Nine

737 48 8
                                    

Ceslie's POV

Kasama ko si Kirstin ngayon, actually susunduin namin si Brake sa school niya. Di ko narin pina-alam pa sa kanya para masurprise siya.

"Okay lang ba yung suot ko Ces?" Tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa. Kidding, kung tutuusin ang ganda nga ni Kirstin eh. Nasa kanya na ang lahat.

Ewan ko ba kay Brake bat di mapansin pansin si Kirstin. Porket gwapo siya tss.

"Ayos naman. Maganda ka don't worry, pero mas maganda ako." Sabay kindat ko sa kanya. 

Ngumiti lang siya at nag-thumbs up.

"Alam ko naman yun Ces. Hahaha." Nag-focus nalang ako sa pagmamaneho. Mahirap na no, mamaya mabangga pa ko. Masira pa maganda kong mukha. Aangal pa?

Pagkarating namin sa LEU agad kong pinark ang maganda kong sasakyan sa parking lot. As usual pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante. Ngayon lang ba sila nakakita ng magagandang babae? Psh

Hinanap agad namin si Brake sa school nila. Nakalimutan ko kasing itanong sa kanya kung san  room niya nung huli kong punta dito.

"Oy Ces!" Psh, Lagi nalang ba kaming magkikita ng mokong na to? Nung nakaraang gabi din nagkita kami. Tss, napagkamalan pa kami ni Brake na mag-on.

Duh, wala akong balak magboyfriend no!

"Whut?" Nakakainis talaga pag ngumingiti to eh. Oo na gwapo na siya, pero hindi ako magkakagusto jan no. *flips hair*

"Anong ginagawa niyo dito?" Alright! Buti nalang pala nakita ko siya. May maitutulong din pala tong mokong na to.

"Wala ka na dun, alam mo ba section ni Brake?" Kumunot naman yung noo niya. Don't tell me di niya kilala yung pinsan kong ubod ng gwapo?

"Brake? Candino? Kaklase ni Korrine yun." Tapos ngumiti na naman siya. Nakakairita na to.

"Stop smiling. Who's Korrine? Ugh nah, wag mo nang sagutin. So anong section ni Brake?" 

Etong si Kirstin naman pinipicturan pa kami. Alam niyo bang shiniship niya kami? Bagay daw kasi kami. Ew lang.

"One. Ayon dun, sa may dulo." Tinuro niya sakin yung room sa dulo. Inulit ko lang ata? Hahaha, So dun lang pala? 

Hinila ko agad si Kirstin at patakbong umalis.

"Di ka man lang magpapasalamat?" Shoot, nakalimutan ko! Hayaan mo na nga. Bayad niya na yun sa laging pagngiti.

"No need duh." Pag-akyat namin sa room ni Brake nakasalubong ko ang isang pamilyar na babae. Siya yung bumangga sakin diba?

Tinitigan ko siya habang busy siya sa pakikipag-usap sa kasama niya. Napansin niya sigurong may nakatingin sa kanya at tumingin siya sa may direksyon namin.

"That bitch." Bulong ko kay Kirstin. Nakatingin lang siya sakin at yung kasama niya naman babae iniirapan ako. Wth?

"Ikaw ba yung tinitingnan niya? Who's that girl?" Tanong ni Kirstin. Tinaasan ko lang sila ng kilay at tsaka hinila si Kirstin papalapit sa kanila. Masaya to.

Nakita ko namang may binulong yung katabi niyang babae sa kanya. Cheap, pwede namang sabihin ng harap harapan.

"So here's the bitch?" Nginitian niya naman ako at tsaka nagtaas ng kilay. Sinusubukan niya ba talaga ako? Well.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon