Itinaas ko ang shades na suot ko ng makababa ng sasakyan at tiningnan ang lugar kung saan kami magkikita ni Myeisha. Medyo malayo ang lugar mula sa opisina. Mabuti na lang at may nakita akong shortcut kaya hindi ko na kailangang lampasan ang traffic na hindi ko alam kung kailan mawawala. Tapos na naman ang APEC pero parang hindi pa din. Walang pinagbago ang syudad.
Kinuha ko ang bag ko at huminga ng malalim. Naglakad na ako papasok at iginila ang paningin sa loob.
I smiled.
The bakeshop gave a satisfying feeling to everyone na papasok sa loob. Maaliwalas ang lugar at nakikita ko mula dito sa kinatatayuan ko ang iba't-ibang specialty nila. The walls are green kaya ang ganda sa mata. May mga nakasabit ding christmas decors sa dingding at kisame. May malaking santa claus din akong nakita sa labas.
Madaming tao sa loob pero hindi yun naging hadlang para hindi ko makita ang kabuuan ng shop. Malawak ang loob nito kahit lampas sa sampu empleyedo. Mukhang karamihan din sa mga nandito ngayon ay nagdedate.
"Maggy!"
Napatingin ako sa babaeng tumawag sa akin at kumaway. Napangiti ako lalo ng makita si Myeisha at Raven na magkatabing nakaupo sa may sulok sa hulihan ng mga table.
Maglalakad na sana ako ng may mapansin ako sa kaliwa ko. My eyes widen when I saw something painted on the wall. Kulang na lang ay ilagay ko ang kamay ko sa bibig ko sa gulat.
My stress reliever..
Universe..
"Gusto kong makita kang masaya. I knew how much you love seeing a picture of a universe and I want to see that expression of yours kaya naman ako na mismo ang nagdala sayo sa Universe by doing this thing. Hindi naman ito nakakapagod lalo pa at nakita ko ang reaksyon mo. You're speechless and I felt contented. Nakahinga ako ng maluwag and I am proud of myself dahil alam kong nagustuhan mo."
"Do you want to see me happy? Then stay by my side no matter what..."
I held back my tears. Pumikit ako ng mariin. Why all of a sudden? Bakit bumabalik ang mga alaalang matagal ko ng kinalimutan?
"Hey.. Are you okay?"
I flinched when I felt someone touched my cheeks. Nagmulat ako ng mga mata and I saw Myeisha na kunot na kunot ang noo. Sya pala ang humawak sa pisngi ko. Nakatayo sa tabi nya si Raven. The two looked so worried.
I smiled. Iwinaglit sa isip ang nakita at naalala ko. "Yeah. Medyo nahilo lang but I'm fine now."
Mukha naman syang nakahinga ng maluwag. "God! Akala ko naman kung ano nang naalala mo. You looked pale."
Naumid ang dila ko. I swallowed hard. "Stress lang."
Lumakad na kami sa inuupuan nila kanina. Nakaharap ako sa kanila at nakatalikod ako sa entrance ng shop.
"Anong gusto mong i-order, Maggy?" tanong sa akin ni Raven.
Tiningnan ko ang mga picture na nasa loob ng bubog na mesa. I found the theme cute. Ngayon lang ako nakakita ng ganito para sa isang bakeshop. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
"Hay naku Maggy! Alam kong maganda ang tema nitong bakeshop pero huwag ka namang ngumiting mag-isa! Nakakakilabot."
I glanced at Mye at tinaasan sya ng kilay. Umiling na lang si Raven sa kanya.
Ibinigay ko na kay Raven ang order ko tutal sya naman ang oorder dahil sya na ang inutusan ni Mye. Mas napailing ako lalo. Ang bossy na ng kaibigan ko.

BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomansaIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...