Korrine's POV
Padabog akong umupo sa upuan ko. Badtrip talaga tong si Darlene eh. Di niya ba ko naiintindihan?! Nakakahiya! Sobrang nakakahiya. Oo alam ko masyadong Oa pero hello, baka magduda lalo yun?! Look, unang una iisipin nun bakit ko siya namimiss e hindi ko nga siya pinapansin diba? Tapos bakit si Darlene pa nagsabi? Kahit pa sabihin nyang nahihiya ako may posibilidad parin na isipin niyang may gusto ako sa kanya! Lalaki yun no, tsaka halos lahat ng tao medyo assuming. Deny pa kayo, mababaog kayo niyan.
Eh bat ang big deal sayo nun?
Malamang sa alamang ayokong malaman niyang may gusto ako sa kanya, baka mas lalong umiwas at lumayo yung loob niya. Ganyan naman yang mga lalaki e, pag nalaman na nilang may nagkakagusto sa kanila iiwasan na nila, kung hindi naman nila iiwasan paglalaruan nila! Diba?
At ayokong mangyari sakin yun! Ayoko!
"Okay class, may i heard from the assign leaders the attendance please." Oh damn, anjan na pala yung prof namin.
Sa sobrang asar ko, tumalsik yung takip nang ballpen ko sa likuran, napalakas ata yung pagbukas ko.
Ipapaabot ko sana yung takip nang ballpen ko nang mapansin kong si panget pala yung nasa may likuran ko. Badtrip. Tumayo ako at tsaka kinuha yung takip.
"Tsk." Oh? inaano ko siya? bat di nauubusan nang papansin sa mundong to?
Umupo nalang ako at tsaka nakinig sa mga leaders na nagchecheck nang attendance.
"Im sorry to tell you maam that Mr. Inocencio is absent." Teka?! Andito lang siya kanina ah? Anong nangyari dun?
Tiningnan ko si Darlene loka loka na pangiti ngiti sa may dulo habang hawak hawak yung phone niya. Nanunuod na naman ba siya ng Fifty shades of Grey?!
"Oy Darlene!" Pabulong na sigaw ko sa kanya. Imaginin niyo nalang aba! Mahirap mag-explain.
"Hmmm?" Ganun na ba kaexcite yung palabas at di niya na ko malingon-lingon?! Kainis to!
"Nanunuod ka na naman ng Fifty shades of Grey?" At pinandilatan ko pa siya ng mata kahit di niya nakikita.
Grabe di na nagpaawat at sa room pa talaga nanuod. Alam ko namang masara- este maganda yang palabas na yan pero duh? Sa room pa talaga? Cheap.
"What?!" Nanlalaking mata na sagot niya sakin. See? Painosente pa tong babaeng to.
"Kunwari ka pa jan e! Amin na nga yang phone mo." Bat naman siya ngingiti nang mag-isa dun? Ano siya baliw?
Nagulat ako kasi binato niya ko nang papel. Naistorbo ko ba siya? Leche to.
"Hoy ikaw tantanan mo ko ha?! Anong fifty shades of grey?! 20 times ko nang nauulit yun at sawang sawa na ko dun! At tsaka, katext ko lang si James! Magtigil ka nga!" At nagsimula na naman siyang tumingin sa phone niya.
"Katext mo lang pero ngumingiti kana jan! Bakit ano bang sabi? Nag i love you na ba? Umamin na ba?" Kung makangiti naman akala mo naman sila na.
Hindi ako nagseselos or what okay? Ayoko lang talagang ngumingiti si Dar, ayoko lang tapos.
"Wala ka na dun! Makinig ka na nga lang jan para may maisagot ka sa test, di yung kopya ka nang kopya." Binato ko naman sa kanya yung binato niya sakin kanina.
Kapal niya, di naman ako nangongopya sa kanya eh! I mean di naman lagi, parang isang beses pa nga lang ako nangopya sa kanya e. Tapos mali pa.
"Ang kapal mo!" Walang kwenta kausap. Nakinig nalang ako sa teacher namin nang may naramdaman akong parang sumisipa nang upuan ko.
Paglingon ko sa likod nakita ko si panget na nakatingin din sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tsaka inirapan. Papansin! Pero nung tumalikod na ko sa kanya tsaka niya naman nilakasan yung pagsipa sa upuan ko na siyang ikinasigaw ko.
"Ms. Grande, anong problema?" Damn you panget. Tinitigan ko lang ng masama si panget bago hinarap si maam.
"Etong hayop na po to kasi, ay mali mas masahol pa po pala sa hayop tong undefined creature na to! Sinipa lang naman po yung upuan ko. Crush po ata ako kaya nagpapapansin. Sorry pero di ako pumapatol sa panget." Sabay flip hair ko. Naniwala naman kayo?
Tumayo naman siya at lumapit sakin.
"Hindi mo ko salamin. Sinipa ko lang po siya maam kasi yung gamit niya nagkalat." Sabay turo niya sa may likod ko. "Kaya miss wag kang assuming." At lumabas siya ng room. Ako? Nganga
Sa sobrang hiya ko napa-upo nalang ako. Bwiset talaga yun! Bakit kailangan niya pang manipa kung pwede niya namang sabihin sakin na nagkalat na yung gamit ko?! Wala na ngang puso wala pang utak!
"Okay. nasira na yung discussion natin so itutuloy nalang natin to bukas. Ms. Grande, this will be the last." At lumabas na nga yung teacher naming balyena. Nakakagigil! Ako pa may kasalanan? Siguro type niya yung panget na yun! Leche.
Inayos ko nalang yung gamit ko at kinalma ang sarili ko. Feeling ko anytime makakasapak ako! So ako pa talaga yung pinagmukha niyang masama?! Unggoy siya! Sino ba kasi yun? Bat biglang nandito na yun?! Feeling ko di naman matalino yun eh.
"Korina, you okay? Pagpasensyahan mo na si Brake ha?" Napataas naman ang kilay ko kay Darlene. So kilala niya yun?
"What the hell! Kilala mo yun?!" Medyo sumigaw na rin ako kasi wala na rin namang masyadong tao sa room. Break time na kasi.
"Yes, si Brake." At umupo siya sa may tapat ko habang ako nagpupulot parin nang gamit ko. Wala ata siyang balak tulungan ako. Great.
"Who the hell is he?!" So famous siya? Damn. Ni hindi ko nga siya kilala e.
"Brake." Feeling ko nahanap ko na yung masasapak ko. Tinitigan ko lang siya nang masama. Pag ganitong badtrip ako wala akong sinasanto.
"Okay easy Korina, Si Brake. Taga don lang din yan sa may atin. Di mo ba siya nakikita?" So malapit lang siya dun? baka taong bahay. O baka walang friends kaya di lumalabas.
"Kung nakikita ko, itatanong ko pa ba sayo?" At tsaka ko siya inirapan. Sinarado ko yung bag ko at lumabas na nang room. Badtrip talaga yung panget na unggoy nayun! Wag siyang papakita sakin sa daan kundi ibabalik ko talaga siya sa zoo!
"Oy Korrine, antay!"
Dire-diretso lang ako sa paglalakad nang may makabangga sakin. So ano? araw ko ba talaga ngayon?! Punyeta!
"What the fuck! Di ka ba tumitingin sa daan?!" Sigaw niya sakin. At siya pa may ganang magalit? Wow, mukha siyang paa.
"Parehas lang tayo, wag mo kong sigawan di ako bingi." Kinalma ko muna yung sarili ko, ayokong makipag-away ngayon. Baka makarating pa to kina lolo at lola ilipat pa ako sa ibang school.
"Sinisisi mo pa ko? How dare you!" Ngayon ko lang din napansing marami-rami na rin palang tao sa paligid. Shoot, break time nga pala.
"Bakit? Kung tumitingin ka ba sa daan mababangga mo ko? Look, kasalanan ko rin naman. Wag mo nang pahabain, sorry not sorry." At tumalikod na ko sa kanya. Nakita ko naman si Darlene na tinitingnan yung babaeng nakasagutan ko. Don't tell me kilala niya rin to?! Aba, edi siya na.
"Bitch!" Sigaw niya. Di ko nalang siya pinansin at patuloy parin sa paglalakad. Pasalamat siya at ayokong napapatawag sila lolo at lola sa school dahil lang nakipag-away ako. Mahirap na, ayokong mamroblema pa sila.
Nagugutom narin ako, sobrang sama nang araw na to. Badtrip na nga kay unggoy na panget badtrip pa sa isang panget. Bat nagkalat mga panget ngayon? Di na nga ko aatend ng next class, tutal last ko na rin naman yun. Magpapahinga nalang ako at baka matuluyan pa kong mastress sa mga panget na yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/33573585-288-k703925.jpg)
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig [Completed]
Roman pour AdolescentsPaano kung nainlove ka sa kamag-anak mo? Ipaglalaban mo pa ba yung pagmamahal mo o hahanap ka nalang ng iba na pagbabalingan mo nito? Started: February 28, 2015 Ended: December 8, 2015 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.