Twelve

535 42 7
                                    

Yanie's POV

Kainis si Ate! Akala ko talaga magagalit siya eh. Kinabahan pa man din ako dun. Akala ko tutol siya samin ni Brix, yun pala alam niya na. Hoo!

"Mahal, okay ka lang?" Hanggang ngayon naiilang parin ako pag tinatawag niya kong mahal. Eh kasi siya yung first boyfriend ko no!

"O-okay lang." Huminto kami sa may park at naupo sa may swing.

"Naiilang ka ba Yanie? Mag-aadjust ako." Sabay ngiti niya sakin.

Ang swerte ko talaga kay Brix. Masyado siyang mabait. Kaya nga natatakot ako na baka masaktan ko siya, feeling ko kasi hindi niya naman ako kayang saktan.

"Hindi lang siguro ako sanay m-mahal." Hinawakan niya yung kamay ko at nilapit ang mukha niya.

"Masanay ka na. Kasi hanggang pagtanda mo ako ang kasama mo." He kissed me at my forehead na siyang nagpangiti sakin.

"Mahal na mahal kita Brix." Feeling ko tuloy di ko kayang mawala sakin si Brix. Kahit bago palang yung relasyon namin sobrang mahal ko na siya.

"Mahal na mahal din kita. Tandaan mo yan." Niyakap niya lang ako ng mahigpit. Pwede bang dito nalang ako? Ramdam na ramdam ko kasing safe ako sa kanya.

"Uhm, excuse me? Andito pa po ako." Tinawanan ko lang si Erica. May kasalanan pa pala sakin to. Mamaya na nga lang.

"Hatid na kita mahal?" Aya ni Brix.

"Nah, mauna ka na mahal. Dito muna kami ni Erica." Namiss ko na rin kasi kasama yung bff ko e. This past few days kasi laging si Brix yung kasama at nakakausap ko.

"Yeah true, mauna ka na Brixy." 

Brixy talaga tawag ni Erica jan kay Brix. Dati niya rin kasing gusto si Brix. Pero hindi ko naman inagaw si Brix. Basta one day sabi niya sakin wala na daw siyang gusto kay Brix. Tapos simula nun nung nagtagal niligawan na ko ni Brix. Okay lang naman daw sa kanya eh.

"Okay. Basta mahal itext mo ko agad pag kauwi mo ha? O kung gusto mo text mo ko kung pauwi ka na. Susunduin kita." Tiningnan ko muna si Erica para sana tanungin kong magpapasundo pa ba kami. Kaso busy ata siya kakatitig kay Brix. Nah, may tiwala naman ako kay Erica. Bff ko yan eh. Hahaha!

"Uhm, sige mahal. Itetext nalang kita. Ingat ka ha?" Ngitian niya lang ako at tsaka hinalikan sa noo ko bago niya kunin yung bag niya.

"Oo naman. Papakasalan pa kaya kita." Kinilig naman daw ako. Hihi

"Sus! Hahaha sige na alis na Brixy." Hindi pinansin ni Brix si Erica. 

Kawawa naman si bff.

"Sige alis na ko mahal. Bye." Kinindatan niya ko bago siya umalis. Hay, miss ko agad siya kahit di pa naman siya masyadong nakakalayo. Wierd.

"Oh bff, andito pa ko enebe." Ay oo nga pala. "Miss mo agad no?" Nagswing lang siya dun habang ako nakaupo lang.

"Oo eh." Tumawa lang siya. "Uhm bff, may tanong ako." Gusto ko lang kasi ng malinaw eh.

"Ano yun bff?" Huminto siya sa pagswing at humarap sakin. Sa totoo lang? Natatakot akong itanong sa kanya to eh. Mamaya masaktan ako sa sagot niya. Pero di bale na, kesa naman lagi akong mangamba.

"Uhm, wag kang magagalit ha?" Ehhh kasi! Ayokong mag-away kami ni Erica dahil lang sa lalaki. Pero nah, hindi ko naman isusuko si Brix no. Aish, ano ba naman tong sinasabi ko.

"Ano ka ba naman, oo naman. Spill bff." Okay game. Mabait naman si bff eh, sadyang gusto ko lang talagang malinawan.

"Ah, eh. May gusto ka pa ba kay Brix?" Go Yanie, kaya mo yan. Hingang malalim, buga! Hays

"Hahahahaha! Are you kidding me bff? Pinagdududahan mo ba ako?" Sabay angat niya ng kilay niya.

"No no no! Eh kasi.." Anong sasabihin ko sa kanya? Kasi gusto ko lang manigurado? Eh..

"Look, wala ka bang tiwala sakin bff? Nasabi ko nang wala na kong feelings kay Brixy diba? Ano ka ba. Hahaha, cheer up bff!" Paano ko nagawang pagdudahan ang bff ko? Ugh Yanie talaga.

"Sorry bff, sorry." Niyakap ko lang siya ng mahigpit at tsaka nag-sorry ulit. Nakakahiya talaga huhu

"No worries, hindi ko naman aagawin pa sayo si Brix Yan. Okay? Kalma lang bff." Sabi ko nga ang paranoid ko lang talaga mag-isip. Binigyan ko kasi agad ng meaning yung tingin niya kay Brix eh. Huhu

"Sorry talaga. Di na mauulit. May tiwala naman ako sayo bff e. Hahahaha!" Kumalas siya sa pagyayakap namin at tsaka pinisil yung pisngi ko.

"Kahit kailan ka talaga. Halika na nga, uwi na tayo. May gagawin padin kasi ako eh. Maybe next time nalang tayo magkwentuhan ha?" Kinuha ko na rin yung gamit ko at ngumiti kay Erica.

"Oo naman. Marami pa namang araw. Baka mas importante yang gagawin mo at tsaka inaantay nga pala ako ni ate sa bahay." Sana di ako pagalitan ni Tita Dar. Hehe, tinext niya kasi ako eh.

"Omg, patay ka nyan. Halika na lezz go na." Patakbo kaming umalis ni Erica sa park.

Grabe hinihingal ako sa babaeng to. Talo pa may karera sa pagmamadali eh. Hahaha! Pinagtitinginan nga kami ng mga tao eh. Pero okay lang, wala naman kaming ginagawang masama.

Dahil hindi naman ganun kalayo yung bahay namin sa park, nakarating agad kami.

"Phew! Nakakapagod!" Ikaw ba naman kasi tumakbo ng sobrang bilis diba? Hahaha

"Hindi halata bff. Sige pasok na ko. Mag-iingat ka ha?" Ngumiti lang ulit siya. Ang ganda talaga ng bff ko. Bakit kaya di man lang siya napansin ni Brix dati?

"See you tomorrow bff! Mwa mwa mwa!" Nag flying kiss din ako sa kanya bago pumasok ng tuluyan sa bahay.

Bakit parang walang tao? Nilapag ko sa sofa yung bag ko. Pumunta ako sa kusina pero wala sila dun. Himala ata, eh minsan sa kusina ko sila naabutan. Si Sheshe pa ba? Pero asan na ba sila? Akala ko ba andito si Tita Dar?


Ceslie's POV

Tawa ako ng tawa dito habang kausap ko si Alvin. Grabe tong lalaking to! Tatlong oras ko na siyang kausap tapos kwento lang siya ng kwento ng mga walang kwentang bagay.

Nakakapanibago nga eh, di ba dapat wala akong pake sa kanya? Pero i can't help it. Ang sarap niya kausap. Sa kanya lang ata ako tumawa ng ganito. Remember? Di ako nakikipagclose sa ibang lalaki.

"Anjan ka pa ba Ces?" Bakit nga ba di ako makipagkaibigan sa lalaki? I mean, pwede naman akong magsimula ulit diba? Magtiwala ulit.

"Yes im here pa. Anyway, di ka pa ba inaantok?" Feeling ko di ko kilala sarili ko. Bakit di ko siya magawang matarayan man lang? No no no! Mali yung naiisip ko.

"Di pa. Kausap pa kita eh. Ikaw ba?" Denial ba ko kung sasabihin kong wala akong naramdaman kahit ano? Ugh this is not me!

"Ha? Ah eh i can't hear you! Hey what are you talking about? Uh-oh bye!" Sorry Alvs, di ko na talaga kaya.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! What the hell is happening to me?" Pinagbababato ko yung mga unan at nagtititili ulit. Hindi ako kinikilig okay? Hindi! Di uso sakin yang mga salitang yan! Nooooooooooo!

"Ano bang nangyayari sayo?" Omg, yung gwapo kong pinsan.

"Wala ka na dun. Lumabas ka nga. Pagtripan kita eh." Pag kay Brake nagagawa kong magtaray? Ehhhh! Ganda ko!

"Subukan mo. Baka gusto mong ihagis kita palabas ng bahay." Kita mo tong lokong to! Bastos talaga! Di pa ako nakakasagot eh sinarado na agad ang pinto. Tss *flips hair*

Basta sure ako sa nararamdaman ko. ZERO! As in wala talaga. Wala! Wala! Wala! Okay? Matext nga si Treschia. Yung lokaret na yun di na nagparamdam. Kailangang makwento ko to sa kanya. Kung hindi sasabog ako.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon