Twenty-nine

392 40 6
                                    

Korrine's POV

7 pm. 

Nakabihis na ko lahat lahat wala parin si James. Niyaya niya kasi akong sumama sa court at manuod ng laro nila. Sinabi ko ngang ayoko kasi andun si Alvin pero ang loko, ginawa pang excuse yung panliligaw niya kay Darlene.

"Ate? Di ka pa nakakaalis?" Lumapit sakin si Yanie at ngumiti.

Nabalitaan kong hindi sila okay ni Brix. Ayoko namang manghimasok sa problema nilang dalawa pero hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Oo malaki na si Yanie, pero kung siya mismo ang pag-uusapan? Bata pa.

Nagegets niyo ba ko? I mean, yung malaki ka na nga pero yung sarili mo bata pa. Masyado ka pang mahina, lalo na yung emotions mo.

"Wala pa si James eh. Gabi na, san ka naman pupunta?" Hindi naman kasi to mahilig lumabas. Laging nakatutok sa social media yan.

"Magpapahangin lang sana Ate, then nakita kita." Gusto ko sana siyang tanungin kong okay lang ba siya, pero narealize ko na yan ang pinaka-nakakabobong tanong ngayon lalo na sa sitwasyon niya.

Gusto ko man siyang tanungin tungkol sa kanila ni Brix pero hindi ko magawa. Kailangan din niya ng privacy. Alam ko namang kapag hindi niya na kaya, mag-oopen up siya sakin. Wala akong ibang dapat gawin kundi ang maghintay kung kailan siya magkukwento.

"Ah." Katahimikan ang bumalot samin ng ilang minuto.

Kailangan niya nga siguro talaga ng hangin. Nararamdaman ko namang gusto niyang mapag-isa.

"Aalis na ko Yan. Basta pag may problema wag matakot na mag-open sakin ha? Andito lang ako palagi." I patted her head and leave her alone.

Napagpasyahan kong mauna na sa court. Kahit kailan talaga tong si James. Hindi marunong sumunod sa usapan. Tss.

Napadaan ako sa plaza at nakita si Treschia, tama ba? Ayon yung pagkakaalala ko. Siya yung kaibigan nung Ceslie, yung laging nag-tatag kay Ceslie sa facebook. Namumukhaan ko kasi siya eh. Pero anong ginagawa niya dito kung coma yung 'bestfriend' niya diba? Dapat nasa hospital siya? Tss, bakit ko nga ba sila pinapakialamanan? Buhay naman nila yan, bahala sila.

Nakarating ako sa court ng matiwasay. Woah, puno ang court! Grabe naman to. Akala mo may concert, psh.

"Korrine! Korrine dito!" Mula sa kinatatayuan ko, natanaw ko si Darlene sa may unahan na nakatayo at may hawak hawak na banner. Psh, seriously?

Napa-irap ako habang naglalakad ng makita ko si James na naka-ayos na. Kumaway pa talaga siya sakin. Tss, kung di ka lang manliligaw ni Darlene nako James sinasabi ko sayo, pinaglalamayan kana ngayon! Kasabay mo sana si Brake!

Naalala ko na naman yung kagaguhan nun! Ugh, nakakainis! Akala mo kung sinong gwapo at ang lakas mantrip! Leche!

"Kanina pa kita hinahanap! Welcome home!" Sabay yakap sakin ni Darlene.

Tinabig ko yung kamay niya at umupo. Welcome home?! Eh ayoko pa ngang umuwi kung di lang dahil sa pesteng Brake na yun!

"Ang sungit mo!" Sigaw niya sakin. Tiningnan ko lang siya ng masama at nag-peace sign naman agad.

Tinawag na sila James ng coach nilang mukhang beast


mode.

Pumunta sila sa may gilid at nag-usap.

"1,"

"Coach."

"Oh dito ka sa .." Blahblahblah. Matagal pa ba to? Gusto ko nang matulog no! Wala naman talaga kong balak manuod ng laro nila. Ni hindi ko nga tinitingnan mga kasama ni James eh. Mamaya anjan na pala si Alvin. Duh, kagrupo niya kaya yon.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon