Forty-eight

355 30 13
                                    

James' POV

Damn, ang sakit na ng ulo ko kaka-scroll at kakahanap ng pwedeng tawagan para maka-date ni babe. I don't fucking know what's her type. I have a lot of friends but some of them are not interested. Fuck, I am going crazy! Kanina ko pa din tinatawagan si Dardar para tulungan ako pero naka-off ang phone niya.

"Kuya pahinging pera." Napabangon ako sa pagkakahiga ng biglang lumitaw ang kapatid kong tukmol. Panget parin kahit anong gawing ayos. Wala pa talaga sa kalingkingan ko to eh. Ano bang nagustuhan ni Treschia sa lalaking to? "Oh wag mo kong titigan ng ganyan. Kung hindi lang kita kapatid iisipin kong pinagnanasaan mo na ko eh."

"Eh kung di kita bigyan ng pang-date niyo?" Napahawak siya sa batok niya at ngumisi.

"Binibiro ka lang naman. Gwapo mo nga eh kahit di ka pa maligo ng isang taon. Akin na pera ko." Nilahad niya yung kamay niya pero tinabig ko yon. Alam kong madaming kilalang gwapo tong tukmol na to na pwedeng i-date kay babe. Ubos na load ko kakatawag sa lahat ng kaibigan ko pero lahat sila tinanggihan ako. Shet, ako ata ang gusto ng mga gago.

"Dadagdagan ko pang-date niyo basta tulungan mo ko." Umiling-iling siya at umupo sa harapan ko. Kapag usapang pera talaga nagiging mabait tong tukmol na to. Swerte ko parin at ako ang panganay. Kontrolado ko lahat shet.

"About what?"

"Alam kong gwapo mga kaibigan mo at ikaw lang ang hindi. Hanapan mo si babe ng makakadate.." Nag-smirk ang loko at nilabas ang phone niya. Edi ayos! Solve na naman ang problema ko. Halos mabasag na ulo ko kakaisip pero tong gagong to nakahanap agad ng solusyon. Iba na talaga mga panget.

"Tol. Date? Gago hindi ako. Ge."

Umiling lang ako at ngumisi. Para din pala siyang ako kung makipag-usap.

"Yun lang ba? Sabihin mo sakin yung lugar at oras, ako na magsasabi sa kanya." Ginulo ko yung buhok niya at kinuha ang wallet ko.

"Ayos yan. Oh, alis na." Sinamaan niya ako ng tingin bago tuluyang umalis. Akala ko aangal pa eh.

Wala na kong iisipin pa tutal ayos na yung kay babe. Pero asan ba yung girlfriend ko? Kanina pa siya di ma-contact. Samantalang noong nakaraang araw ang dami niyang missed call sakin. Hindi ko man lang namalayan na tumatawag pala siya.

Kinuha ko yung susi at lumabas ng kwarto. I need to see her. Pakiramdam ko iniiwasan niya ko eh. Ngayon lang nangyari na patay ang phone niya. Hindi din siya nagreresponse sa mga message ko sa fb. Wala naman akong maalalang may problema kami. Oh di kaya nagtampo siya kasi hindi ko nasagot yung tawag niya? Fuck this, ang hirap intindihin ng mga babae.

"Si Darlene?" Tanong ko sa kasambahay nila.

"Ay nasa kwarto niya po sir." Nginitian ko lang yung kasambahay nila at pumasok. Hindi ko na kailangan pang magpaalam dahil ang gwapong tulad ko ay welcome sa bahay nila.

Teka, saan nga ba dito ang kwarto ni Dardar? Ilang beses na kong pumunta sa bahay nila pero hindi niya pa ko napapapasok sa kwarto niya. Siguro kasi puro mukha ko yung kwarto niya. Grabeng pagnanasa talaga meron tong si Dardar para sakin. Kakatok palang sana ako ng biglang bumukas yung pinto. Gulat na gulat naman si Darlene ng makita ako.

"Hi Dardar." Inirapan niya ako bigla. Sabi na nga ba to eh. Kinuha ko yung kamay niya pero bigla niya ring binawi.

"Anong ginagawa mo dito?" Sa sobrang talas ng tingin niya pakiramdam ko sinasaksak ako. Napatingin ako sa suot niya at agad na napa-atras. Fuck James, kalma. Girlfriend mo yan. Iniwas ko naman agad yung tingin ko at pinaypayan ang sarili.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon