Fifty-two

326 33 11
                                    

Korrine's POV

Naiwan ako sa klase dahil sa lintik na president namin. Babalian ko talaga siya ng buto kapag ako ng napili na magiging tutor ni Earl! Damn, please no! Ayokong makasama siya ulit. Sawang sawa na ko sa mukha niya!

"There she is sir." Tumayo ako at nag-bow sa may-ari ng school. Wow, ang gwapo niya parin pala. Bat hindi man lang nagmana sa kanya si Earl? Psh.

"Nice seeing you again, Korrine."

"I'm glad to see you too again Sir. Mike." Napatawa siya sa sagot ko. Alam ko naman na ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang Sir. Mike, pero kasi sobrang nakakahiya.

"Hindi ka parin nagbabago. Tito nalang Korrine. Hindi ka na iba sakin." Nag-smile lang ako at umupo sa harap niya. Lord please, ayoko na pong maging tutor ulit ni Earl. Parang-awa niyo na po, dinggin niyo po tong dasal ko. "Are you okay?"

"O-oo naman po."

"So, alam mo naman siguro kung bakit ka ngayon nandito?" Alam na alam po pero ayaw ma-process sa utak ko. Please maghanap nalang kayo ng iba. Bye.

Hays, kung ganyan lang sana kadaling kausapin si Tito Mike aba edi sana nakaalis na ko! Pero sobrang bait na tao ni Tito Mike kaya hindi ko magagawa sa kanya yon.

"Opo. Pero kasi tito, busy po akong tao."

"Alam kong hindi ka busy. Ni hindi ka nga sumasali sa mga clubs. But Korrine, malapit narin ang sembreak niyo kaya sana sa loob ng dalawang buwan na yun, maturuan mo si Earl ng maayos. Alam kong sobrang tigas ng ulo niya, pero alam ko din na makakayanan mo yun. Diba?"

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Tito Mike. Makakayanan ko ba ulit na makasama si Earl sa iisang bahay? Makakayanan ko kaya ulit ang katigasan ng ulo niya? Kaya ko pa bang magtimpi sa tuwing aasarin niya ko ng aasarin? Kaya ko pa nga bang tiisin lahat ng trip niya sa buhay? Oh gosh! Of course hindi! Pero hindi ko rin kayang tanggihan si Tito Mike. Tinuring ko na siyang daddy kaya ang hirap tumanggi.

"This will be the last time na hihingi ako sayo ng pabor Korrine. Just please, tulungan mo ko." Napayuko ako sandali at bumuntong hininga. Dalawang buwan lang naman pala Korrine eh, kaya mo yan.

"Sige po Tito." Ngumiti siya kaagad at yinakap ako.

"Salamat ng madami Korrine."

Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas ng office. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napaupo sa sahig. Curse you Earl! For sure magpaparty ka na naman at may mapagtitripan ka na naman. Well, hindi na ako gaya ng dati na nagtitimpi pa para sayo. Duh, alam ko na ngayon na mas malakas ako kay Tito Mike kaya humanda ka.

"Babe!" Nakita ko sa di kalayuan si James.

Bakit andito pa siya? Akala ko ba naka-uwi na tong baklang to?

"Nakalimutan mo na ba? May date ka pa!"

Bigla akong napatayo ng marinig ko yung sinabi niya. Oo nga pala! Shocking! Muntik ko ng makalimutan! Kung hindi ba naman kasi bwiset tong si Earl edi sana kanina pa ko nakapag-prepare!

"Oo nga pala. Send mo sakin yung exact place ha? Make sure na gwapo yan." Tumakbo agad ako papunta sa sasakyan ko. Ewan ko ba kung bakit ako excited. Eh hindi naman si Brake yun. Well, atleast magseselos siya! Magpapapicture ako sa makaka-date ko tapos ipopost ko sa fb sa twitter sa instagram at ipapa-tarpaulin ko para damang dama niya!

Nagbihis agad ako ng dress at kinulot yung baba ng buhok ko. Naglagay din ako ng light na make-up.

"Gorgeous as always." Kinuha ko na yung key ng susi ko at nagmadaling umalis. Nakalimutan ko pang magpaalam kina Lolo at Lola. Well, itetext ko nalang sila para hindi sila gaanong mag-alala.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon