Eleven

601 38 6
                                    

Korrine's POV

Sa wakas uwian na! Sabay kaming uuwi ni Yanie ngayon. Ang ganda ko daw kasi eh kaya magkukwento siya. Hahaha

"Mauuna na ko Korrine, pupuntahan kita mamaya sa bahay niyo ha? Kakausapin ko pa si Yanie." Kita mo tong si Dar, kung umasta akala mo ang tanda tanda na eh. 

Feel na feel niya pagiging tita namin. Hahaha

"Yes po tita!" Pinandilatan niya naman agad ako pero inirapan ko lang siya. Palibhasa kasi kasama si James kaya ganyan.

Iniwan ko na sila dun at pinuntahan si Yanie sa room niya. Sabi ko kasi sa kanya diba sabay kaming uuwi? Para narin makwento niya sakin yung buong pangyayari. Ako kasi pag may nanliligaw sakin puro flowers at chocolates ang binibigay tapos magtatanong kung pwede na etc. Psh, eh balita ko pa naman kay Erica na bongga daw yung panliligaw ni Brix. Well, masaya ako para sa kapatid ko. Basta wag lang siyang papajuntis agad.

"Ouch!" Nagkalat yung dala dala kong libro sa sahig. Di ako nerd okay? Puro short stories to para kay Sheshe.

Tiningnan ko kung sino yung nakabangga sakin at nakita kong si panget na mokong lang pala! Kaya pala di ako tinulungang magdampot ng mga libro eh! Napakagentledog! Teka nga, bakit ba lagi ko tong nakikita?! Ang laki laki ng school tapos nagkikita parin kami?! E yung iba ko nga mga kaklase bibihira ko lang makasalubong eh! Tapos eto? Ugh!

"Wala kang balak mag sorry?" Kinalma ko lang yung sarili ko. Nasa school ako at ayokong makipag-away at mageskandalo dito.

"Para san?" Hindi ba uso sa kanya ang tumingin sa kausap niya? Nasa harap niya lang ako pero yung tingin niya nasa may likod ko! Palibhasa matangkad.

"Aish! Wala! Ang panget mo talaga!" Umalis ako ng padabog sa harap niya ng bigla niya kong hilahin paharap kaya nahulog ulit yung mga libro. 

Ang tatanga naman ng mga librong to! Ayaw kumapit ng maiigi! Tss

"Ano bang problema mo panget ka?!" Medyo napalakas ata yung boses ko kaya yumuko ako at kinalma ang sarili ko. No! Ayokong malaman nila lolo at lola na nakikipag-away ako.

"Sinong panget?" Inirapan ko lang siya at tsaka dinampot ulit ang mga libro. Di ba halatang panget siya?

"Sagutin mo ko, sinong panget?" Kung wala lang sanang tao sa paligid nasapak ko na siya! Sino siya para utusan ako? Parehong pareho sila ng mga kasama niya kanina! Tss

"Ikaw! Ikaw! Ikaw!" Kainis to! Akala mo ang gwapo!

"Sa gwapo kong to? Baka naman may hd ka sakin." Sabay smirk niya. What the?! Gwapo his face! Mas gwapo pa yung ipis eh.

"HD? Lul! Assumero! Tabi nga, nasasayang oras ko sayo." Iniwan ko na siya dun at dumiretso sa room ni Yanie. Mamaya di ako makapagpigil masapak ko talaga siya ng tuluyan! Ugh!

Narinig ko pa siyang nagtsk. Mokong talaga!

Nasa hallway palang ako pero nakita ko na si Yanie at Brix sa di kalayuan na magkaholding hands. Habang nasa may likuran naman nila si Erica.

"Yan!" Sigaw ko sa kanya. 

Nilingon niya naman agad ako. Nagulat ata siya kaya binitawan niya yung kamay ni Brix. Psh, tingin niya talaga di ko pa alam?

"Ate Korrine! Ah hehe, sabay nga pala tayo no." Sabay kamot niya sa tenga niya. Ganyan yan pag nahihiya.

"Kinakahiya mo ba si Brix Yan?" Nanlaki naman yung maliliit niyang mata at tsaka umiling.

"Hahaha! Eh bat di mo siya ipakilala sakin?" Tawa naman ng tawa si Erica sa likod tapos si Brix namumula na. Sa kilig o sa hiya?

"Ipakilala mo na best! Hahaha." Kinindatan ko naman si Erica. 

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon