Twenty-three

387 37 4
                                    

Ceslie's POV

Kagabi pa ko hindi mapakali. Kagabi pa ko paikot-ikot dito sa kama ko. Ni hindi na nga ako kumain tapos hindi din ako lumalabas. Yung phone ko sasabog na sa kakatawag nila Alvin, Kirstin at Bestfriend.

"Ugh! Utak ko mag function ka naman ng magkasilbi ka!" Sabay pukpok ko sa ulo ko.

Humarap ako sa salamin at tinitigan ang mukha ko.

"Zombie na ba ako? Hindi pa naman." Kinuha ko ang suklay at nagsuklay. Nakakafrustrate! Alam niyo ba yun?

Bakit naman kasi ang hirap maging maganda diba? Hindi ko alam ang gagawin ko kay Alvin. Hindi ko inaasahang hahantong sa ganito. Hindi naman ganito ang plano ko.

-Flashback-

Kanina pa ako pinapapunta ni Alvin sa garden pero hanggang ngayon hindi parin ako pumapasok. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. May kutob ako eh, pero hindi ako sure.

"Pumasok kana Ceslie. Kaya mo yan." Pagchecheer ko sa sarili ko.

Maya maya lang pumasok narin ako sa garden. Agad na bumungad sa akin ang isang napakagandang lugar. Wow.

Tumingin ako sa itaas at napansing parang may mga butterfly sa itaas. Hindi siya totoong butterfly pero kung titingnan mo sa malayo mukha siyang totoo.

Naglakad lang ako at sinundan ang mga nagkalat na bulaklak na nasa sahig.

"Smile first." Basa ko sa nakasulat sa may halaman.

Dahil gusto ko nang malaman ang gustong sabihin ni Alvin, ngumiti ako. Nagulat ako ng bigla siyang bumungad sa harapan ko na may dala dalang bouquet.

"Hi Cess. You're so gorgeous." Ngumiti lang ako sa kanya at inabot ang binigay niyang bulaklak.

Eto na naman yung puso ko. Nagkakakarerahan na naman. Sa totoo lang? Dati, hindi naman ako naniniwala sa mga ganitong nararamdaman. Yung mga nababasa ko ngang ganyan sa wattpad sinasabihan kong corny eh. Paano nila nalamang may butterfly sa tyan diba? Yung spark chuchu. Haha, pero iba pala talaga pag ikaw na yung nakaranas.

Biglang lumabas sa gilid niya si Kirstin na may hawak na tarpaulin.

'Si Ceslie ka ba? Kasi mahal kita.'

Nakita ko pang bumuka ang bibig ni Kirstin at sinabing 'Kilig ako'

Natutuwa ako sa kanya. Lagi niya kaming shiniship ni Alvin kahit alam niya naman ang plano. Sunod naman na lumabas sa kabila si Treschia na may hawak ding tarpaulin.

'Si Cess ka ba? Kasi talo ko pa si Cess-a sa pagkabaliw sayo.'

Napangiti naman ako dun. Haha, oo na kinikilig na ako. Pero no. Hindi ako pwedeng mahulog kay Alvin. Ayoko siyang saktan ulit. Tama na yung plano ko.

Lumapit siya sakin at hinarap ang tarpaulin na hawak hawak niya.

'Will you be my girl?'

Yes Alvin, Yes. Pero not now. Baka kamuhian mo lang ako pag nalaman mo ang katotohanan. At ayokong masaktan.

"Ceslie? Why are you crying?!" Agad na lumapit sa akin si Kirstin at niyakap ako. Ganun din si Treschia.

"Im s-sorry pero masama ang pakiramdam ko."

Pagkatapos kong sabihin yun ay tumayo na ako at patakbong umalis sa kung nasaan sila.

Pagkadating ko sa bahay agad akong nagkulong sa kwarto. Pero hindi ko inaasahang nakasunod si Kirstin.

"Leave me alone, Kirs." Umiling lang siya at tumabi sakin.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon