Fifty-one

375 32 11
                                    

Yanie's POV

Dumaan muna ako sa supermarket para bumili ng pwedeng lutuin sa bahay nila Brix. Nalaman ko kasing may sakit siya kaya mas mabuti kung ako mismo ang magluluto para sa kanya. Sayang lang at wala si bff dito, wala akong kasama.

Natitig ako sa lalaking nasa harapan ko. Siya yung kuya ni bff! Akala ko talaga nagloloko lang siya, pero kagaya nga ng sabi ni bff, kuya niya pala talaga to. Kailangan ko na bang humingi ng sorry?

"Uh, excuse me?" Napalingon siya sakin at tinaasan ako ng kilay. "Hindi mo na ko naaalala?" Hindi siya sumagot kaya napasimangot ako. Suplado hmp.

Hinayaan ko nalang siya dun at nag-grocery mag-isa. Magsosorry na nga ko eh ayaw pa. Bahala siya. Kahit kuya siya ni bff bahala parin siya. Hmp.

"Okay na to."

Pumunta ako sa may cashier at pumila. Nagulat ako ng may bumangga sa cart ko.

"Ano b—" Nakita kong nasa likuran ko lang pala yung kuya ni bff. Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya naman napa-irap ako. Aish! Paano ko ba to nakayanang kausapin noon?

Nilagay ko lahat ng pinamili ko. Nang magbabayad na sana ako tsaka ko naalala na wala pala akong dalang pera. What the hell! Bakit ngayon pa kung kailan kailangan na kailangan ko?

"Matagal pa ba yan?" Tanong nung kuya ni bff. Inirapan ko lang siya at humarap sa cashier.

"Ah, pwede bang iwan ko muna yan dito tapos balikan ko nalang?"

"Ay hindi po pwede maam." Bumagsak ang balikat ko. Hindi ko naman pwedeng tawagan si Ate kasi for sure busy siya sa pagrereview. Pero paano ko to mababayaran?

Napalingon ako sa kapatid ni bff na ang lamig ng tingin sakin. Bakit ba sa tuwing kailangan ko ng tulong anjan siya lagi? Aish, kaso nairapan ko siya. Tulungan niya pa kaya ako?

"Uh, kuya ni bff? Hehe." Lalong tumaas yung kilay niya. "Uh, oppa!" Kumunot naman ang noo niya. Ano bang gusto niyang itawag ko sa kanya eh hindi ko naman siya kilala? Aish!

Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kanya.

"Pwede bang pautang ulit?" Hindi niya ko pinansin at pumunta sa ibang counter para magbayad. Walang modo! Aish!

Naluluha na ko dun at naghintay ng himala. Hindi ko pwedeng iwan yun dito, kailangan kong lutuan ng pagkain si Brix. Dumaan pa mismo sa harap ko yung kuya ni bff kaya umirap ulit ako. Hmp, hindi nga talaga siya mabait. Ano kayang pinakain niya kay bff at panay sabi ni bff na mabait siya? Aish!

Bumulong siya sa isa sa mga cashier at tumingin sakin sabay labas. Heh! Akala mo jan, pag natawagan ko lang talaga si Ate Xherie yari ka sakin! Akala mo hindi ako makakapagbayad? Lelang mo!

"Ah miss? Pwede mo ng kunin to." Nanlaki agad ang mata ko sa sinabi ng cashier. "Bayad na to."

Kaya ba siya bumulong bulong para dito?

"Binayaran niya?"

"Kahit hindi na po. Siya naman may-ari ng supermarket na to." Sabay ngiti niya sakin ng nakakaloko. Aba?! Anong nginingiti ngiti niya? Aish.

"Ah, okay." Dinampot ko agad yung mga napamili ko ay este niya ay este ko oo! Siya lang nagbayad pero ako ang bumili. Eh? Ang labo!

Pasakay na sana ako sa sasakyan ko ng makita ko siyang nagyoyosi sa may gilid. Woah, ang cool niya. Pero mas cool si Brix hehe. Pinasok ko sa loob yung mga napamili ko at lumapit sa kanya.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon