Thirty-four

365 40 6
                                    

Erica's POV

Nagpaalam na ako kay Yanie at nauna nang umuwi. Sobrang napagod ako sa pagkukwentuhan namin. Simula ng naging sila ni Brix hindi na siya nauubusan ng kwento. To be honest, gumanda pa siya lalo.

"Eka." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses niya.

Gosh! Naluluha na naman ako! Ang tagal ko na tong hinintay, itong pagkakataon na to. Ilang gabi kong ipinagdasal na sana makausap ko na ulit siya.

"B-brix.." Niyakap ko kaagad siya. I missed him so much!

Hindi ko mapigilan yung sarili ko kahit pa alam kong boyfriend siya ng bestfriend ko. Mahal ko siya eh, isa pa nauna ako.

"Eka, let's talk." Tinanggal niya ang kamay ko at nauna nang maglakad.

Talk about what? 

Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan kami unang nagkakilala. Anong ginagawa namin dito?

"Brix?" Tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot at tuloy parin ang lakad.

Ugh ano ba! Eto nga yung kinatatakutan kong lugar eh tapos dinala niya pa ako dito. Aish!

"Naalala mo pa ba to?" Nagulat ako ng bigla siyang humarap sakin habang suot yung custume niya sa mukha.

Ganitong ganito yung una naming pagkikita. Halloween nun, tapos pumunta ako dito para magtago sa mga tao. Sobrang nakakatakot kasi, then nakita ko siyang nakatalikod. Halos maiyak ako nung makita ko yung mukha niya.

"P-para san to Brix?" I ask out of curiosity.

"I want you to forget all of those shits. Kalimutan mo na ako pati yang nararamdaman mo."

Napaluhod ako ng marinig ko lahat ng yun. Anong ibig niyang sabihin?! Anong kalimutan? Anong shits? Damn!

"You're kidding me right? Tell me Brix, joke lang to diba? Hahahaha! Okay na?" No! Hindi ko kaya! Kung para sa kanya shit lang lahat ng yun para sakin hindi!

"Stop Eka. Tumayo ka jan. Alam mong gusto kita noon pero binalewala mo yun. Ngayon na masaya na ako kay Yanie guguluhin mo pa ako?" Napanganga ako sa sinabi niya.

M-mahal niya ako?! Bakit hindi ko alam?!

"Nanggugulo? Kailan pa Brix? Teka, ako? Minahal mo ko? H-hindi ko alam yun!"

Kahit kailan walang nakarating sakin na balitang mahal niya ako. Ilang beses kong hinintay marinig yun galing sa kanya.

"Don't fool me Eka. Stop that shit. Tapos na ko sayo. Tinatapos ko na lahat kaya itigil mo narin yang nararamdaman mo." Aalis na sana siya ng bigla ko yakapin ang paa niya.

I don't effin care kahit na magmukha pa akong tanga. Hindi ko kayang tuluyan niyang tapusin ang lahat ng ganun ganun lang. Nagpaubaya ako eh! Para sa kanila, eto na nga lang kinasisiyahan ko eh. Ang palihim na mahalin siya tapos tatapusin niya pa? For petes sake no!

"Eka please."

"No Brix! Ako ang nauna, akin ka Brix. Handa akong kalabanin si Yanie."

Napatigil siya sa paglakad ng marinig ang mga sinabi ko. 

Yes, seryoso ako.

"Are you insane Eka?! Hahaha, you know what? Kahit kalabanin mo pa si Yanie talo ka parin. Ako ang magdedesisyon at ang desisyon ko ay ang iwan ka. Hindi na magbabago yun." Napabitaw ako sa kanya.

Damn life! Bakit ako lagi ang talo?! Dapat pala umpisa palang hindi ko nalang sila pinakilala sa isa't isa. Ako na naman pala ang dehado. Lagi nalang ako. But no, ako si Erica Forbes at hindi uso sakin ang sumuko. Gagawin ko lahat mabawi lang ang sa akin.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon