Nag-nod lang ako kay kuya at nag-wave. 

Habang naglalakad ako hindi ko maiwasang hindi maluha. Damn memories. Lahat bumabalik.

"Stop. Stop." Pinunasan ko ang pisngi ko at ngumiti. "It's okay Eka, it's okay."

Dumiretso ako sa swing at umupo. Hay. Sa plaza na to nagsimula ang lahat. Masaya ako at kahit sa maiksing panahon, nakasama ko si Brix. Pipilitin kong maging masaya para sa kanila ni Yanie. Kahit pa gaano kahirap. Naniniwala akong balang araw, pagtatawanan ko nalang lahat ng to.

"Erica." Nag-angat ako ng tingin at nakita si Brix sa harapan ko.

As usual, gwapo parin siya.

"Brix." Pinipigilan ko ang sarili kong yakapin siya. Ayoko rin namang umiyak sa harap niya.

"Gabi na."

"Alam ko. Hahaha." This. is. awkward.

"Ano pang ginagawa mo dito? Umuwi ka na."

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi mo puntahan si Yanie at i-comfort? Alam mo namang kailangan ka niya diba?" Pilit ko siyang sinamaan ng tingin kahit sa loob ko, ang sakit sakit na.

"Papunta na nga ako. Kaso nakita kita." 

Bakit ba pakiramdam ko nag-aalala siya sakin? Bakit kung kailan sumuko na ko? Ang labo.

"Ano naman sayo ngayong andito ako? Diba wala ka namang pake sakin?" 

"Erica." Kalmadong bigkas niya sa pangalan ko.

Kailangan kong itanong sa kanya kung ano ba yung nagawa ko at bakit niya ko tinatrato ng ganito.

"Mahirap ba sagutin Brix?" 

"Hindi ko alam kung sinasadya mo ba lahat ng to o manhid ka talaga." Tinitigan niya ko sa mata. Kulang nalang matunaw ako. "Alam mo ba kung gaano kasakit sakin ang ginawa mo?"

"A-anong sinasabi mo?"

"Noong araw na magkasama tayo. Ang araw na dapat magtatapat ako sayo ay siyang araw na binigay mo ko kay Yanie. Ikaw yung gusto ko pero pinagtabuyan mo ko." Napatakip ako sa bibig ko ng marinig ko lahat ng yun mula sa bibig ni Brix.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon