Thirty-nine

411 33 6
                                    

Yanie's POV

"Bff! Kanina ka pa tahimik." Tanong ko kay Erica na kasalukuyang nanunuklay.

Pinuntahan ko kasi siya sa bahay niya. Miss ko narin kasi tong bff ko eh. Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam sakin, akala ko nga may nangyaring hindi maganda sa kanya eh.

"May iniisip lang. Ano nga bang sinasabi mo?" Ininom niya yung juice na nasa harapan niya at tinitigan ako.

Bakit pakiramdam ko may nagbago sa kanya?

"Wala wala. Hehe." Nag-nod lang siya at nag-iwas ng tingin.

Freakin awkard.

"Mahal." Natigilan si Erica sa ginagawa niya ng marinig ang boses ni Brix. Kahit ako napatigil din.

"Uh, mahal? Bakit ka nandito?" Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

Napasulyap ako kay Erica na nakatingin sa kamay namin ni Brix.What's wrong with her? I mean, parang iba yung kinikilos niya.

"I just missed you. Are you free today? Labas tayo." He asked.

Napalingon na naman ako kay Erica pero this time tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Uh.."

"Go on. Okay lang ako dito." Tumayo si Brix at kinuha ang bag ko.

"Let's go."

Tumayo nalang din ako kahit pakiramdam ko naiwan sa ere si Erica.

"Bff, i'm sorry. Babawi ako sayo next time i swear." Ngumiti lang siya at nag-nod.

Wala naman kaming problema diba? Wala naman akong maalalang ginawa ko o nangyari. Baka naman wala lang siya sa mood.

Sumakay ako sa kotse ni Brix at nag-seatbelt. Hindi niya naman alam na nasa bahay ako ni Erica ah? Paano niya naman kaya nalaman?

"Sino nagsabi sayong andun ako?"

"Importante pa ba yon?" He started the engine at tiningnan ako.

"Uh kasi, gusto ko lang malaman."

"She texted me na nandun ka. May tanong ka pa ba?" Pati ba naman siya wala sa mood? At bakit naman sasabihin ni bff na nasa bahay nila ako eh sabi ko nga bonding namin yon? Weird.

Nanahimik nalang ako sa isang tabi at hindi na nagsalita. Ako lang ba talaga tong paranoid o talagang may nagbago sa dalawa?

Si Erica na jolly bakit biglang nanahimik? Si Brix na sweet sakin at mabait biglang naging masungit? Ugh, i don't get it.


Ceslie's POV

Damn, my head hurts. Hindi ko inaasahang mapaparami yung inom namin kagabi. Masyado ata kaming nag-enjoy at di na namalayan ang oras. Well, minsan lang din naman yon.

"Bumangon ka na jan. 12 pm na, exactly 2 pm aalis na tayo. Tss." Napabangon ako ng marinig ko ang oras na sinabi ni Brake.

Oh gosh! Anong mangyayari sa loob ng dalawang oras?!

"Damn! Wait, maliligo na ko!" 

Nagmadali akong pumasok sa cr at naligo ng mabilis.

"Make it fast."

Napa-irap ako kahit alam kong di naman ako nakikita ng magaling kong pinsan.

"Mauna ka na kung gusto mo. Ikaw naman ata ikakasal eh."

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon