Fifty-six

352 32 12
                                    

Korrine's POV

Nilapag ko lahat ng napamili ko sa kama. Ngayon lang ata ako nakaramdam ng pagod pagkatapos mamili ng mga damit.

"Buong mall na ata binili mo eh." Umupo siya sa tabi ko habang ninanamnam ang kinakain niyang ice cream. Ewan ko din ba sa babaeng to at bigla bigla nalang sumusulpot. Wala ba silang lakad ni James? "Para saan naman yan?" Tumayo siya at binuksan ang mga napamili ko.

Umiling iling siya bago ako tingnan. Tumaas naman agad ang kilay ko, anong mali sa mga napamili ko?

"Ano to? Mag-dodonate ka ba ng mga damit?" Binuksan niya ang closet ko at isa isang tiningnan ang mga damit ko. "Okay pa naman tong mga to ha? Di mo pa nga nasusuot lahat eh."

Humiga ako sa kama at chineck ang phone ko. As expected, nagtext na naman si Brake. Tsk, puro ka-cheesyhan na naman mga pinagsasabi ng lalaking to. Nahiya na nga ata lahat ng langgam sa kanya.

"Why are you smiling? Hmm, sino yan?" Tumalon pa siya sa tabi ko at hinablot ang phone ko.

"Yah! Akin na!"

Nilapag niya sa tabi ang hawak hawak niyang ice cream at nagpunas ng kamay.

"Goodevening beautiful exclamation point. Pasko na ba question mark kas----" Kinuha ko sa kanya yung phone ko at tinago sa likod ko. Walang magawa tong babaeng to tss. Bakit ba kasi to nandito? Nasanay na kasi akong sinasarili lahat ng kilig na nararamdaman ko sa katawan.

"Mind your own business."

"Tss. Damot! Kayo na ba?" Napa-ubo ako ng wala sa oras sa tanong niya.

"W-what?!"

Napa-iwas ako ng tingin ng bigla niya kong titigan. Syempre hindi pa kami! Pero kasi may balak na kong sagutin siya. At bukas na yon! Kaya nga binili ko na lahat ng magagandang damit na nakita ko kanina sa mall. Hindi ko rin naman matiis si Brake, isa pa mahal ko naman talaga siya. Wala nga naman talagang mangyayari kung papairalin ko yung takot na nararamdaman ko. May tiwala ako kay Brake at alam kong hindi niya ko sasaktan.

"Oo o hindi lang naman Korrine, kayo na ba?" Biglang naging seryoso ang boses ni Darlene na ikinagulat ko. Di ba dapat nagwawala na siya ngayon lalo na't si Brake ang pinag-uusapan namin? Siya kaya ang number one fan namin.

"Anong meron sayo? Sinapian ka ba? May lagnat?" Hinipo ko yung noo niya pero tinabig niya yung kamay ko. "Lq kayo no?"

"Tss. Ano na? Kayo na ba?"

"Hindi." Kahit hindi ako nakatingin sa kanya napansin ko parin yung pagliwanag ng mukha niya. "Pero bukas, oo."

Binalot ng katahimikan ang kwarto ko. She's really weird. Hindi ko siya maintindihan. Hindi kaya may tinatago siya sakin? Pero malabo, i know her. Kapag may problema sinasabi niya agad sakin.

"Ate? Si kuya Brake nasa labas." Napabangon ako sa pagkakahiga ko at agad na bumaba.

Okay, ako na excited. Parang ilang araw ko siyang hindi nakita. Binagalan ko yung takbo ko ng mapansin ko si Xherie na may kausap na lalaki. Sino naman to? Bago niya?

"Pwede bang bukas nalang?" Mahinahon niyang sabi. Umiling lang yung lalaki at ngumisi. "Argh! Bukas na nga lang sabi eh!" She lost her temper.

"Sumisigaw ka ba?"

"Hindi! Bumubulong ako! Ganito kalakas yung bulong ko! Stupid!" Napahawak siya sa noo niya at hinilot.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon