Twenty-two

407 38 3
                                    

Korrine's POV

One week. One week na ako dito sa manila. Sinong mag-aakalang makakaya kong mag-isa dito? Haha great! Akalain niyo nga namang makakaya ko yun.

Pero panahon na para sa make-over. Isang linggo din akong nagkulong lang dito sa condo. Yeah nagkulong ako, and i'm glad kasi nakapag-isip isip na ko.

"Goodafternoon ma'am. This way po." Sumunod ako sa babaeng naka-pink.

Magpapa-spa kasi ako. Sakit ng katawan ko kakahiga sa condo no. Kailangan ko nang bumawi sa napakaganda kong katawan.

After two hours natapos din ako. Sinabay ko narin ang pagpapa-pedicure at manicure. Lastly, kailangan ko ng magpagupit.

Pagpasok na pagpasok ko bumungad agad sakin ang mga panget. Kidding. Umupo ako sa may gitna, katabi ng isang matandang babae. Nginitian niya ko at nginitian ko rin siya. Kamukha niya sa mata si Brake.

Wait?! Sinabi ko bang Brake? Iw.

"Ma, matagal pa ba?" Kinuha ko yung magazines at nagtingin tingin habang ginugupitan ako.

"Anak, matuto ka ngang maghintay." Rinig kong sagot ng katabi kong babae. Tiningnan ko siya at mukhang nasa late 40's palang siya. Still, ang ganda niya parin.

Tiningnan ko sa salamin kung sino yung lalaki at laking gulat ko ng mapansin ko siya.

"BRAKE?!" Sigaw ko ng pagkalakas lakas. What the hell?! Bat siya andito?!

Napansin kong nag-smirk lang siya at lumabas na ng salon. Psh walang modo! Leche!

Bakit naman andito yun? I mean, talagang sa manila pa siya magbabakasyon? Pwede namang sa Laguna o kaya sa Baguio. Ugh, damn. Such a small world!

"Ah, miss?" Nilingon ko yung tumawag sakin which is Brake's mom.

"Hm po?" Di naman ako kagaya ng anak niyang walang modo diba? Psh

Humarap siya sakin at nginitian na naman ako.

"Close kayo ng anak ko?" Dali-dali akong umiling. "Pero kilala mo?"

Duh?! Close? Asa, eh talo pa ng babaeng meron yang anak niya sa sobrang sungit.

"Sino naman pong hindi makakakilala sa anak niyo po? Eh ubod po ng sungit yang lalaking yan." Sa sobrang lakas ng tawa niya halos lahat ng costumer napatingin sa kanya.

Hala? Anong nakakatawa? Pero infairnes ha, napaka opposite ng ugali nila ni Brake. Siya ang bait bait samantalang yung anak niya nako!

"Im so sorry. Hahaha, hindi ko nga alam kung bakit ang sungit niyan. Alam mo bang siya pa ang nililigawan ng babae. Kilala mo ba si Kirstin? Ayon, nanliligaw sa kanya yun. Nagpaalam pa sakin yun. Haha."

Ako? Nganga. Bakit ang daldal ng nanay niya?! Eh yung anak niya talo pa yung pipi.

"Ah tita? Sure po kayong anak niyo si Brake?" Napangisi naman siya at tumingin sa may salamin.

Kami lang ata yung nagpapagupit na ang gulo gulo. Eh pwede namang mag-usap sa salamin. Stupid.

"Actually, hindi." Hindi ko maiwasang hindi mapanganga.

Ganito ba talaga siya ka-prangka? I mean, seriously?! Kaya niyang sabihin sa ibang tao na hindi niya totoong anak si Brake?

"Hahahaha! Oh my God, nakita mo ba yung mukha mo? Look!" Sabay turo niya sa salamin.

Anong meron? Maganda parin naman ako. Teka nga! May sayad ba tong nanay ni Brake?

"Pero seryoso, madali kang mauto." Aray ha! Kung hindi lang ako tinuruan ng GMRC nabara ko na to.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon