Korrine's POV
"Korina, gising na. Malalate na tayo sa flight naten. Wake up!"
Kahit kanina pa ko gising di ko parin dinidilat yung mata ko.
"KORINA I SAID WAKE UP!" Kinusot-kusot ko yung mata ko at inirapan siya.
"Can you please lower your voice mom? Di ka na nahiya. Nasa bahay ka nila lola, sana tanda mo." Then pumasok ako sa cr.
Naiinis ako sa kanya, feeling ko napakawalang kwenta nyang ina. She doesn't know how to respect. Maski sariling mama niya hindi niya nirerespeto. Ang taas ng tingin nya sa sarili niya at yun ang ayaw na ayaw ko.
Naghilamos ako at nagtoothbrush. Ang aga aga pa, tinatamad akong maligo. Don't worry wala akong body odor duh. Pagkalabas ko ng banyo nakita ko yung dalawa kong kapatid. They're crying at alam ko na ang dahilan.
"Shh, tahan na. Baby sheshe, diba sabi ko wag kang iiyak? Tahan na baby." Sabi ko sa bunso kong kapatid.
"A-ate, ayoko sumama kay mama. Ayoko iwan si lola." Iyak ni Yanie.
Si Yanie ang sumunod sakin.
"Ako din naman Yan, don't worry. Kakausapin ko si mama. Dito lang kayo ha?" Hinalikan ko sila sa noo bago lumabas ng kwarto. Ayokong nakikitang nagkakaganun yung mga kapatid ko. Masakit sa parte ko bilang Ate nila na makitang nahihirapan sila sa isang sitwasyon.
Ako si Korrine Grande. Panganay sa magkakapatid. Lumaki ako sa lola at lolo ko kasama ang mga kapatid ko. Yung mama ko? Bata palang nasa manila na siya. Bakit? yan ang hindi ko alam. Ang alam ko lang galit siya kay lola. Siya pa may ganang magalit pagkatapos ng lahat ng ginawa ni lola at lolo para lang mapalaki kami? Wala syang utang na loob. At isa pa mama niya parin yun! Ewan ko ba, parang hindi ko siya mama. Tapos ngayon ano? Babalik balik siya dito para kunin kami? Oo mama namin siya pero mali parin. Anong karapatan niya? Iniwan niya na kami kay lola diba? Bat niya pa kami kukunin?
Nasa tapat na pala ako ng room niya. Agad akong kumatok at nagpaalam na nasa labas ako. Kahit na galit na galit ako sa kanya, still nirerespeto ko parin siya. Yan ang turo samin ni lolo at lola. Ang gumalang sa mas nakatatanda. Tiningnan ko muna ang relo ko at nakita kong 4:51 palang nang umaga.
"Bakit? Nakapag ayos na ba kayo ng gamit nyo? 7 am ang flight natin kaya dalian niyo na." Sabi niya sakin habang nag aayos ng mga damit niya.
Nagbakasyon lang naman siya dito, at yun nga para kunin kami.
"Ayoko. Ayaw namin. Ayaw naming umalis dito. Kung gusto mo ikaw nalang mag-isa pumuntang manila." Sagot ko naman sa kanya. Napatigil siya sa ginagawa niya at tumingin sakin.
"Anong sabi mo Korina?" So uulitin ko pa?
Ang mga tao talaga kakaiba. Narining na nga gusto pang ipaulit. Yung totoo?
"I said, hindi kami sasama sayo." Sinarado niya ang maleta niya at nilapitan ako.
"Ano bang sinasabi mo? Korina kinukuha ko kayo kasi para sa inyo rin to! Matanda na yang mga lolo at lola niyo! Di na kayo maaalagaan niyan!"
Anong karapatan niyang sabihan ng ganun sila lolo at lola?! No, timpi lang Korina. Respeto, respeto. Mama mo yan e, Mama mo yan.
"Anjan naman sila Tita at Tito. Isa pa malaki na rin kami, kaya na namin sarili namin." Mahinahong sagot ko sa kanya.
"No. Sa manila na tayo mag-usap. Sasama kayo sakin kahit anong mangyari. Anak ko kayo, mas may karapatan ako sa inyo. Kaya makinig ka sakin Korina. Now, go. Mag ayos na kayo ng mga damit niyo." Tumalikod sya sakin at kinuha ang mga lotions at pabango nya.
"No ma. Alam mo nirerespeto kita e, kahit sa tingin ko hindi ka karesperespeto. Alam mo ma? Yung karapatan mo? Wala na ma. Wala na. Bakit? Ikaw ba nagpalaki samin? Ikaw ba? Asan ka nung nga panahong kailangan ka namin? Nung graduation namin? Nung unang naglakad si sheshe? Nung mga birthday namin? Ha? Asan ka? Diba nasa manila ka? Tapos ano, basta basta mo nalang kaming kukunin na parang gamit na iniwan mo lang?! The hell, im sorry ma ha? Pero di ko na kaya. Feeling ko sasabog na ko sa galit e. Umalis ka nalang ma. Walang sasama sayo, wala." At tumakbo na ko sa kwarto namin.
Nakita ko namang natutulog na si Sheshe habang si Yanie naman nakatulala. For sure ayaw niya rin umalis, mahal na mahal niya si lola eh.
"Ate, ano nang sabi ni mama? Aalis parin ba tayo?" Tanong ni Yanie sakin. Agad ko namang tinabihan si sheshe at yinakap.
"No Yan, hindi tayo sasama. Hindi natin sila iiwan okay?" Then i smiled at her. Yinakap niya naman ako at biglang umiyak.
"T-thank you *sobs* A-ate *sobs*" Masaya ako at naayos ko to.
Malaki ang pinaglalaban ko dito. Oo alam ko hindi ko alam ang totoo o ano mang rason ni mama kung bakit galit siya kay lola at kung bakit niya kami iniwan. Pero kahit na ganun, alam ko sa sarili kong tama ang ginawa ko. Kung magpapaliwanag siya? Makikinig ako. Handa ako. Pero ang umalis at iwan ang pamilya ko dito? No, yan ang hinding hindi mangyayari.
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig [Completed]
Novela JuvenilPaano kung nainlove ka sa kamag-anak mo? Ipaglalaban mo pa ba yung pagmamahal mo o hahanap ka nalang ng iba na pagbabalingan mo nito? Started: February 28, 2015 Ended: December 8, 2015 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.