Three

1.3K 55 5
                                    

Darlene's POV

Kanina ko pa hinihintay yung reply ni Alvin. Hindi ko rin kasi alam kung bakit hindi pa ako inaantok. Wala pa kong tulog simula kahapon.

Alvin Villacruz

Namimiss ko na rin siya. Kindly told her na wag sasama sa manila. Ewan ko ba kasi dun, bakit hindi ako kinakausap.

Sinabi ko kasi kay Alvin na namimiss na siya ni Korrine. Shhh lang kayo at baka sabunutan ako ni Korrine. Duh, napaka brutal kaya nun lalo na pag tungkol kay Alvin. 

Close ko yan si Alvin kasi kababata namin yan nila Korrine, bata palang kami alam ko nang gusto ni Korrine si Alvin. I can feel it. Habang patagal nang patagal etong si Korrine lalong nahihiya kay Alvin. Siguro kasi palalim na nang palalim yung nararamdaman niya para kay Alvin. Di ko siya masisisi ang gwapo ni Alvin eh, heart throb pa sa school yang lalaking yan.

Dalian mo na jan late ka na! Yung James mo di mo masisilayan!

Napangiti naman ako sa bulong nang mumunti kong isip. Hehe, syempre si James pa ba? Teka ang landi ko na haha, mareplayan nga muna si Alvin.

Darlene Saquitan

Makakarating. Shy lang siguro, ewan ko ba sa inyo. Much better kung ikaw mauuna, ikaw naman lalaki eh. Namimiss ko na bonding natin! Well, sige na. I gotta go, late na ko. Usap nalang tayo sa school ha? Late ka na rin eh. Byeeee!

Then nag-log out na ko. 7:45 am na. Bago ako bumaba i checked my phone. Malamang sa alamang tinext na ko ni Korrine. Miss na miss na ako nun for sure.

28 messages

5 missed call

Oa naman ni Korrine! Tingin nya ba patay na ko?! Ngayon lang to nagtext nang ganito kadami >3< I open the messages at napanganga ako. Expect the unexpected. Woah

Jamesmyloves (27 new messages)

Korina (1 new messages)

Wtf?! Ang iniexpect ko si Korrine pero nagkamali ako. Omg! grabe teka paano ba to? Wala pang i love you yan pero sobrang kinikilig na ko. OMG! Bat ang dami niyang text? Ganun niya na ba ko kamiss? Ugh James! Mababaliw ako sayo bakulaw ka!

I open his messages. May nangyari na bang masama kay Korrine o sadyang miss niya lang ako? Ay, ang assuming ko.

Dardar, diba yan yung sa ngipin? Dardar ;)

Darlene, bat ang gwapo ko?

Darlene, asan ka na? Inaasar na naman ako ng pamangkin mo!

Darling, where are you?

Darlene i will be loving you till were 70.

Alam ko kinikilig ka pumasok ka na.

Tagal mo, bahala ka Dardar.

Hehe joke lang, absent ka ba? Why?

I think tulog ka pa. Okay, if ever na papasok ka puntahan mo si Korrine sa may small canteen. Nabadtrip ata sa bago nating kaklase.

Kahit kailan talaga to si James! Kikiligin na ba ako? Ano bang nangyayari sa lalaking to?

Bago ako bumaba i texted Korrine.

To: Korina

Antayin mo ko sa small canteen, i'll be there within a minutes.

Sent!

Nagpahatid na ko kay Manong sa LEU. I checked my things at kumpleto naman. Wala pang 20 minutes nasa LEU na ko. Pumunta agad ako sa small canteen at luckily nakita ko agad si Korrine. Base sa mukha niya, halatang badtrip nga siya.

"Hey." Napa-angat naman yung mukha niya at inirapan ako. See, badtrip nga.

"Pumasok ka pa." Aba gaga talaga to. Hahaha, ano kayang nangyari dito at g na g. 

Kinuha ko yung kinakain niyang junkfood at kinain. Srsly? Ang aga aga namang junkfood nito.

"Kachat ko kasi si Alvin." Then i gave her my sweetest smile. Knowing Korrine, nagbabago agad mood niyan pag naririnig pangalan ni Alvin. At hindi ako nagkamali.

"Omg! Anong sabi nya? Bat mo siya kachat? Close na ulit kayo? Hoy ano?" Dun ako nalungkot. Ang dami niyang tanong wala pang isang minuto? Ganyan siya kapatay na patay kay Alvin.

"Easy okay? First sabi nya miss ka na niya. Ooops, mamaya ka na mag hysterical jan! Second, kachat ko siya kasi sabi ko miss mo na siya. Last, excuse me? Close natin sya, ikaw lang yung umiiwas." Tapos kumain ulit ako. Wala na bang ibang foods? Sabagay ano nga bang iniexpect ko sa small canteen diba?

Nagulat ako sa novang lumipad at lumanding sa mukha ko! Ugh, i look at Korrine at ang sama ng tingin niya sakin. Anong ginawa ko?!

"What? Pabor nga sayo yung ginawa ko tas gaganyanin mo ko? Oh god korrine! Ang arte ha." Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan ang mukha ko. Lasang nova na tong maganda kong mukha psh. Ayoko pa namang nadudumihan.

"Pabor? Dafaq Dar ugh! Nakakainis ka! Bat mo sinabing miss ko na siya?!" Kadiri, ang lagkit nang mukha ko. Parang may mga maliliit na buhangin pa. Leche talaga

"Bakit hindi ba? Tigilan mo nga ko, alam mo naman sa sarili mong miss mo na siya. At tsaka ginawa ko lang yun para magpansinan na ulit kayo no! Ngayon lang ako nakakita nang magkababata na di nag-iimikan!" Bulyaw ko sa kanya. Anong mali sa ginawa ko? Gusto ko lang ulit sila magpansinan para naman makapagbonding na ulit kami. Psh

"Di mo ko naiintindihan eh, nakakahiya! Mamaya ano pa isipin non." She sighed. Di ko lang siya pinansin at pinapatuloy parin ang pagpunas sa mukha ko.

"Lokaret ka ba? Sayo lang may meaning yung ginawa ko kasi may nararamdaman ka para sa kanya! Pero siya? Natural lang yun kasi magkababata kayo at matagal na kayong di nagpapansinan. Problema kasi sayo lahat nang bagay may meaning eh." 

Tama naman ako diba? Alam ko namang may nararamdaman siya kay Alvin eh, pero still dapat pinapansin niya parin si Alvin. Hello, kababata kaya namin yun. Bakit naman ako? Crush na crush ko na si James pero pinapansin ko parin siya.

"Oo na magkababata na kung magkababata wag mo na ipamukha. Pero geez, nakakahiya! Kasalanan ko ba kung di ko siya pinapansin? Eh sa nahihiya ako eh, tsaka di ako komportable! Ang bilis bilis ng kabog ng dibdib ko pag anjan siya, feeling ko nga lalabas na puso ko eh." Ang drama niya talaga pag love na ang usapan. Ganyan yan.

"Alam ko. Pero di mo ba naiisip na baka magtaka siya at di mo siya pinapansin? Ayaw mo namang malaman niya diba? So, much better kung ibalik mo yung dati. Yung mga bondings natin, yung walang ilangan. O'common malay mo mafall pa siya sayo. Di yung lagi mong iniiwasan." 

Malay niyo nga naman diba? Wala namang mangyayari kung di sila mag-iimikan. Aasa nalang sya sa tadhana? Utut. Walang mangyayari kung di ka kikilos.

"Bahala na nga. Kainis ka talaga! Tara na nga sa next subject, baka malate pa tayo." Inubos ko na yung nova at sumunod sa kanya. Muntik ko nang makalimutang may next subject pa pala. Oo nga pala, asan na kaya siJames? Kaklase namin siya sa next subject ah? 

"Teka, Korina may new student daw?" Napahinto naman siya at humarap sakin na nakakunot ang noo.

"Oo leche ang panget. Badtrip!" Sigaw niya at tsaka nagdirediretso na sa paglalakad.

"Panget? Eh bakit ganun siya makapagreact? Eh diba dapat wala siyang pake dun? Ay ang gulo mo teh." Bulong ko sa sarili ko. Alangang isigaw ko pa diba? Edi pinagalitan ako. Class hour pa naman.

Sumunod na ako kay Korrine. Kailangan ko pang pumasok sa second class ko. Mamaya madrop na ko dun.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon