Epilogue

887 46 32
                                    

Korrine's POV

"Goodmorning my queen! Breakfast is ready." Hinagkan niya ako sa noo pababa sa ilong ko hanggang sa labi ko. "I love you."

Hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko. Ang sarap pala gumising sa umaga na mukha ng mahal mo ang bubungad sayo. Hahalikan ka kahit na kakagising mo palang at amoy panis pa ang laway mo.

Hindi ko na naiwasang titigan siya. Kahit pa ata magdamag kaming magtitigan ni Brake, hinding hindi ako magsasawa.

"I love you so much, brakey boy."

"I love you forever my queen. Bumangon ka na, kakain na tayo." Nag-pout ako habang iniaabot sa kanya ang mga kamay ko.

Masyado na nga siguro akong dependent kay Brake. Pati pagtayo ko gusto ko siya pa ang gumagawa. Hindi ko na talaga maimagine ang magiging buhay ko kung walang Brake Candino sa tabi ko.

"Buhatin mo ko please?" He grinned. Bigla akong kinutuban sa ngiti boyfriend ko. Alam na alam ko na talaga kung anong tumatakbo sa isip niya. Konting kilos niya lang alam na alam ko na agad kung anong balak niya.

Gumapang siya papalapit sakin habang nakangiting nakakaloko.

"Not now, Brake! Meron ako!" I hissed. Pero hindi parin siya tumitigil sa ginagawa niya. Pumaibabaw siya sakin habang kagat kagat ang labi. Oh tukso! Layuan mo ako!

"You asked for this." Bulong niya sakin na nagpakuryente sa buong katawan ko. Napapikit ako ng bahagya ng bumaba ang ulo niya sa leeg ko.

Ilang minuto din akong nakapikit ng marinig ko ang hagikhik ng loko loko kong boyfriend. Tawa siya ng tawa nung idilat ko ang mga mata ko. Oh gosh Korrine! Nagpatukso ka na naman sa boyfriend mo! Bakit ba ang lambot lambot mo?!

"Sige tumawa ka pa!"

"Pft.. i'm s-sorry hahaha! Sabi na nga ba eh, gusto mo rin." Dagdag asar niya pa. "Joke lang my queen. Halika na, bubuhatin na kita."

"Hindi na! Kaya ko namang tumayo." Sabay irap ko sa kanya.

Padabog akong tumayo sa kama at pumasok sa banyo. Naghilamos at pagkatapos ay nag-toothbrush.

"Sorry na my queen. Hindi ko na uulitin." Niyakap niya ako habang nag-pupunas ako ng mukha. Hindi ako nagsalita.

"I love you." Sinubukan kong maglakad pero masyadong mahigpit ang yakap niya sa akin. "I'm sorry okay? Don't worry, last na to. Hinding hinding hindi na kita lolokohin. Ayokong ganyan ka. Smile na, my queen."





******************


"Korrine!"

Tumama sa mga mukha ko ang sinag ng araw, kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko. Panaginip. Panaginip na naman pala. Nakalimutan kong nasa realidad nga pala ako, na iniwan niya ako.

"Kor.... rine? Why are you crying?"

Napayakap nalang ako kay Ceslie ng bigla ko siyang makita. I missed her so much, but i missed him more than so much.

"Napanaginipan ko na naman siya," Masakit parin pala. Hindi ko parin pala talaga matanggap. Hindi ko parin kayang initindihin lahat lahat.

Isang buwan. Isang buwan na sana kami ngayon kung hindi niya ako iniwan. Ilang linggo na ang lumipas pero heto parin ako, nangangapa sa dilim. Umaasang makita't mahawakan ko ulit siya.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon