Fifty-five

384 34 17
                                    

Brake's POV

Hindi na ako pumasok sa huli kong klase dahil hindi naman pumasok si Korrine. Naglakad ako papuntang parking lot para kunin yung bulaklak na binili ko kanina. Hindi ako mapapagod na bigyan siya araw araw ng bulaklak at iparamdam sa kanya na seryoso ako sa mga sinasabi ko. Papatunayan ko sa kanyang hindi porket sinaktan ka ng isa, sasaktan ka na ng lahat.

"Brake." Napatigil ako sa paglalakad ng may biglang yumakap sakin. "I missed you." Tatanggalin ko na sana yung kamay niya ng lalo niya pang higpitan yung pagkakayakap niya sakin.

May mga estudyanteng dumadaan sa gilid namin kaya lalo akong nainis. Kalat sa campus na nililigawan ko si Korrine at alam nilang may hindi kami pagkakaunawaan ni Kirstin. Hindi ko din alam kung bakit to nandito. Ang buong akala namin umalis siya.

"What do you think your doing?" Kalmadong kong tanong sa kanya. Masyado ng madaming tao kaya pilit kong inalis yung kamay niya. Napatingin ako sa kanya ng mapansin kong umiiyak na siya.

"Ganun na lang yun Brake? Ilang taon akong naghintay sayo! Nagpakatanga ako, umasa ako kahit na pinagtatawanan na ako! Lahat yun binalewala ko kasi mahal kita! Lahat ginawa ko para sayo tapos ipagpapalit mo lang ako sa babaeng yun?!"

Sunod sunod na nagbagsakan ang luha niya pero mabilis niya ring pinunasan.

"Hiningi ko ba lahat ng yan?" She rolled her eyes and smirked.

"Oo nga pala, hindi mo nga pala hiningi. Ako nga pala tong tanga na bigay ng bigay pero di mo naman naa-appreciate. Bakit Brake? Anong meron siya na wala ako ha?! Ako yung nauna pero ako yung naiwan?! Ako yung ginawa ang lahat pero ako yung nabalewala?! Anong pagkukulang ko Brake ha?!" Pinagsususuntok niya ko sa dibdib kaya hinayaan ko lang. Hinayaan ko siyang ilabas lahat ng galit niya. Kung makakagaan yun sa bigat ng nararamdaman niya titiisin ko.

"Gusto ko lang naman na mahalin mo ko kasi ako? Mahal na mahal kita! Alam mo yung hindi ko matanggap Brake?! Yun yung mas minahal mo pa yung taong kahit minsan hindi naman ginawa yung mga ginawa ko! Nasa tabi mo ko pag nagkakasakit ka, kahit pinagtatabuyan mo ko sige go parin ako! Sinasamahan kita sa lahat ng lakad mo kasi ayokong mapahamak ka kahit na alam kong kaya mo naman yung sarili mo! Binaba ko yung sarili ko para sayo! Gumawa ako ng mga bagay na alam kong mali para sayo! Tapos ano? Tapos ganito ha?!"

"Hindi sukatan ang panahon para masabi mong mahal mo ang isang tao. Hindi ko kasalanan kung hindi kita kayang mahalin, at mas lalong hindi kasalanan ni Korrine kung mahal ko siya."

Napakagat siya sa labi niya at bigla akong sinampal.

"Bakit Brake? Anong kulang sakin ha?! Bakit hindi mo ko kayang mahalin!"

"Walang kulang sayo Kirstin. Pero sana ilagay mo sa utak mo na hindi lahat ng mahal mo, kaya kang mahalin pabalik."

Napa-upo siya sa sahig habang patuloy parin sa pag-iyak. Naaawa ako sa kalagayan niya pero wala akong magagawa. Hindi ko kayang ibigay yung hinihingi niyang pagmamahal.

"Shayne!" May lalaking dumating at inalalayan siya sa pagtayo. "Gago ka!" Sinugod niya ko bigla at pinagsusuntok. Hinayaan ko siyang suntukin ako hanggang sa mapagod siya. Kung eto lang din naman ang ikakatahimik nila at tanging paraan para pabayaan na nila kami ni Korrine, ayos lang.

"Brijell tama na!" Rinig kong awat ni Kirstin sa lalaking nakapatong na sakin. Galit na galit siya at kulang nalang patayin ako sa harap ni Kirstin.

"Sinong nagbigay sayo ng karapatang paiyakin si Shayne ha?!"

Napahawak ako sa pumutok kong labi. Kung tutuusin wala pa to sa sakit na naidulot ko kay Kirstin.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon