Six

845 51 10
                                    

Korrine's POV

Tawa ako ng tawa habang nanunuod ng Your face sounds familiar. Saturday kasi ngayon, ang bilis nga ng araw eh. This fast few days medyo okay naman. Di parin kami nagkakaayos ni Brake. Duh, asa namang papansinin ko siyang unggoy siya! Ayoko mabadtrip sa unggoy na yun, so erase erase.

Habang nanunuod ako ng tv may biglang nagdoorbell sa labas. Alangan namang magdoorbell sa loob. Ha ha ha ang funny ko.

"Korrine iha, pakibukas naman ng gate oh. Inutusan ko kasi si manong eh." Utos sakin ng napakagwapo kong lolo.

"Opo lo." At lumabas agad ako ng bahay para pagbuksan kung sino man yung tao sa labas. Infairness sa kanya ha, gabing gabi na kung bumisita.

Nang buksan ko na yung gate parang feeling ko nalaglag yung panty ko. Keme lang, panty agad? di ba pwedeng bra muna? Ha ha diba ang funny ko talaga.

"A-alvin, gabi na ah? N-napadalaw ka?" BAKIT AKO NAUUTAL? OMG! NAKAKAHIYA!

"Goodevening Kor, anjan ba si lolo?" Si lolo agad? agad agad? Di ba pwedeng ako muna Alvin?

"Ah, oo nasa loob. Lika, pasok ka." Mamamanhikan na ba siya? Like omg hahaha. Assuming talaga ako e.

Pumasok na kami sa loob at agad naman siyang nagmano kay lolo. ugh Alvin, why so mabait? Mga ganyang lalaki daw yung mapapangasawa ko eh hahaha joke lang ulit.

"Napabisita ka iho?" Si lolo yan, alangan namang ako diba? Tas tawag ko iho, ang laswa niyo! Hahahaha!

"Ipapaalam ko lang po sana si Korrine lo, kung okay lang po?" Ipapaalam? Ako? OMG, itatanan niya ko? Pero wala namang nagtatanan na nagpapaalam ah? Psh peyl, o baka naman magdadate kami? Omg, go push kahit san pa yan.

"Gabi na iho, san naman kayo paparito?" Si lolo makatang makata. 

Paparito, asawa ni paparita.

"Dun lang po sana sa gym, may opening po kasi ng basketball dun. Sasali po kasi ako, wala din po kasi kaming kasama nila Darlene. Sandali lang naman po yun lo." So andun si Darlene? Psh, panira. Sana umuwi na siya. Hahaha biro lang. Itetext ko nalang si James mamaya para naman may kasama din siya.

"Kasama naman pala si Darlene, sige na apo alis na kayo para di na kayo gabihin lalo." Kaya mahal na mahal ko tong si lola e. Basta kasama ko si Dar, papayag agad siya.

"Teka lang, magbibihis lang ako. Maginaw sa labas eh." Keme ko lang talaga yun, magreretouch lang talaga ako. Alvin yan eh. Pasalamat ko nalang pala kay Dar at ginawa niya yung ginawa niya. Masyado lang siguro akong OA nun, haha. Mukhang tama naman siya eh, sakin lang talaga may meaning.

Umakyat na ko sa kwarto ko at tsaka nagpalit ng short. Yung hanggang tuhod naman yung suot ko, di ako nagmamaiksi pag lalabas ako. Ayokong idisplay ang magaganda kong hita sa mga manyak sa labas. Bago ako bumaba chineck ko muna si Yanie at Sheshe. Si Sheshe tulog na samantalang si Yanie naglalaptop pa. Malamang kausap niya na naman manliligaw niyang si Brix. Di ko naman siya pinagbabawalan. Malaki narin naman siya, alam niya na ang mali sa hindi.

Bumaba na agad ako para makaalis na kami. Mamaya magbago pa isip ni lolo.

"Tara na Alvin." Aya ko sa kanya. Di ako makatingin ng diretso sa kanya huhu, ang gwapo gwapo niya.

"Sige po lo, la. Una na po kami ni Korrine, ihahatid ko rin po siya mamaya." Bago kami umalis nagmano muna kami kina lolo at lola.

Nauuna ako sa kanya sa paglalakad. Eh? Ano ba kasing gagawin ko? Kakausapin ko ba siya? Ayoko, siya na mauna no. Nahihiya ako eh. Diba dapat lalaki una gagawa ng hakbang? Hehe

"Korrine." Narinig niya ba yung iniisip ko? Oh my hahaha. Huminto naman ako sa paglalakad at hinarap siya. Kung kailan malapit na kami sa Gym tsaka naman siya nagsalita.

"Bakit?" Nahihiya parin ako sa kanya. Paano pag tinanong niya ko kung bakit di ko siya pinapansin? Anong isasagot ko? Kasi may gusto ako sa kanya? Kasi naiilang ako? Huhu i kennot!

Nabigla naman ako sa panyayakap niya. Holy cow, ang bilis ng tibok ng puso ko. Feeling ko sasabog na siya. Bakit ganito? Talo ko pa ata tumakbo ng pagkalayo layo sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Jusko, wala naman siguro akong sakit.

"U-uy Alvin, B-bakit? Miss mo ko no?" Pagbibiro ko nalang sa kanya para di awkward. Ayokong magpahalata masyado no!

"Sobra. Namiss kita Matotie." Akala ko limot niya na yung tawagan namin. Naiiyak ako, naiiyak ako sa sobrang saya. Akala ko di ko na ulit maririnig pa sa kanya yun. Akala ko wala nang pag-asa. Akala ko hanggang tinginan nalang kami, akala ko tapos na lahat. 

Akala ko lang pala.

"Namiss din kita, Patotie." Napangiti naman ako ng binanggit ko ulit yun. After 6 years na di namin pagpapansinan, ngayon. Ngayong gabi na to nagbalik lahat. Sobrang saya ko, sa sobrang saya ko gusto ko nang sumali ng your face sounds familiar. Hahaha

"Okay na tayo ha? Di mo na ko iiwasan ulit ha Matotie?" Pinunansan niya yung pisngi ko. OMG, umiiyak na pala ako sa sobrang saya.

"Sorry Patotie, promise. Di na kita iiwasan." Then i hugged him. Sobrang namiss ko siya, namiss ko siyang kayakap. Yie landi ko hahaha

"Lika na sa Gym, kawawa naman si Dar dun mag-isa lang siya." Oo nga pala si Darlene pa. Magpapasalamat pa pala ako sa kanya. Kung di dahil sa kanya hindi kami magkakaayos ni Alvin.

Ang saya lalo kasi di na niya tinanong kung bakit di ko siya pinapansin. Kasi sa totoo lang di ko talaga alam isasagot ko.

"Oo nga pala, tara na." At nauna na ulit akong maglakad pero hinila nya ko at inakbayan.

"Nagmamadali ka masyado matotie haha." Ugh kinikilig talaga ako, Alvin wag kang ganyan. 

Nang makarating na kami sa gym di ko iniexpect na ang daming tao. I mean opening palang ang dami na, pano pa kaya pag may game na talaga? Hahaha, naeexcite naman ako. Syempre team Alvin ako hihi.

Sa di kalayuan nakita ko si Darlene na naka-sando at short lang. Baliw to, ang lamig lamig eh tapos ganyan yung outfit. Kahit kailan talaga. Ay, muntik ko nalang makalimutan si James! Buti nalang naalala ko. Tinext ko agad siya at pinapunta dito sa Gym. Malapit lang naman siya dito eh.

"Puntahan na natin si Dar" Aya sakin ni Alvin.

"Sige Patotie, una ka na. Aantayin ko lang si James." Tapos nginitian ko siya.

"James? Yung crush ni Darlene?" Kilala niya? Omg . 

Tinanguan ko nalang siya at tsaka ngumiti.

"Sige Matotie, dun lang kami ha? Magpapalista pa din ako eh" Tinanguan ko lang ulit siya.

Nang makaalis na siya nakahinga naman ako ng maluwag. Feeling ko talaga kanina kakapusin na ko ng hininga eh. Teka, bat naman ang tagal ni James? Yung baklang yun talaga. Baka nag powder pa yun, tapos nag lip gloss. Ay teka? Parang yan yung ginawa ko kanina ah? Hahaha shhh lang kayo. 

Teka, si Brake ba yung nakikita ko? Anong ginagawa niyang unggoy na yan dito?!

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon