Thirteen

612 40 5
                                    

Brake's POV

You're the light, You're the night

You're the color of my blood

You're the cure, You're the pain

You're the only thing i wanna touch

Never knew that it could mean so much, so much

"Brake kanina pa kita tinatawag!" Di ko parin siya pinapansin. 

Paano ba ko nakatagal sa babaeng to? Wala na siyang ibang ginawa kundi guluhin buhay ko. Sumakay siya sa kotse ko at padabog na binagsak yung pinto.

"What the fck Ces!" Lumabas agad ako at tiningnan kung may gasgas ba o ano. Galawin mo na lahat wag lang ang mga kotse ko.

"Ang arte. Kanina pa kita tinatawag di mo ko pinapansin. Gwapo mo ah." 

Pumasok ako sa kotse ko at pinaandar ng mabilis.

"Omg! Brake! Stop! Wala pa kong seatbelt pag tayo namatay, omg omg!" Ang lakas ng loob magtaray takot naman pala mamatay. Tss

Pinasok ko ulit sa tenga ko yung earphone. Ang ganda ng pinapakinggan ko tapos iistorbohin ako.

"Calm down Brake isa!" Kasalanan niya yan. 

Bat kasi lumipat lipat pa sila ng school ni Shayne. Ang tahimik na nga ng mundo ko dun tas susunod pa sila? Tss

"Fine. Itabi mo muna swear ikukwento ko na sayo! Omg!" Akala mo naman talaga mababangga kami. Anong tingin niya sakin?

Pagtabi ko sa kotse ko agad niya kong pinaghahahampas ng bag niya.

"Bwiset ka talaga! Papatayin mo ba talaga ako? Kainis ka! Omg, pinsan ba talaga kita?" Ang dami talagang satsat ng mga babae.

"Magkukwento ka o iaandar ko na to?" Sinimangutan niya lang ako at tsaka nagseatbelt.

"Ako nga lang kasi lilipat! Kaso ang madaldal na si Treschia kwinento kay Kirstin kaya ayon nalaman niya. Eh patay na patay sayo yun e! Bwiset ka." Kasalanan na bang maging gwapo?

Pinaharurot ko ulit yung kotse. May klase pa ko at ang malas kasi kaklase ko pa sila.

Wala ng umimik samin habang nasa byahe kami. Malamang kinakabahan na yang si Ceslie. Takot talaga yan pag sobrang bilis mo magmaneho. Di ko naman kasalanan, may kotse naman siya pero mas pinili niya pang sumabay sakin.

Pagdating ko sa school bumaba agad ako at iniwan si Ceslie sa kotse. Malaki na siya, kaya niya na yun.

"Mamaya ka talaga sakin Brake!" 7:12 na pala. Late na naman ako at paniguradong bubungangaan naman ako ng teacher namin.

Dire-diretso lang akong pumasok sa loob ng room.

"Mr. Candino? Wala ka man lang bang sasabihin?" Hindi ko nalang siya pinansin. Sayang lang laway ko sa kanila.

"Bastos." Bulong ni Korrine.

"Brake! Bakit late ka? Si Ces asan?" Napakaingay talaga ng mga babae. Di ba pwedeng manahimik sila? Ang dami pang tanong.

"Oh Ms. Candino? Late ka rin?" 

Napansin ko namang nagulat si Korrine ng makita si Ceslie. Di niya pa ba alam? Tss

"Obvious ba maam?" Ano pa nga bang aasahan mo jan diba.

"Mana mana talaga tss." 

"Baliw." Bulong ko sa kanya.

"Kinakausap ko yung upuan. Don't tell me upuan ka?" Tatawa na ba ko sa mga jokes niya?

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon