Forty-seven

359 33 8
                                    

Korrine's POV

Inaayos na ni Yanie ang mga gamit ko dito sa hospital. Finally, makakalabas narin ako. Well, i am not totally okay but kaya naman. I can handle the pain. Pero yung sakit sa puso hindi ko na talaga kaya. For heavens sake! Apat na araw lang naman siyang hindi nagpakita sakin! After nung nagpabili ako ng papaya hindi na ulit siya bumalik. Sobrang bigat sa pakiramdam kasi miss na miss ko na siya.

"Ate? Are you okay?" Nginitian ko lang si Yanie. Halata naman sa kanya na namimiss niya na si Erica. I heard, umalis kasi siya papuntang ibang bansa. And base sa text niya, doon na muna siya mag-aaral. Of course mahirap para kay Yanie yun dahil bestfriend niya si Erica, pero wala kaming magagawa dahil nagdesisyon na siya.

Inalalayan ako ni Yanie palabas ng hospital. Nakita ko namang nakasandal si Brix sa sasakyan habang hinihintay kami. Woah, lalo ata siyang gumwapo?

"1 month na kayo ni Brix bukas diba?" Tanong ko kay Yanie.

Napahinto naman siya sa paglalakad at tinitigan ako. Woah, i guess hindi niya alam na monthsary nila bukas? Wow.

"Obviously hindi mo alam." Nag-pout siya sa harapan ko kaya pinitik ko kaagad yung labi niya. "Stop doing that! Mukha kang pato!"

Tumawa lang siya ng mahina at umiling. For the first time, tumawa din ang kapatid ko. Damn, ayoko naman na araw-araw siyang malungkot dahil wala na si Erica. Oo, masakit ang maiwan. Pero dapat din nating tanggapin yung desisyon ni Erica.

"How are you Ate?" Awkward na tanong ni Brix. Well, awkward nga. Hindi niya na kasi dapat na tinatawag pa akong Ate. Para namang sobrang tanda ko na nun.

"Stop calling me Ate. Yanie will understand naman eh. Diba?" Tumango agad si Yanie at ngumiti kay Brix. How i wish na sana may Brix din sa buhay ko.

Kanina ko pa chinecheck yung phone ko at umaasang magtetext siya. Pero unfortunately, umasa lang ako. What the hell is wrong with that guy?! Basta basta nalang siyang hindi magpaparamdam ng apat na araw ng walang dahilan? Wala naman akong maaalang may ginawa akong masama sa kanya ah! Aish! Nakakainis na talaga siya ha!

"Yah! Ate!" I glance at Yanie. "What?" I asked. "I saw Kuya Brake last night with a girl. I don't know who is she but she is gorgeous! I think they're dating."

Tinitigan ko ng masama si Yanie. Nananadya ba talaga siya?! And who's that girl? Akala ko ba ayaw niya sa mga babae? Tapos malalaman ko ganito? So kaya hindi niya na ko binibisita kasi may dine-date na siyang ibang babae? Wow ha!

"Are you okay ate?"

"Oo okay ako! Sa sobrang okay ko, gusto ko ng iuntog yang ulo mo sa bintana para naman gumana yang utak mo!" Inis na sagot ko sa kanya at nag-earphone.

Nakita ko pang tumatawa si Brix habang nakasinguso na naman si Yanie. Psh.

Yan pala ang gusto mo ha? Edi sige! Akala mo ba ikaw lang ang may kayang makipag-date sa iba? Tsk! Halos mabaliw ako kakaisip sayo tapos ikaw nagpapakasaya sa babaeng yun?! Ugh kainis!

Tinawagan ko kaagad si James. I need him.

"Yo babe."

"Set me on a date."

"Pardon?"

"Pwede ba? Hanapan mo nalang ako ng pwede kong i-date!"

"Woah, chill babe! Okay okay. I'll send to you the location."

Pinatay ko kaagad ang phone ko at tinext si Darlene. Damn, kasalanan ko ba kung gusto ko talagang gumanti kay Brake?! Tsk. Nakakainis siya. Balak ko pa man din sanang sabihin sa kanya tong nararamdaman ko tapos mababalitaan ko na nakikipag-date pala siya sa iba? I know hindi kami pero kasi mahal ko na siya! Hindi ko kayang makitang tumatawa at ngumingiti siya sa iba! Umaasa akong magugustuhan niya rin ako balang araw. At sisiguraduhin ko na yang balang araw na yan, mangyayari.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon