TLYM 31

242 5 0
                                    

Hindi ko itinago ang sakit na bumalatay sa mukha ko. Hindi ko na din napigilan ang luhang tumulo sa mga mata ko. Ang sakit. Ang sakit sa dibdib na masaksihan ko ang naging epekto ng desisyon ko.

"I want you to know what happened to me, Maggy.. I don't want you to blame yourself.. I just want you to see things that happened back then.."

Nanatili akong nakatayo at nakatingin kay Trey na bahagyang nakangiti. Nakaupo pa din sya at nakatingala sa akin na umiiyak sa harapan nya.

"You see.. it is completely my fault.. Kung hindi ako sumakay sa sasakyan na iyon na wala sa tamang huwisyo, hindi mangyayari iyon.. I put myself on danger but that was not your fault.."

Suminghap ako sa sinabi nya. Itinaas ko ang kamay ko and he stopped. Umiling ako sa kanya. "You don't have to say those things, Trey. I know it to myself that I am the one to blame.. I left you hanging.. I left you without giving you the complete reason.. Hindi ko binigyan ng panahon ang sarili natin na pag-usapan ang desisyon ko. Nagpadalos-dalos ako without thinking about what you will feel.." Umiiyak na sabi ko.

Ngayon ko mas napatunayan na tanga ako. Sisisng sisi ako sa ginawa ko.

"Maggy.."

Tumingin ako sa kanya at kitang kita ko ang paghihirap sa mga mata nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya. Isinubsob ko ang ulo ko sa dibdib nya. Pilit nya naman akong pinapatahan sa pamamagitan ng pagsasabi na tama na..

"I shouldn't have take you to this place. Tss.." Puno ng pagsisisi na pakli nya.

"Tell me what happened.." Bulong ko sa kanya. Hindi pa din ako tumutunghay. Hindi pa din maampat ang luha ko. Tuloy tuloy lang ang mg ito sa pagdaloy kahit anong pigil ko.

"I was rushed at the hospital after that.. I was unconsious.. I didn't know they were be able to take video that day.. I broke so many bones because of the accident.."

Mas dumami ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Paanong nagawa ko ang bagay na iyon sa lalaking mahal ko? Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan nya.. ang kaligtasan nya mula sa kamay ng mga magulang ko pero ako pala ang nagdulot sa kanya ng kapahamakan. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.

"Why they didn't tell me?" Tanong ko patungkol sa mga kaibigan namin..

"Before I lost my consiousness, I asked Raven not to tell you.. I didn't know how he get there, how did he know dahil nag-away kami ng araw na iyon ng hindi ko sinasadyang naitulak si Myeisha. He got mad and I am too. I was devastated knowing that the girl I only love on my entire life will marry other man.."

Naalala ko ang naging usapan namin noon ng kaibigan ko. I clenched my fist. I told him to continue.

"When I got into that car, all I can see was red and black.. Red because my heart is bleeding and black because I want to kill Frank for taking you away from me.." He chuckled a little. "It was not an accident, Maggy.. that was a suicide attempt.."

This time, hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulhol na ng tuluyan sa sinabi nya. Suicide? Trey attempted suicide because of her!

"When I woke up, I told them I am already fine though I got too many bruises. Nagpumilit akong magpa-discharge sa hospital kahit hindi pwede.. I went back to school after a week and that was the day when you went back too.."

Naalala kong nagkita kami noon. Ipinikit ko ang mga mata ko. Naalala ko pa ang galit sa mukha nya nang araw na makita nya ako.

"But then, months after our encounter, I got sick because of the accident.. Hindi namin inakala na may namuong dugo sa ulo ko.. For the second time, Raven rushed me to the hoapital again when I collapsed. I was unconsious.. and I was also diagnosed in coma.."

Umalis ako sa pagkakasandig sa dibdib nya at tuningin sa kanya.. "H-how l-long?.." Pumipiyok na tanong ko.

"Two years.."

Parang bombang sumabog sa mukha ko ang sinabi nya. Umiling ako na parang wala sa sarili.. Hindi ko matanggap.. For two years, I thought I am living in hell.. Inisip ko noon kung bakit hindi pinigilan ni Trey ang kasal ko.. Inisip ko na hindi nya ako mahal..

Suminghot ako at napayuko. Ilang pagsisisi ba ang mararanasan ko?

"Raven brought me to States to recover. I was in coma when they transfered me there. It took years before I woke up. When I woke up, I thought I lost my memories but unfortunately not. Nang mga panahong iyon, gusto kong mawala na lang ang memorya ko dahil paggising ko, nanatili ang sakit sa akin bukod sa sakit na dulot ng nangyaring aksidente. It took me ten months to walk again.. It took me years to recover from the pain physically and mentally. No one knew it was a suicide attempt except my brother, Raven. Knowing him, he confronted me if that was really an accident and I told him the truth.."

"I went to different places after I recovered. I don't want to go back here because I always feel like dying to this country.. It was only when I got a call from Raven asking me to go home because he's getting married.. I remembered that I am the one to put on blame kung bakit ngayon lang sila nakapagpakasal ni Myeisha.. Raven was always there when I was in coma. He never leave his younger brother side.."

Trey took a deep breath. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya pagkatapos ng mga nalaman ko mula sa kanya.

Hinawakan nya ang baba ko at tinitigan akong mabuti. "It's all in the past now, Maggy.. I want you to know everything but it doesn't mean I want you to put the blame on yourself alone.."

"I'm sorry.." Umiiyak na sabi ko sa kanya. Pero kahit nasabi ko na ang dalawang salitang iyon, pakiramdam ko ay hindi pa din iyon sapat. Kahit kailan ay hindi iyon magiging sapat sa kabila ng pinagdaanan nya.

"You don't have to apologize. Let's forget everything.." pang-aamo nya sa akin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya at tumitig sa mga mata nya. 'No, Trey.. Sometimes, I want to go back in time and fix all my stupid mistakes in the past.. I want to fix everything na may kinalaman sayo pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.." Umiiling na sabi ko.

Ilang sandali syang nawalan ng imik sa sinabi ko. I didn't know what's funning on his head. Tanging ang pagsinghot ko na lang at pag-iyak ang maririnig. Wala akong pakialam kung anong oras na. Basta malaman ko lang kung anong iniisip nya sa mga oras na ito.

I can say it's very difficult for him to open up that thing with me lalo pa at matagal ng nangyari iyon. He don't want me to blame myself and I believed him. Ramdam ko sa pagkukuwento nya kanina na hindi nya ako sinisisi sa nangyari sa kanya. In fact, he's blaming himself.

"Maggy.."

Tiningnan ko sya at nakangiti nyang pinunasan ang luha sa mga mata ko. "When I decided to finally go home and face my fears because of the memories we have here, it never crossed my mind that we'll meet again.. In fact, I never thought I can have you again just like before.."

Trey firmly hold my hand. Nakangiti nya itong pinagmasdan. Hinawakan nya ang palasinsingan ko at napalunok ako. I am wearing my wedding ring and I can see the glimpse of sadness on his face.

"I never thought I can hold your hand like this again kahit may nagpapatunay na pagmamay-ari ka na ng iba.." He smiled a little.

Inayos nya ang buhok ko habang ang isang kamay ay nanatiling nakahawak sa isang kamay ko.

"Kung noon hindi kita nagawang ipaglaban dahil mas naunahan ako ng poot ang ng sakit, I am willing to fight this time, Maggy.."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. I felt happiness spread on my entire system because of what he said..

"The greatest use of our life is to love.. The greatest expression of love is time.. And the best time to act is now.."

He hug me so tight.. and finally, I can say that he gave me the assurance I've been craving for..

To Love You More #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon