Sixty-two

335 29 7
                                    

Darlene's POV

Napasilip ako sa bintana at napangiwi ng makitang andun parin si Brake sa labas. Mahigit limang oras na siyang nakatayo doon at naghihintay kay Korrine. Sinabi sa akin ni Yanie na hindi makakauwi si Korrine, pero hindi ko yun sinabi kay Brake.

Gusto kong mapagod si Brake kay Korrine ng sa ganun tigilan niya na to. Mas papabor ako kung magiging si Korrine at Earl. Alas dos na ng madaling araw pero nasa labas parin siya ng bahay at tila naghihintay ng himala.

"I'm sorry Brake. Pero hindi ka makakabuti para kay Korrine." Sinarado ko yung kurtina ng bintana at pinilit na matulog ulit.

Ilang beses akong nagpagulong gulong sa kama pero hindi talaga ako makatulog. Hindi ko rin kasi maiwasang hindi isipin si Brake. Delikado sa labas at madaming lamok. Tsk. Kinuha ko yung phone ko at lumabas ng bahay.

Nagulat ko ata siya kaya ngumiti ako. Hindi ko lubos maisip na dahil lang sa isang balita nagbago na lahat. Masaya naman kami noon eh, kung hindi ko lang sana nalaman na magpinsan sila. Pero hindi ko pinagsisisihan na nalaman ko yun.

"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko sa kanya. Pinasok niya sa bulsa niya ang kamay niya at sumandal ulit sa kotse.

"Ngayon ngayon lang." Cold na sagot niya. Yumuko ako ng bahagya at pumikit. Kanina lang naiinis ako sa kanya ngayon naman naaawa na. Mali yan Dar, mainis ka lang dahil hindi siya nakakabuti kay Korrine okay?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hinihintay si Korrine." Blangko ang mukha niya at diretsong nakatingin sa gate.

"Hindi siya uuwi. May inaasikaso ata." Ayoko din naman na magdamag siyang maghintay sa wala. Kahit papaano naging mabuti naman siya sakin.

"Maghihintay ako."

"Maghihintay ka lang sa wala. Kaya kung ako sayo umalis ka nalang."

Napalingon siya sakin at tinapunan ako ng malalamig na tingin. Hindi ako nagpatinag at tinitigan ko din siya.

"Maghihintay parin ako." Napangisi ako at nag-cross arm sa harap niya. Tama na siguro yung isang buwan na pananahimik ko. This time kailangan ko nang magsalita.

"Tanga ka nga talaga. Bakit ba hindi mo nalang tigilan si Korrine? Wala ka namang mapapala sa kanya eh. Hindi magtatagal at magsasawa din siya sayo. Isa pa, hindi ka nakakabuti sa kanya." Harsh? Yes. Pero kung kailangan ko siyang sabihan ng masasakit na salita para lang layuan na si Korrine gagawin ko.

"Ano bang alam mo samin Darlene? Ano bang alam mo sakin? Wala diba?" Tinaas ko ang kilay ko at ngumiti ng nakakaloko sa kanya. I'm sorry Brake pero sa ating dalawa ako ang mas madaming alam.

"Madami akong alam, Brake. Wag mo kong hamunin dahil baka masaktan ka lang." Pagbabanta ko sa kanya. Ngumisi siya at umiling. "Kaya pwede ba tigilan mo na si Korrine."

Hindi siya sumagot. Ilang minuto siyang nanatiling tahimik at tila nag-iisip. Oo naaawa ako kay Brake, dahil dalawa silang nasasaktan sa sitwasyon. Pero mas naaawa ako kay Korrine. Madami na siyang pinagdaanan, ilang beses na siyang paulit-ulit na nasaktan. Hindi niya deserve lahat ng to.

"Yan ba talaga ang gusto mo? Ang layuan ko si Korrine?"

"Oo Brake. Yan lang."

"One week. After that fucking week, i will leave."

Parang kinurot yung dibdib ko ng makita ang sakit sa mga mata ni Brake. Alam kong wala akong alam sa kung ano mang pinagdadaanan niya, pero pakiramdam ko sobrang bigat ng dala dala niya. On the other hand, hindi ko din naman maiwasang matuwa, lalo na't napasuko ko na siya.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon