TLYM 1

578 13 1
                                    

As when I reached my destination, huminga ako kaagad ng malalim. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Saya, Pangungulila, takot. Takot na hanggang ngayon ay hindi pa din mawala. Takot na hanggang ngayon ay dala-dala ko kahit saan ako magpunta.

Lumabas ako sandali ng sasakyan. Kitang kita ko ang pagkagulat na bumadha sa mata ng ilan ng makita ako.

Ano pa nga bang ineexpect mo? tanong sa akin ng konsensya ko.

I let out a faint smile. Wala na ang ngiti sa mukha nila kapag makikita ako. Hindi na tulad ng noon.

Kinuha ko ang bag ko sa loob ng sasakyan at naglakad na papunta sa loob ng building. Iginila ko ang tingin sa lugar. Wala namang pinagbago bukod sa dumami ang nagtitinda ng pagkain na noon ay sa canteen lang pwedeng bumili kahit walang choice.

Tinalunton ko ang daan papunta sa lugar na sadya ko. Hindi miminsang napanganga ang makakasalubong ko at alam ko kung bakit ganoon ang reaksyon nila.

"I wonder what's gotten on you para pumasok ulit."

Sandali akong napahinto ng marinig na may nagsalita mula sa likuran ko. Alam kong mangyayari ang lahat ng ito.

Humarap ako sa kanya. "Just because I got married one week ago doesn't mean hindi na ako papasok." mariing sagot ko sa kanya.

She smirked at napailing. "Pagkatapos ng ginawa mo, hindi ko alam na may mukha ka pang ihaharap dito. I thought you're Maggy na kung ituring ay para bang babasaging kristal. Yung Maggy na hindi pinapadapuan sa lamok. May mangyari lang sayo, kahit maliit na galos para bang mamatay ka na. That's how they treat you. No one thought you're capable of destroying someone's life and trust."

Gusto kong suminghap sa tabas ng dila nya pero pinigil ko. What's new? Pero kahit ganoon, alam kong masakit sa parte ko ang sinabi nya. I swallowed hard. Ang pakiharapan ang mga taong tulad nya ay hindi madali para sa akin.

"Stop telling me as if I am the bitch here", mariing sabi ko sa kanya.

Natawa sya at sinamaan ako ng tingin. "Wow!" she exclaimed at pumalakpak pa. Hindi pa sya nakontento at inikutan pa nya ako. "Well, I just want to inform you Mrs. Marrgaret Carlos-Villegas that after what you have done, I let my crown be held by you from now on."

My eyes widen in shock. Not because she emphasize Villegas but because of the words she spilled out. I am not dumb not to understand what she meant. I was blown away by her words. She walked passed by me after saying that.

Naiwan akong humihinga ng malalim dahil sa sinabi nya. Dapat ba akong magoasalamat dahil kinausap ako ni Princess? Dahil sya ang naunang nangahas na magsalita sa akin kahit na ganoon pa ang sinabi nya? Paano pa kaya kung sila na? Paano ko sila papakiharapan kung si Princess ay nagawa na akong pagsalitaan ng ganoon?

Am I ready to hear more hurtful words from them?

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad ng nakayuko. Hindi iilan ang nakarinig sa palitan namin ng salita ni Princess. Ang ilan pa nga ay tumigil para makiusyoso.

Hindi ko kayang tingnan ang mga nakakasalubong ko kahit ramdam na ramdam kong ringing tingin sila sa akin ngayon while telling themselves, She's not the Maggy we used to know.

Alam ko sa sarili ko na kahit ilang beses kong ipaalala na magiging ganito, iba pa din ang pakiramdam kapag totohanan na. Akala ko nakumbinsi ko na ang sarili ko na kaya ko na silang pakiharapan pero hindi pa pala.

Nagulat ako ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko.

Frank Calling..

Nang makita kong sya ang tumatawag, agad kong ini-off ang cellphone ko. I want him to realize marrying him didn't change my mind especially my heart. Will never be.

Weeks passed after our marriage. Pagkatapos na pagkatapos nun hindi ko na pinakiharapan si Frank. We're living on the same roof pero pagkatapos ng kasal, hindi ko na sya kinausap pa. Palagi lang akong nakakulong sa kwarto at umiiyak.

Nakakalungkot isipin na dahil sa desisyong nagawa ko, malaki ang naging epekto. Malaki ang nawala sa akin. Pero alam kong kahit ilang beses ko iyong iyakan, hindi na magbabago ang lahat dahil ang nangyari ay nangyari na.

"So what they said were true. You're really back."

Para akong binuhusan ng yelo ng marinig ang baritonong boses na iyon. How can I forget his voice that sent shivers to my spine? How can I forget him when he haunts me unto sleep that gave me sleepless nights?

Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay hindi ako humihinga ng marinig ang boses nya ulit. Ang boses na pinapangulilaan ko.

Few meters away was a guy intensely looking at me.

The guy was freaking handsome.

I want to run and gave him a hug. I want to apologize for what I did. I want to tell him how much I love him and I still do. I want to say no one can replace him because he's the only one I would like to spend my lifetime with. I want to scream, I will never stop loving him.

But then nagsusumigaw pa din ang katotohanan na ako ang nanakit sa kanya. Na ako ang nang-iwan. Hindi pa din maipagkakaila na hindi na ako malaya.

"Stop staring as if you want us to be together again, Marrgaret Villegas", seryosong sabi nya at namulsa.

Where is the man who loves calling me Maggy? His Maggy?

Pinagmasdan ko ang kabuuan nya. Hindi pa din nagbabago ang pananamit nya. Pero alam kong may nabago sa ugali nya dahil na din sa paraan ng pagbibitiw nya ng salita kanina.

Pero kahit ganoon, gusto kong sabihin na hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Na hanggang ngayon, sya pa din ang mahal ko.

Marrgaret Villegas.. If he only knew how much I hate to be Frank's wife. Pero wala akong maapuhap na sasabihin. Galit na galit pa din sya sa akin.

Gustuhin ko mang bawiin ang lahat ng naging desisyon ko, alam kong mas malaking gulo ang pwedeng mangyayari. I was left with no choice. Alam kong kapag nalaman nya ang lahat, maiintindihan na nya ako.

"By the way Mrs. Villegas." untag nya sa akin ulit.

Nagtatanong ang mga matang tumingin ako sa kanya.

"You broke my heart into pieces. Happy now?"

What he said makes me want to throw something hard at my head so that I can just lay here when everything went black. But I knew, he will never lay his hands on me when that happen.
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumalikod na sya at naglakad palayo. Pakiramdam ko ay naulit ang nangyari noon. Ang kaibahan lang ay ako ang naiwan at hindi nang-iwan.

It was for his own safety.. I kept on telling myself as I watched him walking away but still..

I let my tears fell this time.

I am now experiencing the pain to be left behind.

I am now experiencing the pain he felt when I broke up at him.

The pain when watching the one you love walking away..

The pain that will always make me feel guilty of what happened between us.

The pain that will surely be forever.

The pain that demands to be felt..

If you only knew how much I regretted letting you go..

***

To Love You More #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon