Twenty-five

417 35 4
                                    

Treschia's POV

Kagabi pa ko hindi mapakali. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Ano bang meron? O sadyang nababaliw lang ako? O baka naman paranoid ako.

"Tres!" 

Kakalabas ko palang ng bahay at isang napakapoging nilalang na agad ang nakita ko.

"Hi George." Meet George Inocencio. Ang nag-iisang lalaking gwapo sa paningin ko. Haha

"San ka pupunta?" Ang aga aga nag-sskateboard na siya.

Lumapit siya sakin kaya naman etong maharot kong puso kumakabog na naman ng sobrang bilis. Sigaw pa ng sigaw. Alam niyo sabi?

Sabi niya 'Georgegeorgegeorgegeorge' hehe.

"Sa kaibigan ko, sana." Kaso anjan ka kaya mamaya maya nalang. Hahaha

"Samahan na kita?" Wait, sinabi niya bang sasamahan niya ko?!

Oo tres, kakasabi lang. Bingi ka?

Leche! Teka, I can't breathe. Air please? Hahaha.

"S-sure. Ah, tara?" Ngumiti lang siya at binitbit ang skate board niya. "Hindi mo ba iiwan yan?" I asked him. Ayoko ngang nahihirapan siya.

"Di na. Gamitin pa ni Kuya." 

Tumango nalang ako at nag-umpisa ng maglakad. Bigla nalang pumasok sa isip ko si Ceslie at kasabay nun ang pagbalik ng kabang nararamdaman ko kanina. Mali naman siguro yung kutob ko diba?

"Hoy, tulala ka jan." Napabalik ako sa realidad ng mapansin si George sa harapan ko.

"Ah, s-sorry. Haha, may iniisip lang."

"Iniisip mo pa ko eh kasama mo na nga ko." Sabay wink niya sakin.

Waaaah! Ang gwapo huhuhu

"Wow naman sayo. Hangin ha? Hahaha."

"Nahawa sa kuya ko. Haha." 

"Sira ka. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, baka makabangga ka." Nakinig naman siya sakin kaya napangiti ako.

Nabigla ako sa biglaang pagtunog ng phone ko. May tumatawag sakin pero unknown. Sasagutin ko ba?

"Sino yan?" Tanong ni George.

Pinakita ko sa kanya yung phone ko at nagkibit balikat.

"Baka importante? Sagutin mo." Sabagay, may point nga naman siya.

Then sinagot ko na.

"Yes? Who's this?" Nakarinig ako ng hikbi kaya napahinto ako.

"T-treschia.." Kahit hindi ko pa sure, malakas ang kutob ko na si Kirstin to.

"K-kirstin? Ikaw ba to?" Is she crying? What is happening to her?

"A-ako to.. Tres.. si C-ceslie.." Isang hikbi na naman ang narinig ko at maya maya lang umiyak na naman siya.

"W-what? A-anong nangyari kay Ceslie?" Kaya ba ko kinakabahan? No please, sana naman nag-away lang sila o kung ano man. Wag lang yung naiisip ko.

"N-naaksidente siya.. please tres pumunta ka ngayon sa hospital.." Nabitawan ko ang cellphone ko at napaluhod sa sobrang panghihina.

Naaksidente? Anong aksidente? Nahiwa ng kutsilyo? Nabugbog? Napaso? Ano?! Pero bakit umiiyak si Kirstin? Gaano ba kalala yun?!

"O-oy Tres. Bakit ka umiiyak?" Niyakap ko si George at umiyak ng umiyak sa dibdib niya. Ayokong makita niya kong umiiyak kaya minabuti kong itago ang mukha ko.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon