Sixty

369 31 10
                                    

Earl's POV

"What?! I already clean your fucking room then you want me to clean it again?!" Napailing nalang kami ni Euge. Sanay na naman kaming laging ganito sa bahay ni Brijell. Sa loob ba naman ng isang buwan na kasama si Xherie at panay ang away nila hindi pa kami masasanay?

"I don't care. I want you to clean it again. That's my order."

"Fuck you! Makakaganti din ako sayo!" Padabog na naglakad si Xherie paakyat habang umuusok ang tenga at ilong. Lumabas din si Brijell na nakangisi. Naisahan niya na naman.

"Hanggang kailan mo ba papahirapan yang si Xherie?" Tanong ni Euge.

"Hindi ko naman siya pinapahirapan."

"Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?" Naghubad siya ng damit at tinapon kung saan saan. Napangiwi nalang si Euge sa inaasta ni Brijell.

"Having fun."

"Baka naman ayaw mo lang siyang umalis kaya ka ganyan. Hindi kaya nagkakagusto ka na kay Xherie?" Pang-aasar ko sa kanya.

Malabong hindi siya magustuhan ni Brijell. Sexy, maganda at palaban. Mga katangiang lagi niyang hinahanap sa babae.

"Kilabutan ka nga. Kay Shayne ko lang nilalaan tong buong pagkatao ko."

"Hello boys." Speaking of Shayne.

Nilapag niya sa mesa ang bitbit niyang pagkain. Tumabi siya kay Brijell at hinampas sa likod.

"What the hell are you doing?! Bakit wala kang damit?!" Napalingon kaming lahat sa taas ng makarinig kami ng malakas na kalabog. Napatayo agad si Brijell at nagmadaling umakyat. Napalingon ako kay Shayne na kunot na kunot na ang noo habang nakakuyom ang kamao.

"Ehem selos."

Sinamaan niya ng tingin si Euge at dinampot ng mabilis ang purse niya. Hindi na namin siya pinigilan at baka kami pa ang mabuhusan ng galit niya. Malakas ang kutob ko na unti unti ng nagkakagusto si Shayne kay Brijell kahit na palaging si Brake ang bukambibig niya.

"Hoy! Yung phone mo." Napatigil ako sa pag-iisip ng mapansing umiilaw ang phone ko. Korrine is calling. Dinampot ko kaagad yun at lumabas.

Isang buwan nadin ang nakalilipas simula nung huli naming paguusap. Sa tuwing nakikita ko siya sa school umiiwas naman siya. Alam kong galit siya sakin dahil sa mga ginawa ko noon. Pero wala siyang choice, mananatili siyang tutor ko hanggang sa LEU siya nag-aaral. Kung kinakailangan kong ibagsak ng ibagsak lahat ng subjects ko gagawin ko.

"Where are you?"

"Missed me already?" Pang-aasar ko. I heard her cursing on the other line.

"Where. Are. You!" I cleared my throat and shook my head. Damn it, why am i smiling?!

It took 5 seconds before i answer.

"Brijell's house."

"Who the heck is he?"

"Ano bang kailangan mo? I'm busy."

"I am busy as well. Sa pagkakaalala ko ikaw ang may kailangan sakin. Tsk, send me the address."

Bago pa ko makasagot binabaan niya na agad ako. Tsk. Napasuntok ako bigla sa hangin ng marealize kong pupunta siya dito. Yes! Maasar ko na ulit si Korrine. Makikita ko na ulit kung paano siya umiyak kapag pikon na pikon na siya.

Sinend ko sa kanya ang address at wala pang sampung minuto nakarating agad siya. Tinitigan ko siya habang bumababa ng sasakyan. I admit that she's really gorgeous.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon