Fifty

360 31 9
                                    

Korrine's POV

Naglakad ako ng mabilis para makahabol sa first subject namin. Hindi ko alam kung bakit hindi tumunog yung alarm ko. Hindi tuloy ako nagising ng maaga. Damn it. Mamaya may surprise quiz na naman yung magaling naming teacher. Minsan ang hirap din pag may topak teacher mo eh, kahit wala pang tinuturo magpapaquiz agad. Asan ang hustisya?

"Ay sorry!" Paghingi ko ng paumanhin sa nabangga ko. Aish! Kung bakit ba kasi naisipan ko pang magpa-bangs. Ang hirap tuloy mag-adjust.

"Ang aga aga ang lalim ng iniisip mo." Napa-angat ako bigla ng marinig ang boses ni Brake. Wow, sa dinami dami ng tao sa school na to siya talaga agad ang bubungad sakin? Ngumiti siya sakin kaya umirap ako. Ugh! Hindi ako sanay na ganito siya. Kung tutuusin dapat sinusungitan niya ko ngayon eh. Tsk, mas gusto ko naman yung ganun kesa sa ganito siya no. Ang creepy!

Pinitik niya ng mahina ang noo ko at sinamaan ako ng tingin. Nababasa niya ba yung nasa isip ko?!

"Yah! Ano?" Pagsusungit ko kunwari sa kanya. Duh, hindi ko parin nakakalimutan na nakipag-date siya habang nasa hospital ako.

"Anong ano? Wala ka bang napapansin sakin?" Lalo pang kumunot ang noo niya ng tinitigan ko siya. Ano namang bago sa kanya? May mata parin siya, kilay, ilong at bibig. Kumpleto pa naman yung kamay at mga daliri niya ewan ko lang sa paa. Si Brake parin naman siya ah? Ano bang pinagsasasabi niya? Tsk. Kung hindi ko lang siya mahal hindi ko siya pag-aaksayahan ng oras.

"Ano bang meron? Si Brake ka parin naman." Tinulak niya ang noo ko at umirap. Napangiti naman ako bigla. Ano bang pinuputok ng butsi niya? Pft, ang totoo bagong gupit siya. Pero dahil madami siyang atraso sakin, iinisin ko siya. Sino ba namang hindi makakapansin? Lalo kaya siyang gumwapo!

"Tss. Wala, tara na." Hinila niya bigla yung bag ko at sinabit sa balikat niya. Napatigil ako sandali at ngumiti. Malala na nga talaga tong si Brake. Napansin ko rin na pinagtitinginan na siya ng mga estudyante pero as usual, siya si Brake kaya wala siyang pakialam.

Pero nagulat ako ng matapat ako sa mga nagkukumpulang babae ng marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam pero bigla kong naikuyom ang kamao ko.

"Oh my gee! Siya nga yon! Yung babaeng na-rape right! And guess what?! Nabasa ko sa isang blog na hindi siya totally na-rape! Gusto niya lang daw mapansin! Pathetic right?"

"Really? But I heard, hindi naman talaga siya ni-rape? She's a flirt daw kaya ganun."

"Ohh. Well, halata naman. And base sa mga nakikita ko ngayon, si Brake naman ang next target niya. Oh gosh!"

"Nakakaawa siya."

"Bawiin niyo lahat ng sinabi niyo." Nakita ko si Brake na nasa harapan ng mga babaeng pinag-uusapan ako. Kitang kita ko ang galit sa mukha niya. "Babawiin niyo ba o masasaktan kayo?" Nilapitan ko si Brake at inawat. Mukhang natatakot narin sa kanya yung mga babae. Kahit ako din naman, para na siyang kakain ng taong buhay.

"B-brake stop."

"S-sorry. Hindi naman naming sinasadya." Paghingi ng paumanhin nung babaeng maliit. Mukhang freshman siya.

"Sinabi lang naman naming yung mga nabasa naming about her. We didn't mean it." Singit din nung isa.

"Bago kayo manghusga ng ibang tao siguraduhin niyong alam niyo ang buong nangyari. Babae rin kayo kaya dapat alam niyo kung ano yung pinagdadaanan niya ngayon." Kalmadong sabi niya. Hinila niya ko at iniharap sa mga babae. Damn it, masyado ng madaming tao ang nakatingin samin. "Lahat kayo! Wala kayong karapatang pag-usapan tong babaeng to. Kung hindi, may kalalagyan kayo."

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon