Thirty-one

434 41 2
                                    

Korrine's POV

Naupo ako sa gilid habang hingal na hingal sa pagtakbo. Kaumay namin kasi yung dalawa eh, ang haharot! Magbebreak din sila, pero joke lang. Wag nalang pala sila, kahit si Ceslie at Alvin nalang.

Biglang pumasok sa isip ko ang gwapong mukha ni Brake. What the hell?! Anong nangyayari sakin? Bakit ko siya naiisip aber? OH NO! Yung prize niya nga pala. Well, wala narin naman siya kaya okay lang. Asa naman siyang ikikiss ko talaga siya no. Aba ang swerte niya kung mangyayari yun! Pagkatapos niya kong pagtripan, hell way!

"Where's my prize?" Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko ang boses ni Brake. Akala ko ba umuwi na to?!

Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan.

"Kapal mo din no? Chineer na nga kita eh." Umupo siya sa tabi ko na siyang nagpabilis sa tibok ng puso ko. 

Bukas na bukas talaga magpapacheck-up na ko. Mamaya may sakit na pala ako.

"Hiningi ko ba sayo yun? Ikaw na mismo nagsabi." Nakaka-ewan talaga siya kausap. Hindi mo alam kung slow ba o sadyang nanadya siya.

"Shut up. Wala kang makukuhang prize sakin." 

"Then, samahan mo ko." Hindi na ko nakapagreklamo ng bigla niya kong hatakin at papasukin sa kotse niya.

Para akong nabato sa kinauupuan ko ng ayusin niya yung seatbelt ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko kaya napapikit ako. Ano bang nangyayar sakin?

"Nahihilo ka ba? Patayin ko nalang yung aircon so you can open the window." Umiling lang ako.

Sabi ko sa sarili ko nung andun ako sa manila, hinding hindi na ko mafafall. Unless kung siya na talaga. Pero paano ko nga bang malalaman kung siya na talaga kung hindi ko naman susubukan diba? Pero pagod na ko eh, pagod na kong masaktan. Sabi ko din sa sarili ko, hinding hindi ako maiinlove kay Brake. Pero ano tong nararamdaman kong ngayon?

"You sure?" I just nodded.

Dapat habang maaga pa, mapigilan ko na tong nararamdaman ko. I think it's not right to fall with him. Baka ma-friendzoned na naman ako. But what if, siya na nga? Tapos pinakawalan ko pa? Pero paano naman kung hindi siya? Ugh, this is so annoying! Why do i need to fall in love?

"I'm sorry about what happened last day. James talked to me at sinabi niyang kailangan mo nang umuwi." Napatingin ako sa kanya.

Si James? Talagang pina-uwi niya ko para lang tulungan siya dun o para inggitin ako? At talagang kay Brake pa siya nanghingi ng tulong? Wow boy, nakakainis ka!

"So hindi mo ko pinagtitripan?" I looked at him habang nakakunot ang noo.

"No, why would i?" Ngingiti na sana ako ng bigla siyang magsalita ulit. "Kawawa ka naman kung ganun." Sinuntok ko siya sa balikat.

Naka-focus parin siya sa pagmamaneho habang nakangiti. Wow, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito. Teka, babawiin ko na ba yung sinabi ko sa sarili ko? Feeling ko lalo akong nahuhulog eh. Pero may part talaga sakin na nagsasabing pigilan ko.

"Gaga. San ba tayo pupunta ha?" Nag-shrug lang siya kaya naman nanahimik nalang ako.

Tinext ko na din si Yanie na baka gabihin ako lalo sa pag-uwi. Thanks kay Brake na kung saan saan ako dinadala. Nakatingin lang ako sa bintana ng makaramdam ako ng bored.

"Magpatugtog ka." Nilingon ko siya at napansing naka-earphone ang loko. Aba naman talaga?!

Hinablot ko yung isa at dumikit sa kanya. Kaya naman pala nanahimik din eh, psh ang selfish talaga.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon