Kirstin's POV
Masaya akong nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko ng bigla akong hatakin ni Ceslie palabas sa venue. Ano na namang kailangan niya? Kanina niya pa ko kinukulit.
"What?" Iritado kong tanong sa kanya.
"Kirstin look, i'm sorry."
Tinitigan ko lang siya at hindi umimik. To be honest hindi naman talaga ako galit sa kanya. She's my friend after all. Ang sarap lang kasing pakinggan na si Ceslie Candino-Villacruz ay nagsosorry sakin.
"Hey. Kausapin mo naman ako. Paano mo ko natitiis ha? How dare you!" Inirapan ko lang siya at sumandal sa kotse.
"Bakit pa? Pinalitan mo na ko diba?"
"Ano bang pinagsasasabi mo jan? Of course not! Walang makakapalit sa pwesto mo no. Ikaw lang ang nagiisang Kirstin Shayne sa buhay ko kaya wag kang madrama."
"Look who's talking." Nag-beso kami at sabay na nagtawanan.
"I miss you girl." Bulong niya sakin.
"Hindi kita namiss. Tara na nga sa loob." Ayoko naman ng masyadong madrama no.
Tumango lang siya pero maya-maya ay bigla ding tumigil sa paglalakad.
"Why?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.
"Kulang tayo." What? Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Anong kulang eh dalawa lang naman talaga kami? "Si Treschia."
Napa-angat ang kilay ko ng marinig ko ang pangalan niya. Ohh, ang one and only bestfriend niya.
"Baka busy makipaglandian sa boyfriend niya." Napa-takip naman ng bibig si Ceslie sa sinabi ko. What now?
Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Duh, kanina pa sila sa loob ng simbahan. Nakakairita sila tingnan psh.
"Atleast ako sa boyfriend ko lang lumalandi. Yung boyfriend ko na niligawan ako." Napa-angat ang kilay ko ng marinig ko ang boses ni Treschia.
"So anong gusto mong iparating?"
"Na niligawan ako ng boyfriend ko." Hindi naman ako tanga para hindi malaman ang point niya.
Kahit pa ilang beses niyang ipamukha sakin ang mga ginagawa ko, wala akong pakialam. As long as masaya ako sa ginagawa ko. At ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Feeling niya ba maaapektuhan ako sa mga sinasabi niya? Oh bitch please.
"So?" Hinarap ko siya at tsaka nginitian.
Kung hahamunin niya ko well siguraduhin niyang kaya niya.
"Tumigil na kayong dalawa. Kailan ba kayo magkakaayos?" Sabat naman ni Ceslie.
"Not interested. Bye." Bineso ko ulit si Ceslie bago pumasok sa loob ng venue.
Binangga ko ng bahagya si Treschia bago tuluyang pumasok sa loob ng venue. Pasalamat siya at bestfriend siya ni Ceslie kung hindi may kalalagyan siya.
"Shayne!"
Naka-ngiti akong lumapit kay Brijell. Kapatid ng kaibigan ko na manliligaw ko.
"Nawala ka kanina. Saan ka naman nagpunta?"
"Nagutom ako kaya kumain ako sa labas. Kumain ka na ba?" Umupo kami sa bandang likod. Para hindi masydong malakas yung music.
"I see. Kakatapos lang."
"Kaano-ano mo nga pala yung batang pinasundo mo sakin kanina?" Ah, yung kapatid ni Korrine.
Hindi naman ako nagmamagandang loob kaya ginawa ko yun. Sabihin nalang nating parte iyon ng plano.
"Wala. Pinasundo kasi sakin kaso medyo busy kaya ikaw ang nautusan ko. Sorry ha?"
Ngayon ko lang napansin na parang wala si Brake. Where is he?
"Wala yon. Basta para sayo."
Kinuha ko yung phone ko at dinial ang phone ni Brake.
"Sinong tinatawagan mo?"
"Ah, kaibigan ko. Wala pa kasi eh. Sige Jell, dito ka muna ha?"
Tumayo ako at naglakad papalabas. Naabutan ko pa si Treschia at Ceslie na nag-uusap parin doon. Wow, tibay ha.
Sumakay ako sa kotse ko at pumunta sa LEU. May kailangan pa kong asikasuhin bukod kay Brake. Baka nasa loob lang yun kaya hindi sinasagot ang tawag ko.
Erica's POV
Nagulat ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Ohh, si Yanie lang pala. Napatawag siya? May nangyari bang masama?
"Bff!"
"Yes?"
"Nakita mo ba si Ate Korrine?" Hanapan ba ko ng nawawala?
But wait, anong nangyari kay Ate Korrine?
"No. Why? What happened to Ate?"
"Hindi daw kasi siya umattend ng kasal eh. Nagbabakasakali lang ako na baka kasama mo."
"I see. Baka naman may pinuntahan lang?"
"Sana nga. S-sige bff, thank you." Hindi ako sumagot at pinatay agad ang tawag.
I already missed her pero kasi hindi ko lubos maisip na tuluyan na talagang mawala sakin si Brix. Hindi ko kaya eh.
Naisipan kong mamasyal muna sa labas para magpahangin.
"Saan ka pupunta?" Tanong ng kuya ko.
"Sa labas lang. Magpapahangin."
"Wag ka msyadong lumayo. Gabi na." He's so protective.
Kahit hindi ko siya totoong kapatid, naging mabuting kuya talaga siya sakin. Kahit minsan hindi ko naramdamang ampon ako sa pamilyang to.
"Yes kuya."
Dinala ako ng mga paa ko sa plaza. Feel ko lagi pumunta dito kapag gusto kong mapag-isa. Naaalala ko rin kasi si Brix dito.
Umupo ako sa swing at nagmuni-muni. Itutuloy ko pa ba tong balak kung gawin? Tama pa bang saktan ko yung bestfriend ko para sa iisang lalaki kung sa una palang kasalanan ko naman talaga. Kung hindi ko sana sila ipinakilala sa isa't isa hindi to mangyayari.
Pero anong gagawin ko kung mahal ko talaga si Brix at hindi ko kayang mawala siya?
"Sige. Papunta na ko jan." Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang boses ni Brix.
What the?!
"B-brix?"
Napahinto din siya sa paglalakad niya ng makita ako. Anong ginagawa niya dito?
"Sige mahal. Tatawag ako pag malapit na ko." Ibinulsa niya ang phone niya at tinitigan ako. "Anong ginagawa mo dito?"
"N-nagpapahangin lang." Bakit ba ako nauutal? Aish!
"Ah."
Tumalikod siya sakin at naglakad. Papanindigan nya ba talaga yung sinabi niya? Kakalimutan niya na ba talaga lahat? Ganun ang ba kadali sa kanya lahat ng yon? Paano? Paano niya nagagawa?
"Wag kang papagabi masyado. Delikado." Napangiti ako ng bahagya sa sinabi niya.
Pero lalo lang akong naguluhan. Nang marinig ko sa kanya ang salitang 'maha' alam kong si Yanie na kaagad yon.
Ilang araw ko na siyang tinatrato na parang wala lang at nasasaktan ako don. Gustong gusto kong kunin sa kanya si Brix pero hindi ko magawa-gawa dahil nakokonsensya ako. Akala ko noong una madali lang eh, akala ko kaya kong gawin sa bff ko yon. Pero tila nag-iba ang ihip ng hangin. Bakit tila biglang nagbago ang isip ko?
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig [Completed]
Teen FictionPaano kung nainlove ka sa kamag-anak mo? Ipaglalaban mo pa ba yung pagmamahal mo o hahanap ka nalang ng iba na pagbabalingan mo nito? Started: February 28, 2015 Ended: December 8, 2015 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.