Twenty-one

431 36 2
                                    

Darlene's POV

Kanina ko pa tinatadtad ng text si Korrine pero hindi siya nagrereply. Sinubukan narin siyang tawagan ni James pero hindi niya rin sinasagot. Ano bang nangyayari sa babaeng yun?

"Late na tayo dardar, sure ka bang aantayin pa natin si Korrine?" Dalawang araw na nga lang pasok namin tapos tinamad pa ang gaga. Psh

"Hindi na. Tara na nga." Nauna na kong naglakad kay James. Akala niya ba nakalimutan ko yung nakita ko kanina? Psh

Kung hindi ko lang siya mahal sinapak ko na siya. Sabagay, wala din naman akong karapatang gawin yun. Pero kahit na! Ang sakit lang makitang tumatawa siya kasama ibang babae.

"Dardar! Galit ka pa ba?" Hindi ako nagsalita at dire-diretso lang ang lakad.

Akala ko pa man din may gusto na sakin tong lalaking to! Paasa lang pala. psh. Naalala ko na naman yung sa 7/11, kainis.

"Dardar kausapin mo naman ako. Sorry na, gwapo lang." Blahblah. Bahala ka jan.

Tinext ko ulit si Korrine, umaasang magrereply na siya. Ano ba kasing problema nun? Bat hindi man lang nag-oopen sakin.

"Okay fine, ililibre kita ng lunch mamaya, just talk to me." Napa-face palm naman ako sa sinabi niya.

Hello?! Kaya kong bumili ng lunch ko no. Psh

"Libre kita sa sine?" Hindi parin ako nagsalita. "Tatalon ako simula third floor hanggang dito." Sabay turo niya sa baba.

"Seriously?! Mabubuhay ka pa nun. Pwedeng sa rooftop nalang?" Sarkastiko kong sagot sa kanya.

"Madaming iiyak pag nawala ako dardar. Sorry na nga." James, please. Konting pilit pa. Psh

Landi mo.

Manahimik ka jan! Hindi kita kinakausap.

"Okay. Kung ayaw mo talaga ako kausapin, okay lang." Tinitigan ko siya at tinaasan ng kilay.

Wala pa nga sa isang oras niya kong sinusuyo, suko na agad? Psh. Sa sobrang inis ko sa kanya, iniwan ko siya dun. Bahala ka na nga. Titiisin muna kita, mga 1 hour.

Nakasalubong ko si Yanie sa daan. Bakit mag-isa siya? Where is Brix?

"Yan!" Mukhang hindi niya ko narinig kaya nilakasan ko pa yung sigaw ko.

"YAN!" Napalingon naman sakin yung mga studyante. "What?! Kayo si Yan?" Sabay flip hair ko sa kanila.

"Tita. Bakit po?" Napansin kong malungkot siya. Uso ba talaga mga problemadong tao ngayon?

"Where is your Ate Korrine?"

"Nasa manila po, tita." 

What?! Tama ba yung narinig ko?

"M-manila?" Tumango lang siya at ngumiti.

Anong ginagawa ni Korina dun? Ang aga niya namang magbakasyon, pero bakit sa manila pa?

"Agang bakasyon ha. Kailan uwi niya?" Umiling-iling si Yanie at nagkibit-balikat.

So hindi niya pa sinabi kung kailan siya uuwi? Bruhang yon!

"Ano ba naman yan Korrine! Bat doon niya pa napili?"

"Actually tita, gusto niya lang lumayo. Kagabi kasi pumunta si kuya Alvin sa bahay. Hindi ko po alam ang nangyari pero naabutan ko si Ateng umiiyak." What the hell? Umiyak na naman siya?

Pero akala ko ba okay na siya? Ugh! Stupid Darlene! Paanong hindi mo napansing hindi siya okay ha? Sige, unahin mo pa yang kalandian mo!

"Ah tita? Una na po ako. See you around tita." At tuluyan nang umalis si Yanie.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon