TLYM 24

282 8 0
                                        

Maingat kong inilipag sa kanyang kama ang natutulog na si Yassi. Masyadong napagod ang batang 'to sa paggagala naming dalawa. Pagod din naman ako pero mas malakas ang resistensya ko kesa sa kanya. Idagdag pa ang palagi syang tumatakbo kanina.
"Did you have fun?"

Nginitian ko si Trey na nasa may hamba na pala ng pinto. Hindi ko namalayan na alam na pala nyang nakabalik na kami ni Yassi. Wala kasi sya nung dumating kami kanina. Ginabi na kaming dalawa ni Yassi sa pamamasyal dahil ayaw nya pa din daw umuwi. Tanging si Mang Isko lang ang sumalubong sa amin.

Tinanguan ko sya at saka naupo sa gilid ng kama ni Yassi at hinaplos ang kanyang buhok. Naalimpungatan sya pero nakatulog din naman kaagad. Kumibot kibot pa ang kanyang kulay pulang rosas na labi.

Naramdaman ko ang papalapit na mga yabag ni Trey. Nakatayo na sya ngayon sa gilid ko. Sinulyapan ko sya sandali at nakatitig din sya sa bata.

"Where have you been?" Mahinang tanong ko sa kanya habang hinahaplos pa din ang buhok ni Yassi.

Naupo si Trey sa upuan na malapit sa bedside table. "I went to farm. Matagal tagal na din simula nung huli akong nakatapak sa lugar na ito."

Naalala ko ang sinabi ni Mang Isko sa sagot nya. Hindi muna ako umimik para makiramdam at pag-isipan ang susunod kong pagtatanong. Mahirap na at baka masamain na naman nya at ma-badmood sya katulad ng nangyari noong nakaraan.

"What can you say about this place?" tanong sa akin ni Trey.

Umayos ako ng upo at huminga ng malalim. "Peaceful. Madaming magagandang tanawin na pwedeng puntahan dito. Hindi ba ito dinarayo ng ibang turista?"

Totoo ang sinabi ko kay Trey. Napakasarap sa pakiramdam ang mapadpad sa ganitong klaseng lugar kung saan halos lahat ay bago sa mga mata lalo na ang mga lugar na wala sa Maynila.

"Well.. I guess the owner of this land don't want this to be a tourist spot."

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Malaki ang kikitain ng lugar na ito kung sakali. There's a possibility na mapasama din ito sa pinakamagandang lugar na pwedeng puntahan sa Pilipinas."

"Just because this place is a paradise doesn't mean it should be tell to the world. There are things that should remain private in this world just like this place." Seryosong sabi nya at tumingin sa may bintana.

Hindi na ako gumigil pa. Pinakatitigan ko sya. Mukha syang pagod na pagod. "You're tired."

He gave me a faint smile.

"You should sleep, Trey." Ani ko sa kanya.

"I just want to be sure that the two of you went home safe before I go to bed, Maggy.."

I gave him a smile. "You see? Buo pa kami at walang galos. We're really fine. We went home safe and nothing bad happen. You can go to your room to sleep."

Tumayo na si Trey pagkatapos ng sinabi ko. Nilapitan nya si Yassi at yumuko para halikan ito sa noo. I found his gesture cute.

"Sleep tight my princess.." mahinang bulong nya sa may tenga ni Yassi.

Akala ko aalis na sya pagkatapos niyon pero nagulat ako ng ilahad nya sa akin ang kanyang palad. Tumunghay ako na nagtatanong ang mga mata.

"If I need to sleep, you need it too. I won't go to bed unless you go too."

Nagdadalawang isip man akong abutin ang nakalahad nyang palad, hindi ko pa din napigilan ang pagbugso ng damdamin na biglang sumibol at tumubo ulit.

Ang hirap pigilan ng nararamdaman. Kahit ayaw mo, mas mananaig pa din ang kalahating parte kung saan gugustuhin mo pa din.

Hinila nya ako patayo at tahimik naming tinungo ang pinto para lumabas.

To Love You More #Wattys2016Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon