Forty-four

338 33 5
                                    

Treschia's POV

Nagising kami ni George ng makarinig kami ng nagbagsakang mga gamit.

"K-korrine?!" 

Naka-upo siya habang pilit na inaabot ang tubig sa mesa. Tumayo naman agad si George at binigay kay Korrine ang tubig. Tumayo narin ako para alalayan siya sa pag-inom.

"Dahan dahan lang." Halatang hinang-hina siya.

Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng awa. Kailangan talaga na dahan dahan ka sa pagalalay sa kanya para hindi siya masaktan. Parang konting galaw mo lang sa kanya malalamog na siya. Kidding.

"S-salamat." Ngumiti lang ako at inilapag ang tubig sa mesa.

Kinuha ko yung phone sa bulsa ko para balitaan sila Ceslie at Brake tungkol kay Korrine. Una kong tinawagan si Ceslie.

"T-tres?"

"Gising na si Korrine bff."

"T-talaga?! Salamat naman. A-ano sige, pupunta na kami jan. Tawagin mo narin yung doctor para ipa-check siya kung okay lang ba siya."

"Sige bff. Kami na ang bahala."

Lumabas ako ng kwarto at tumawag ng doctor. Tatawagan ko na sana si Brake ng bigla ko siyang nakita sa di kalayuan.

"Brake!"

Lumingon siya sa direksyon ko at tumigil sa paglalakad. Ako lang ba talaga to o sadyang mukha talaga siyang namatayan?

"Bakit?" Kunot-noong tanong niya. Tss, sungit.

"Gising na siya." 

Biglang nanlaki ang mata niya at agad na tumakbo papasok sa loob ng kwarto ni Korrine. Okay, hindi siya excited.

Papasok narin sana ako sa loob ng may biglang kumalabit sakin.

"Yes?" 

"Ah, kaibigan ka po ni Ate Ceslie diba? Alam niyo po ba kung nasaan ang Ate ko?"

Mukha ba kong hanapan ng mga nawawalang kapatid nila? Gosh! Ka-stress ha!

"Excuse me? Bakit hindi mo itanong sa baba? Hindi naman ako staff dito. Malay ko ba kung sinong kapatid mo na kakilala din ni Ces." 

Mukhang hindi naman nagkakalayo ang edad namin kaya hindi ko maiwasang hindi magsungit. Stupid. Nakakainis lang.

"S-sorry. Sorry po." 

Inirapan ko lang siya at tuluyang tumalikod na. Bigla namang lumabas si Brake.

"Yanie!" Sigaw niya.

Nilingon ko kung sino yung tinatawag niya at laking gulat ko nalang na yun pala yung babaeng tinatarayan ko kanina pa. Wait, hindi niya naman siguro kapatid si Korrine diba? Diba?

"Kuya Brake!" Patakbo siyang lumapit kay Brake. "Si Ate Korrine?" 

Bigla akong tumalikod at naglakad palayo. Damn! Nakakahiya! Wala akong mukhang maiihaharap sa kapatid ni Korrine. Gosh! Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa at tumakbo na ng mabilis. Itetext ko nalang si George mamaya.


Ceslie's POV

Hindi ko parin maalis sa isipan ko yung nakita ko kanina. Anong ginagawa niya dun? Bakit siya nagtatago?

"Wifey, let's go?" Kinuha ko yung phone ko at sumunod kay Alvin.

Sana naman wala siyang kinalaman sa mga nangyayari kay Korrine. Laking pasalamat ko at nagising na din siya.

"Are you okay? Baka gusto mong magpahinga nalang muna?" 

"No. Sasama ako hubby. I want to see her." Nag-nod lang siya at nagsimula nang magmaneho.

Hindi ko talaga maiwasang magduda. Pero hindi ko siya pwedeng husgahan dahil sa nakita ko. Hindi naman sigurong malabo na nagkataon lang diba?

"Kanina pa malalim ang iniisip mo. Gusto mo bang pag-usapan natin?" Ngumiti lang ako kay Alvin.

Alam ko namang kanina pa siya nag-aalala pero may mga bagay talaga na hindi mo pwedeng sabihin sa iba. Kahit pa sa taong mahal mo ng sobra.

"Okay lang ako hubby. Natutuwa lang ako at gising na si Korrine." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.

"Ayoko na ulit na ma-stress ka naiintindihan mo? Baka magkasakit ka pa." Ang swerte ko naman talaga sa asawa ko.

Wala akong dapat pagsisihan sa lahat ng mga nangyari. Dahil kung hindi dahil dun, hindi kami hahantong sa ganito.

"I will hubby." 

Naabutan namin si Treschia sa labas ng hospital na naka-upo. Anong ginagawa niya dito? Sinong nagbabantay kay Korrine?

"Tres!" Bumaba agad ako ng sasakyan at nilapitan si Treschia.

Tumayo naman siya at sinalubong ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ah. Nagpapahangin lang. Pauwi narin kasi kami ni George." 

"Sinong magbabantay kay Korrine?" Nag-aalalang tanong ko.

Gustuhin ko mang bantayan si Korrine pero hindi papayag si Alvin. Isa pa, may pasok narin kami bukas.

"Si Brake. Siya na daw bahala kay Korrine." Napangiti naman ako ng malaman kong si Brake ang magbabantay. 

Pakiramdam ko nagkakagusto na si Brake kay Korrine. Well, approve naman sakin yon. As long as hindi niya lolokohin si Korrine.

"Sige. Mag-iingat kayo sa pag-uwi Tres. Diretso sa bahay ha?" Pagbibiro ko sa kanya.

Tumawa lang siya ng mahina at bumeso ulit sakin.

"Hubby." 

"Hmm?" Ngumiti ako sa kanya.

"Tingin mo may gusto na si Brake kay Korrine?"

Hindi naman kasi ganyan ka-caring si Brake eh. In fact, sa tuwing ako yung nahohospital hinding hindi papayag yan na siya ang magbantay sakin. Hindi daw kasi komportableng matulog sa hospital. Tss, pero kay Korrine kaya niyang gawin? Hahaha.

"Siguro. Hindi naman mahirap mahalin si Korrine."

"Sabagay." 

Pero kung sakaling maging sila man, hindi parin sila sasaya. Alam ko at alam ni Brake yon. Pero wala akong karapatan para pakialaman sila. Alam ni Brake ang ginagawa niya at sususportahan ko siya.


AN:

Short update. Mianhae :)


Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon