Korrine's POV
Kakalabas ko palang sa gate ng bumungad sakin ang sasakyan ni Brake. Tinaasan ko kaagad siya ng kilay pagkalabas na pagkalabas niya. Nainform ba siya kung anong oras palang? Don't tell me dito siya natulog?
"Goodmorning." Ngumiti siya ng nakakaloko at inabot sakin ang dala-dala niyang bulaklak. Hindi ko na natago yung ngiti ko ng bigla kong makita yung mga bulaklak. Ngayon nalang ulit ako nakatanggap ng bulaklak ng ganito kaaga.
"What are you doing here?"
"Hinihintay ka." Sumandal siya sa kotse niya at nag-cross arms.
Nilapag ko muna sa tabi yung bitbit kong basura. Hindi ko maalis yung tingin ko kay Brake. Seryoso na ba talaga siya sakin? Gusto ko na sanang maniwala pero may parte parin ng sarili ko na nagsasabing wag muna. Hindi ko alam kung anong mali pero pakiramdam ko meron.
"Ng ganito kaaga?"
"Of course." Nginitian niya na naman ako nag-iwas ako ng tingin. Ang aga aga pero buhay na buhay na agad yung dugo ko.
Niyaya ko siyang pumasok sa loob pero tumanggi siya. Sa labas niya nalang daw ako hihintayin, well mas okay narin. Ayoko namang makita siya ni Xherie. Nag-ayos kaagad ako kahit na sobrang aga pa. Gusto ko rin naman siyang makasama.
Naabutan ko si Yanie sa baba na kausap si Eka. Nag-hi lang ako at lumabas na ng bahay.
"San tayo pupunta?" May 1 hour and 30 minutes pa kami bago magsimula ang klase. Saan naman kami pwedeng pumunta ng ganito kaaga?
"Secret."
Hindi nalang ako sumagot. Gusto ko rin baliwin sarili ko kakaisip kung san niya ko dadalhin ng ganitong oras. Napansin kong umiilaw yung phone ni Brake. Kukunin ko na sana ng bigla niyang hablutin.
"Sino ba yan?"
"Wala yun. Andito na tayo."
Tumango tango nalang ako at hindi na pinansin yung ginagawa niya sa phone niya. Hindi ko alam kung saan banda to pero pamilyar.
"Anong gagawin natin dito?" Pinagbuksan niya ko ng pinto at inalalayan sa pagbaba. Pakiramdam ko tuloy prinsesa ako. "Di mo na naman kailangang gawin yan."
"Kapag mahal mo, iingatan mo." Nag-wink pa siya na ikinagulat ko. What the heck! Ilang buwan ko na siyang nakakasama pero ngayon ko palang siya nakitang kumindat. Pati ba naman sa pagkindat ang hot niya parin tingnan?!
Hindi na ko nakapagsalita pa ng hawakan niya yung kamay ko at naglakad papasok sa isang bahay. Hindi naman siya creepy tingnan, medyo luma na pero maganda parin.
"Kaninong bahay to?" Napa-atras ako ng bigla siyang umupo at hinawakan yung paa ko. "B-bakit?"
Tumawa lang siya at nilagay yung kamay ko sa ulo niya.
"Hindi ka pwedeng pumasok sa loob na may suot suot na sapatos." Napakapit ako sa buhok niya ng kunin niya yung paa ko at hinubad ang sapatos ko.
"Kaya ko namang gawin yan. Ako na nga." Nahihiya din kasi ako sa kanya. Excuse us, paa kaya yan. Napabitaw rin ako ng mapansin kong sinasabunutan ko na pala siya. Aish! Tanga mo talaga Korrine!
"Sorry, sorry."
"Okay lang. Tara?" Sabay ayos niya sa buhok niya.
"Bakit ba ang bait mo?"
"Hindi ako mabait. Special ka lang talaga." Nauna na siyang naglakad at iniwan akong nakatayo dun sa may pinto. Edi ako na mali, ako na assuming.
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig [Completed]
Teen FictionPaano kung nainlove ka sa kamag-anak mo? Ipaglalaban mo pa ba yung pagmamahal mo o hahanap ka nalang ng iba na pagbabalingan mo nito? Started: February 28, 2015 Ended: December 8, 2015 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.