Sixteen

445 38 6
                                    

Korrine's POV

Pangalawang araw ko na ngayon na di pumapasok. Ayoko pang makita si Alvin. Tingin ko hindi ko pa kaya. Masyado pang fresh yung mga pangyayari eh. Masyadong pang masakit.

Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. Kinuha ko yun at tiningnan kong sino ang nag-text.

MONSTER!!!!!!!

Can we talk?

Si Alvin ang nagtext. Ang bitter ko ba? Hahaha, hindi naman. Hindi halata. Hindi ko pinansin yung text niya. Wala akong panahon para sa kanya, ganun din naman siya diba?

"Ate, pupunta nga pala sila Brix dito mamaya. Kasama si Erica." So nagparamdam na ulit si Brix?

"Okay na kayo?" Tumango lang siya at ngumiti. Mabuti naman kung ganun. Masyado na siyang apektado sa di pagpaparamdam ni Brix eh. Sabagay, di ko naman siya masisisi. Boyfriend niya eh.

"You okay ate?"

"Yes Yan, asan si Sheshe?" Hindi ko namang kailangan idamay pa sila dahil lang broken ako. Maliit na bagay, hindi naman nakamamatay.

"Nasa room po ata Ate."

"Kumain ka na ba? Gustong mong sumabay sakin?" Nag-nod naman siya at sumunod sakin.

"Hindi ka ulit papasok ate?"

"Bukas nalang. Tinatamad pa ako." At ayoko pang makita si Alvin.

"Baka maapektuhan yung grades mo ate. Magagalit si mama pag nalaman niya to."

"Hayaan mo siya. Di ko kailangan ng opinyon niya." Kahit naman magsibabaan grades ko wala siyang pake. Pero syempre hindi ko hahayaang magsibabaan yung grades ko.

Hinanda ko yung nilutong adobo ni lolo. Yes, si lolo ang nagluluto ng pagkain namin. Nagluluto din naman si lola pero madalas si lolo talaga. Mas masarap daw kasi luto ni lolo :')

"Here, walang kupas talaga yung adobo ni lolo."

"Kaya nga inlove na inlove si lola eh. Hahaha." Kwento kasi samin ni lolo na sa pagluluto niya daw nakuha si lola. Bata palang sila di na sila nagkakasundo kasi yung ayaw ni lolo gusto ni lola. Tapos di nila namamalayang habang tumatagal nahuhulog na pala sila sa isa't isa.

"Korrine iha, hindi ka na naman ba papasok?" Umupo siya sa may tapat ko. Kahit matanda na si lola still ang ganda ganda niya parin.

"Di po muna la. Wala din namang ginagawa." Ina-update naman ako ni Drlene at James sa mga nangyayari sa room eh. Buti pa sila naiintindihan ako.

"Dahil parin ba to kay Alvin apo?" Nginitian ko lang si lola. Kilalang kilala narin naman ako ni lola kaya alam kong magegets niya agad ako.

"I see. Hindi ba pwedeng i-open sakin yan apo?" Sabay taas ni lola sa kilay niya. Nakalimutan kong ayaw nga pala ni lola ng mga naglilihim.

"Ahm, la, ate? Una na po ako. Malalate na din po ako eh." Nagmano siya kay lola bago umalis at humalik sa cheeks ko.

"Hindi mo man lang ba to kakainin?" Umiling siya at pinakita sakin ang baunan niya.

"Okay sige, ingat Yan." Nag wave lang siya bago lumabas ng kusina.

"So apo? I-kwento mo na sakin yung mga nangyari dali." May pagka chismosa din tong si lola eh. Hahaha. :)

"Si lola naman eh."

"Dali na apo, please?" Sabay puppy eyes ni lola. Di ko mapigilang hindi mapangiti sa inaasta ni lola. Hahaha! Cool

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon