Fifty-three

359 31 13
                                    

Korrine's POV

Nalungkot ako bigla ng mabasa ko yung text ni Ceslie. Alam ko naman na sarili niya yung sinisisi niya sa lahat ng nangyari. Sobrang naaawa ako sa kanya kasi alam ko naman sa sarili ko na nagbago na siya pero sadyang mapanghusga ang mga tao kaya sa kanya sinisi lahat. Ayoko din naman na ma-pressure lang siya kaya mas okay narin siguro kung aalis muna sila.

To: Ceslie

Mag-iingat kayo ha? Lalo ka na. I hope sa pagbalik niyo dito may mga babies na kayo. Hihi! Don't stress yourself. I'm sure aalagaan ka naman ni Alvin. We will miss you guys! Have a safe flight.

Sent!

Nakatingin parin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Oh jusko po! Kung sino pa yung balak kong pagselosin siya pa yung ka-date ko. Yari ka talaga sakin James!

"So balak mo pala talagang makipag-date sa iba ha?"

"Of course! WALA naman kasi akong BOYFRIEND. At isa pa, ikaw din naman ah?!"

Tinaasan niya ko ng kilay at binato ng tissue. Tingnan mo nga naman tong lalaking to! Kung umasta akala mo hindi ako nag-ayos para sa lecheng date na to! Well oo naman, masaya ako kasi ka-date ko siya. Pero masakit isipin na palpak yung plano ko!

"Kailan ako nakipag-date?" Seryosong tanong niya.

"Aba ewan ko sayo! Basta nakita ka daw ni Yanie na may kausap na babae at mukhang nagdadate pa kayo! Samantalang ako nasa hospital tapos di mo man lang ako dinalaw o kahit paramdam man lang!"

Ngumisi siya kaya kinalma ko yung sarili ko. Ano ka ba naman Korrine! Mapaghahalataan ka niyan eh!

"Anong nginingisi ngisi mo jan?!"

"Nagseselos ka ba?"

"A-aba! Ang kapal din naman talaga ng mukha mo no! At bakit ako magseselos?!" Sigaw ko sa kanya. Buti nalang talaga at walang ka-tao tao dito.

"Kasi gusto mo ko?"

"Wow din pala yang confidence mo sa sarili no?!" Ininom ko yung wine sa harap ko dahil pakiramdam ko matutuyuan na ko ng laway. Aish! Nasstress ako sa lalaking to.

Nagulat ako ng bigla siyang nanahimik at seryosong nakatingin lang sakin. Ilang laway ko na yata yung nalagok ko pero hindi parin siya nagsasalita. Tinatakot niya lang ako eh!

"Tingin mo ba talaga joke yung sinabi ko sayong gusto kita? Gusto kita. Hindi bilang kaibiga Korrine. Alam mo ba kung gaano kahirap sabihin sayo yun? Inabot ako ng limang oras sa salamin kakaulit ng mga salitang yun tapos ginawa mo lang joke?"

"A-ano bang sinasabi mo jan!"

Sobrang dami na namang hayop yung naglalaro sa tyan ko. Sa sobrang dami yung mga kabayo nasa dibdib ko na. Aish! Ano ba kasing sinasabi netong si Brake? H-hindi naman kasi ganun kadaling maniwala sa mga sinasabi niya lalo na kung hindi pa naman talaga siya naiinlove. Paano niya masasabing gusto niya nga talaga ako kung hindi niya pa naman nararamdaman yung pakiramdam na yun? Paano kung akala niya lang pala lahat ng to? Edi umasa lang pala ako.

"Gaano ba kahirap paniwalaan yung sinasabi ko sayo?"

"Mahirap. Sobrang hirap Brake. Kung mahirap para sayo na sabihin yun mas mahirap para sakin na paniwalaan yun. Ayoko lang ulit masaktan Brake. Oo sige, hindi ko naman ikakailang gusto kita. Pero sana naman siguraduhin mo muna yung nararamdaman mo para sakin bago mo sabihin yung mga bagay na ganyan. Hindi ganun kadali ang umasa Brake."

Tumayo ako at dinampot ang purse ko. Gusto ko naman talaga iya, in fact mahal na nga eh. Gustong gustong gusto ko paniwalaan lahat ng yun pero hindi ko talaga kaya eh. Matagal ko ng gustong marinig yun galing sa kanya pero iba parin pala talaga sa pakiramdam pag andun ka na sa posisyong yun. Ang dami daming what if's na pumapasok sa isip ko.

Naramdaman kong may yumakap sakin kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Korrine,"

"Brake please. Pag-isipan mo muna yang nararamdaman mo. Baka guni guni mo lang yan."

"Seryoso ako sa nararamdaman ko para sayo. Kung gusto mong patunayan ko sayo, sige gagawin ko. Wag mo lang akong layuan."

Hindi na ko sumagot pa at nanatili nalang sa kinatatayuan ko. Sana nga mapanindigan ni Brake yung sinasabi niya.

Darlene's POV

Nag-baked ako ng cookies for James. Hays, hindi ko pala talaga kayang magka-away kami. Alam ko naman sa sarili ko na may mali din ako. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon para mag-explain. Siguro eto na yung chance, ayokong tuluyang mawala sakin si Jamesmyloves. Hindi ko kakayanin.

"George! Si James?" Sigaw ko kay George na busy sa pagtuturo kay Treschia ng pagsskateboard. Woah, sobrang cute talaga nila tingnan. Bagay na bagay!

"Nasa kwarto niya." Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa at pumasok na sa bahay nila. Woah, kinakabahan ako. Alam kong galit siya sakin pero sana mapatawad niya pa ko.

Nadala lang naman talaga ako ng selos eh. Sobrang saya naman kasi talaga nila. Sino bang hindi magseselos kung yung boyfriend mo may katawanang iba diba? AIsh.

Binuksan ko na yung pinto ng kwarto niya at naabutan siyang nakahiga habang nanunuod ng basketball. Tiningnan niya lang ako at binalik ang atensyon sa panunuod ng basketball.

Fighting Darlene! Kaya mo yan.

Nilapag ko sa mini-table niya yung cookies at tumabi sa kama niya.

"James,"

Hindi siya kumibo at umarte na walang narinig. Aish! Kung hindi ko lang mahal tong lalaking to hinding hindi ako mag-aaksaya ng oras na suyuin siya.

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh."

Hindi niya parin ako pinansin. Ah ganun ha! Tumayo ako at hinila yung kumot kaya nalaglag siya. Yes!

"Pft. Ayaw mo pa kong pansinin ha. Sorry na nga kasi eh! Di ko na uulitin please?"

Tumayo siya bigla at sinamaan ako ng tingin. Pero ngumiti lang ako sa kanya. Nagulat nalang ako ng bigla niya kong nirolyo sa kumot.

"Yaaaaah! James naman!"

"Makulit ka talaga ha." For the first time nagsalita na din siya. Hays, sobrang namiss ko yung boses niya!

"Waaaah! A-a-ano ba!"

Dinaganan niya ko na para bang hindi siya mabigat! Grabe! Ilang kilo na kaya tong lalaking to?! Dahil sa di na ko makahinga, umusod ako ng kaunti at nilaglag ang sarili ko.

Hindi ko naman inaasahan na pati siya malalaglag din. At mas lalong hindi ko inaasahan na magkakahalikan kami!

Waaaaaaah! Y-yung first kiss ko!

"Ehem. Sorry kung naistorbo namin kayo. Matuto naman kayong mag-lock ng pinto." Napatakip agad ako ng mukha ng makita si Treschia at George sa may pinto na nakangisi. Omg! Nakita nila?! Waaaaah!

"Ulul!" Binato ni James ng unan si George pero late na kasi nasara na ni George yung pinto.

Inalalayan niya ko sa pagtayo at pinisil ang pisngi ko.

"Lambot ng lips mo."

"Yah! Pervert!" Tumawa lang siya ng tumawa at kinuha yung dala kong cookies.

"Ikaw nag-bake?" Kahit na hindi parin ako nakaka-move on sa kiss kiss na yun pinilit ko nalang muna kalimutan para di narin awkward. Atleast ngayon okay na kami.

"Oo. Tikman mo bilis."

Bigla akong namula ng lumingon siya sakin at kumindat. Yay! Pervert pervert! Kung ano ano na naman siguro tumatakbo sa isip ng lalaking to. Aish! Kasalanan to lahat ng kama eh! Kung sana hinila niya pabalik si James edi sana hindi niya pa makukuha first kiss ko! Yay! Dapat sa monthsary ko pa ibibigay yun eh! Wrong timing!


Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon