Darlene's POV
Ako ang nasasaktan para kay Korrine. Kitang kita sa mga mata niya yung sakit na nararamdaman niya. Ayoko rin kasing itago sa kanya ni Alvin na manliligaw na siya kay Korrine. Ayokong umasa lang lalo sa wala si Korrine.
"Matotie, bakit ka umiiyak?" Nakatingin lang sa kanya si Korrine habang patuloy parin sa pag-iyak.
"A-ah, ano tears of joy! Waaaaa! Grabe, sa wakas may liligawan kana rin." Ngumiti ng pilit si Korrine kay Alvin. Nasasaktan ako lalo sa ginagawa niya. Hindi siya magaling magtago nang nararamdaman niya.
"Grabeng tears of joy naman yan. Hahaha!" Ang manhid manhid mo Alvin nakakainis ka!
"Alvs, asikasuhin mo muna sila dun sa baba dali." Hinila ko na siya palabas ng room ni Korrine. Alam kong kailangan ni Korrine ng comfort ngayon.
Matagal ko na tong alam pero di ko lang sinasabi kay Korrine. Ayoko kasing pangunahan si Alvin. Kaya nga di na ako nakatanggi kanina nung sinabi ni Alvin na kasama sina Ceslie.
"Alam mo ba to?" Sinarado ko na yung pinto ng room niya bago ako tumabi sa kanya. Hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak.
"Oo. Pero magpapaliwanag ako." Umiyak siya lalo at tinuro yung pinto ng room niya.
"Labas." T-teka? Pinapalabas niya ba ko?!
"Korina naman! Ayoko. Kailangan mo ng mapaglalabasan ng sama ng loob diba? Andito lang ako." Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pag-iyak.
"Kailan pa? Kailan mo pa alam?" Nakapikit siya habang umiiyak. Sobrang mahal niya talaga si Alvin. At nasasaktan ako kasi wala akong magawa.
"4 days ago. Di ko pinaalam sayo kasi ayokong pangunahan si Alvin. Im so sorry Korrine. Im so sorry." Ngayon ko lang nakitang ganito siya kalungkot. Sa bawat hikbi niya feeling ko sinasaksak yung puso ko.
"A-ang sakit Dar, ang sakit sakit. Parang pinapatay ako ng paunti-unti."
Niyakap ko siya. Alam kong sobrang sakit sa parte niya nun pero wala akong ibang alam gawin para mabawasan yung sakit na nararamdaman niya. Hindi naman pwedeng pilitin ko si Alvin na wag ng ligawan si Ceslie diba? Kaibigan ko siya at naiintindihan ko kung magkagusto siya sa iba. Ang di ko lang matanggap kung bakit kay Ceslie pa.
"Alam ko Korrine. Shhh tahan na. Bakit kaya di ka umamin sa kanya? Malay mo may magbago diba?" Pinunasan niya yung luha niya bago ngumiti sakin nang mapait.
"May magbabago ba? Wala naman ata." Sabay sabay na nagsituluan na naman yung luha niya. Naiintindihan ko siya eh. Bata pa lang kami mahal niya na si Alvin. Si Alvin ba kahit konti wala man lang naramdaman kay Korrine?
"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? Malay mo kahit 1% na chance meron pa diba? Go." Iyak lang siya ng iyak dun hanggang sa tumingin siya sakin at ngumiti.
"Malabo. Hayaan nalang natin siya. Marami pa namang lalaki." Tumagilid siya ng higa pero halatang umiiyak parin siya. Siguro nga gusto niya munang mapag-isa.
"Iwan muna kita ha? Dun lang ako sa baba. Kung kailangan mo ng makakausap tawagin mo lang ako. Mamayang gabi pa naman kami uuwi eh. Ewan ko lang sa tatlo." Usapan kasi namin ni Brake na tatapusin na namin to ngayon dahil pasahan na bukas.
Naabutan kong nag-uusap si Alvin at Ceslie sa baba habang yung dalawang lalaki gumagawa ng Thesis. Si Kirstin naman pinipicturan si Brake niya kuno.
Nakasama ko na kasi yang mga yan. Gumagawa kasi kami ng thesis nun ni Brake sa bahay nila ng bigla silang dumating. Actually nung una puro kami away pero nung nagtagal wala na. Minsan nga nagkakangitian na kami pero syempre bihira lang yun. Tsaka na ko ngingiti ng lubos pag okay na sila ni Korrine. Kaso mukhang malabo.
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig [Completed]
Ficção AdolescentePaano kung nainlove ka sa kamag-anak mo? Ipaglalaban mo pa ba yung pagmamahal mo o hahanap ka nalang ng iba na pagbabalingan mo nito? Started: February 28, 2015 Ended: December 8, 2015 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.