Forty-three

323 36 12
                                    

Darlene's POV

Pinunasan ko kaagad ang luha ko ng mabuksan na nila Brake ang pinto. Nanginginig ang buong katawan ko habang naglalakad papasok sa rooftop.

"Korrine! Korrine!" Agad na tinapik ni Brake ang pisngi ni Korrine. Hindi na ko lumapit pa dahil pakiramdam ko na sa tuwing hahakbang ako nababawasan ang lakas ko.

Hinubad ni Brake ang suot suot niyang suit at ipinatong kay Korrine na walang damit. Tanging bra niya lang ang naka-suot sa kanya at punit punit pa ang sa baba niya. Napa-upo ako sa sahig ng mapansin ko ang napakadami niyang pasa sa katawan. Damn! Talo niya pa ang na-hazing!

Sinong walang puso ang kayang gumawa nito sa kanya?!

"Tumawag na agad kayo ng ambulansya!" Sigaw ni Brake habang tinatakpan ng maiigi ang buong katawan ni Korrine.

Tumakbo kaagad pababa si Alvin para humingi ng tulong. Binuhat ni Brake si Korrine habang naka-alalay naman sakin si James. Hinanap ng mata ko si Ceslie at nakita ko siya sa may dulo na nakatulala habang nakanganga.

Hindi ko na alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga nangyayari. 

"J-james, si Ceslie!" Nag-aalalang sambit ko.

Halos di na siya gumagalaw sa kinatatayuan niya kaya lalo akong nag-alala.

"Kumapit ka dito. Lalapitan ko lang siya." Kumapit naman ako sa may pinto habang pinapanuod si James na inaalalayan si Ceslie.

Anong nangyari sa kanya at pumunta siya don?

"O-okay ka lang ba?" Hindi siya sumagot at nanatiling nakatulala.

Kinuha ni James ang phone niya at may tinawagan.

"Umakyat ka dito sa roof top. Bilis!" 

Wala pang limang minuto at nakita ko si George na hingal na hingal. Pinaalalayan niya si Ceslie kay George at lumapit sakin.

Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunas sa buong mukha ko. Wala naman akong pake kung ano ng itsura ko, ang gusto ko lang maging maayos ang kalagayan ni Korrine.

"Magiging okay rin ang lahat. Hindi tayo titigil hanggat hindi natin nakikilala ang gumawa ng lahat ng to." Niyakap niya ko at binuhat.

Kahit ayokong magpabuhat, wala narin naman akong lakas pa para magreklamo. Kumapit akong maiigi sa kanya at isinandal ang ulo sa dibdib niya. Ang swerte ko parin at nandito si James lagi sa tabi ko. Hindi ko na nga ata lubos maisip ang magiging buhay ko kung wala siya para palakasin ulit ako.


Yanie's POV

Kuya Alvin calling...

Dinampot ko kaagad ang phone ko at sinagot ang tawag ni Kuya Alvin.

"Yanie?" Bigla akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang boses ni Kuya Alvin na parang kagagaling lang sa iyak.

"K-kuya?" Nangingilid na ang luha ko. Kanina ko padin hinihintay si Brix pero hanggang ngayon wala parin siya.

"Anjan ba si lolo at lola?"

"T-tulog na sila kuya. M-may balita na ba kay Ate?" Kabado kong tanong.

Please kuya sana good news, please.

"Meron. Nandito kami sa hospital Yan. Kung pwede sana wag mo munang ipaalam sa kahit na kanino. Mas mabuti kung pupunta ka dito."

Napa-upo ako sa kama ko. Anong ginagawa ni Ate Korrine sa hospital?!

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon