Thirty-two

399 39 6
                                    

Darlene's POV

3rd day of being taken. Gosh, tatlong araw palang kami ni James pero halos mamatay na ko sa kilig! Araw araw na siyang nasa bahay at kung anong anong pakulo yung pinag-gagagawa niya. Grabe, di ko naman inaakala na may ganun pala siyang side. 

I'm so thankful at si James ang boyfriend ko.

"Kung makangiti ka naman jan parang wala ng bukas." Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko nang marinig ko ang boses ni Korrine.

What is she doing here? Ngayon niya lang ata ako naalala? Hmp.

"Buhay ka pa pala." I rolled my eyes at her kaya hinagis niya sakin yung shoe niya.

"Ang arte mo ha! Sino kaya yung nagka-boyfriend lang ni hindi na magawang magtext. Duh, ako ba?" Umupo siya sa tabi ko habang tinatanggal yung isa niya pang shoe.

Napansin kong iba yung awra ni Korrine ngayon. I bet may problema to kaya andito. 10:30 palang naman nang umaga kaya may oras pa. Aalis kasi kami ni James mamayang 3 pm kaya dapat 12 palang nag-aayos na ko. Joke hahaha.

"Whatever. Bakit ka andito?" May ikukwento nga pala ako sa kanya. Kwento ni James na kwento daw ng kapatid niya na kinuwento naman nung nililigawan ng kapatid niya. Ganyan kabilis ang chismis.

"Bawal na ba? Ang ingay sa bahay eh. Andun sila Brix at Erica, so mall tayo?" Mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-iling ko.

Napakunot-noo naman siya sa inasta ko kaya ngumiti ako. Oh no, hindi ako pwede today! First date namin to ni James no at hindi ko dapat palagpasin lahat ng first.

"Ehhh kasi naman! May lakad kami ni James!" Then i smile. I don't know kung anong meron sa name niya at napapangiti ako bigla.

Naeexcite tuloy akong makasama ulit siya, kahit magka-usap lang naman kami kanina sa phone miss ko na agad siya.

"Tss. Blahblahblah, ilang araw na kayong magkasama no! Magpamiss naman kayo sa isa't isa." Napangiti ako kay Korrine. Obvious na masyado yung pagiging bitter niya. Hahaha

"Bat di nalang si Brake ang yayain mo? Mag-date kayo! Oh diba? Cool!" I heard na magkasama daw sila ni Brake nung gabing sinagot ko si James. Tapos madaling araw na sila nakauwi. So san sila galing at inabot sila ng madaling araw?

Nagulat ako ng biglang nanahimik si Korrine. May nasabi ba kong masama?

"Hey, im just joking." Hindi ata siya natuwa sa sinabi ko. Eh? What's wrong with dating Brake? I mean, move on na naman siya kay Alvin diba? Bakit hindi siya mag-umpisa ulit?

"Yeah, don't worry im fine." Teka, si Brake ba ang problema niya?

Akala ko okay sila? Akala ko pa man din may namumuo na kaya hinayaan ko lang siya this past few days.

"What's wrong? May nangyari ba?" Nginitian niya ako tapos tumayo.

Kinuha niya yung sapatos niya. Hindi ko siya pinigilan, kasi i guess aalis na siya?

"Pag-usapan nalang natin pag may free time ka. Akala ko kasi free ka today eh. Well, enjoy your day ha? Kaya ko pa naman to, hahaha. Just text me okay?" Bigla naman akong naguilty.

Should i cancel our date? Sabagay, date lang naman yun. I know, maiintindihan ako ni James. Ugh, hindi lang talaga kaya ng konsensya kong balewalain si Korrine. Duh, kamag-anak ko yan no! Isa pa, lagi akong nasa tabi niya pag may problema siya. Ayoko namang isipin niya na nagka-boyfriend lang ako pinabayaan ko na siya.

"Hey! Stay here. Kausapin ko lang si James. Let's talk about it okay? May sasabihin din ako sayo." Sinamaan niya ako ng tingin kaya binigyan ko siya ng 'ano na naman' look.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon