Sixty-three

462 36 13
                                    

Korrine's POV

Napapangiti ako habang nagbabasa ng random tweets. Hindi ko alam pero nakakabawas talaga ng stress sa tuwing nabubuksan ko ang twitter ko.

XES @xesjvy 6m

Just because the past is painful doesn't mean the future will be.

Lemmy @73mmY 8m

"Forever" has 7 letters but so does "goodbye"

Bigla akong nakaramdam ng lungkot sa huli kong nabasa. Napangiti nalang ako at umiling, hindi. Malabong mangyari sa amin ni Brake yan. Papatunayan naming forever na talaga kami. We will never say goodbye to each other.

Tinitigan kong maigi ang tweet ni Darlene. Hindi ko alam kung bakit pero parang binabato niya sakin yung tweet niyang yun. Oh baka naman assuming lang talaga ako. Tipong hindi naman para sayo, pero inaangkin mo.

Dardar @DarleneSaquitan 27s

Hindi mo kasalanan kung minahal mo siya, mali lang talaga ang ibigin siya.

Nilike ko yung tweet niya. Hindi ko rin alam kung anong meron sa sarili ko at naisipan kong i-like yon. Dahil narin sa wala akong magawa, inistalk ko ang twitter ni Darlene. Matagal tagal narin kaming hindi nakakapag-usap. Aminado naman akong namimiss ko na siya. She's my one and only bestfriend. Kung minsan nga nakakalimutan ko ng tita ko nga pala siya.

"My queen." Napapitlag ako sa pagkakahiga ng tawagin ako ni Brake. Kaninang umaga niya pa ko hindi pinapalabas ng kwarto. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya, pero gaya nga ng sabi ni, surprise.

"Yes?"

"Let's go." Inalok niya sakin ang kamay niya na nagpangiti agad sakin. He's wearing a casual suit while i'm wearing a casual dress.

"Saan ba tayo pupunta?"

"You'll know it later." He kissed me on my forehead. I can smell his scent. "Tara na?" Tumango lang ako. Hinawakan niya ang kamay ko habang pababa kami ng hagdan.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papalabas kami ni bahay. Hinigpitan ko pa lalo ang hawak ko kay Brake, wala akong ibang makita sa daan kung hindi kulay itim.

"Don't worry, andito lang naman ako kahit hindi mo ko nakikita." Naramdaman kong bumitaw siya sa pagkakahawak sakin. Hindi ko alam ang gagawin o kung saan kakapit. Wala talaga akong makita kahit na kakapiranggut na liwanag.

"Brakey boy! Saan ka ba pupunta?"

"Kahit na wala ka ng makita, kahit na pakiramdam mo wala ka ng kasama lagi mo lang tatandaan na andito lang ako sa tabi mo. Hindi ibig sabihin ng wala sa tabi mo eh iniwan ka na. Yan ang tatandaan mo Korrine."

Bigla akong kinilabutan sa mga sinabi niya. Hindi ko alam pero parang nagpapaalam siya. No, hindi mangyayari yun. Haha, sinong niloko ko diba? Wala naman kami sa teleserye eh, nasa reality kami.

Reality kung saan pwedeng pwede kang iwan.

I shook my head and took a deep breath. Para saan ba kasi to? Bakit kailangan niya pang magbitaw ng mga ganyang salita? Hindi niya ba alam na nakakaramdam ako ng takot na baka magising nalang ako isang araw wala na siya sa tabi ko? Kainis.

"Ano ba yang mga sinasabi mo! Hindi ka na nakakatuwa!"

Nanatiling tahimik ang paligid. Tanging simoy lang ng hangin ang maingay. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong dinikit sa kung saan man ako nakatayo.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon