Fourteen

509 39 7
                                    

Korrine's POV

1 week na ang nakakalipas pero di parin kami tapos ni James sa thesis namin. 1 week palang ang nakakalipas pero ang dami na agad nagbago. 

Si Darlene, this past few days nagiging mainitin na ang ulo dahil kay Brake. Si Alvin naman di na sumasama samin. Lagi niya nang kasama sina Ceslie. Nakakaselos sobra!

"Ang lalim ng iniisip. Di ka iniisip non." Pang-aasar sakin ni James. Wala talagang magawa sa buhay tong baklang to.

"Tigilan mo ko ha James. Kung ayaw mong ikaw gumawa ng buong thesis natin." Pagbabanta ko sa kanya. Tumawa lang siya at nagsimula ulit gumawa ng thesis. Ang swerte ko talaga at masipag tong partner ko.

Dahil wala akong magawa ipaghahanda ko nalang si James ng makakain niya. Nakakahiya naman kasi sakin diba?

Naabutan ko si Yanie sa kusina na nakabusangot ang mukha. Anong problema neto?

"Problema mo Yan? Diba sabi ko pag may problema magsabi sakin." Kumuha ako ng tubig sa ref. Juice nalang ititimpla ko sa kanya. Nakakahiya talaga pag tubig lang eh.

"Si Brix kase ate, dalawang araw nang di nagtetext o kahit chat man lang." Hinagis niya yung phone niya sa table at ginulo ang buhok niya. 

Frustrated siya masyado.

"Baka naman busy." Umupo ako sa tapat niya nagtimpla ng juice.

"Nang hindi nagpapaalam?" Iba talaga pag inlove. Hahaha, ngayon ko lang nakitang ganito si Yanie. Hindi naman ako natatakot na masaktan siya, natural nagmahal siya eh. Kakambal na ng sakit ang pagmamahal kaya wala kang dapat ikareklamo dun. Ang kinatatakot ko lang ay baka di niya kayanin lalo na kung kay Brix. First boyfriend eh.

"Chill. Malay mo naman diba? Nagagalit ka kaagad jan." Ngumiti lang siya ng mapait. Akalain nyong may lasa din pala ang ngiti lol.

"Bahala siya, kung ayaw niya magparamdam edi wag! Aish nakakainis. Sige ate akyat po muna ako." Tumango lang ako. Mukhang badtrip talaga siya. 

Dinala ko na kay James yung juice niya at yung cookies. Special kasi siya, special child.

Halos mabagsak ko na yung dala-dala kong tray ng maabutan ko sila Darlene sa may sala. What the hell?! At may mga kasama pa siya ha? Great!!

"Oh bakit isa lang? Lima kami dito." Sigaw sakin ni Darlene. Sinabi ko ba kasing isama niya yang mga yan? Welcome ba sila sa bahay namin?!

"Welcome ba kayo?" Inabot ko na kay James yung juice niya. Ang kakapal naman ng mukha at sinama pa nila yung dalawang babae na yan.

"Aba't!" Kirstin said. 

Don't tell me magtataray siya sa pamamahay ko? Subukan niya at ingungudngod ko mukha niya sa bowl -_-

"Sorry Matotie, kung ayaw mo kami dito sige aalis nalang kami." Tatayo na sana si Alvin ng pigilan siya ni Darlene.

"No. Walang aalis. Korrine ano ba? Project nang tatlong yan na magpicture ng mga studyanteng gumagawa ng thesis. Ngayon lang to okay?" Inirapan ko lang si Darlene at tsaka nagsoundtrip.

Umupo ulit si Alvin sa sofa. Hindi ko lang sila pinansin sa pagpipicture nila. Naiinis ako kay Darlene, bakit di niya pinaalam sakin to? So close na pala sila? Kasi kung hindi, di yan papayag na dito sila lalo na kung kasama yung dalawa.

Nabigla ako ng may biglang humablot ng earphone ko.

"Hindi mo man lang ba tutulungan si James?" As usual, sino pa bang concern na concern kay James diba?

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon