Twenty-six

392 37 3
                                    

George's POV

Kanina pa tahimik si Tres. Alam ko namang nahihirapan na siya sa sitwasyon niya, pero dapat manatili siyang matatag. Si Tres yung taong napaka-masiyahin. Kaya hindi ako sanay na nakikita siyang ganyan.

"Do you really wanna go home?" I know na iiyak at iiyak lang yan sa kwarto niya, magmumukmok.

"Yeah, i need to take a rest. Maaga ko pang bibisitahin si Ceslie bukas." Sagot niya habang nakapikit.

Everytime na binabanggit niya pangalan nung Ceslie naiiyak siya. At nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang ganyan. Hindi ko alam ang pumasok sa utak ko at naisipan kong hawaka yung kamay niya.

"Everything will be alright." She forced her self to smile.

Nag-focus nalang ako sa pagmamaneho habang hawak parin ang kamay niya. Napansin ko ring kanina pa ko tinatawagan ni kuya. Anong kailangan ng panget na to?

"Who's James?" Napansin kong nakatingin si Tres sa phone ko.

"My brother." Tumango lang siya at nanahimik na ulit.

Inabot ko ang phone ko at pinatay. Wala na namang matinong sasabihin yun. Kung hindi mang-aasar, mang-uutos. Tss, gwapo kong utusan niya. Pero dahil nga gwapo ako, hindi ko siya sinusunod.

Madalas narin kaming makapag-usap ni kuya dahil sa pagkakaalam ko, lagi siyang andun sa bahay ng nililigawan niya. Sabi ko nga sa kanya ipakilala niya ko, kasi baka chix at baka matypan ko, edi ako na manliligaw. Kaso suntok ang naabot ko.

"We're here." Nagtanggal na siya ng seatbelt. Hindi ako kumibo at tinitigan lang siya.

Sa simpleng galaw niya, lalo siyang gumaganda. Nakakabakla man pakinggan pero mahal ko na ata si Tres. Dati palang, lagi ko siyang inaabangan sa tuwing papasok na siya. Magka-schoolmate lang kami kaya naman nasusundan ko siya palagi. Hindi niya ko stalker, admirer. Para gwapo pakinggan, sing gwapo ko.

"Stop staring George. Ang weird mo na." Umirap lang siya at nag-cross arms.

Ngumiti ako sa kanya. Ang sarap niyang tingnan sa tuwing sinusubukan niyang magtaray. Knowing Tres, hindi talaga siya yung tipo ng babaeng mataray. Pero palaban.

"Sige na, pasok na." Nag-aalinlangan pa siya kung bababa ba siya o hindi. Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil naguguluhan ako sa inaasta niya.

Bumaba siya ng kotse ng hindi ako tinitingnan. What did i do? Haha.

"Tss." Aalis na sana ako ng mapansin kong bumalik siya at umikot sa kotse.

Kumatok siya sa salamin ng kotse ko. Binuksan ko agad ang bintana.

"Bakit?" Dumungaw ako at tumingala sa kanya.

Ilang minuto niya rin akong tinitigan at tsaka bumuntong hininga.

"Halika. May sasabihin ako." Sinenyas niya ang kamay niya na nagsasabing ilapit ko yung tenga ko. Anong trip ng babaeng to?

Sumideview ako at nag-antay ng sasabihin niya ng maramdaman kong hinalikan niya ko sa pisngi.

"Thank you for everything." Laking gulat ko nalang sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakaimik.

Ayos din tong babaeng to. Akalain mong dumadamoves na agad.

"Iniisip mo? Pa-thank you lang yan. Psh, bye na nga." Pumasok na siya ng tuluyan sa may bahay nila.

Hindi ko alam pero bigla akong napahawak sa pisngi ko at napangiti. Hinalikan talaga ako ng babaeng yun? Hirap talaga pag gwapo. Haha

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon