TLYM 25

288 3 0
                                        

Sorry for the long wait. Overnight last week. Overnight again this week. Idagdag pa na semis na namin.

-

Mataas na ang sikat ng araw nang bumangon ako. Napansin kong nakabukas na ang mga bintana dito sa kwartong inookupa ko.

Hindi ko na iyon pinansin at agad na nag-ayos ng sarili. Nakakahiya dahil ngayon lang ako nagising. Minadali ko ang kilos ko at agad na lumabas ng kwarto.

Nginitian ko si Yassi nang salubungin nya ako pagbaba ko ng hagdan.

"Goodmorning senyorita!" She greeted..showing her perfect set of small teeth.

Nakakatuwa talaga sya. Napaka-friendly. Hindi na ako magtataka na balang araw ay madami syang maging kaibigan. And I am very much sure that she will be a very good friend to them.

"Good morning too, baby. Did you sleep well?"

Sunod sunod na tango ang ginawa nya. Hinawakan nya ang kamay ko at inakay ako papunta sa komedor.

"Senyorito is there. He prepared the foods." Pagbibigay alam nya sa akin.

Hindi na ako nagulat doon. Magaling magluto si Trey at isa ako sa swerteng nakasaksi niyon noon.

Nang makarating kami sa komedor ay nandoon na si Trey at si Mang Isko. Nandoon din ang matandang babae na nakita ko nung unang araw na makilala ko si Mang Isko.

"Jusko namang bata ka! Kanina pa kitang hinahanap! Pinakaba mo ako." Salubong sa amin nung matandang babae. Agad nyang nilapitan si Yassi pero nagtago lang ang bata sa likuran ko.

"I just want to see senyorita." Tugon naman ni Yassi at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

My heart melt as the way her small hand wrapped on mine.

"Naku! Baka naman ginising mo si senyorita?" Nakangiwing tanong pa din nung matandang babae kay Yassi.

"Hindi po! Hinintay ko sya sa ibaba."

Tiningnan ako ng matandang babae. Agad naman akong tumango para ipaalam na nagsasabi ng totoo ang bata.

"Ano ka ba, Nelia!. Napakaganda ng umaga para isalubong ang ganyan sa napakagandang dalaga!.."

Napabaling kami sa nagsalita. Si Mang Isko na naiiling habang nakatingin sa matandang babae. Nanonood na pala sa amin sina Mang Isko at Trey.

Lumapit si Mang Isko sa amin.

"Magandang umaga. Nakatulog ka b ng maayos, hija?" tanong nya na ang mga mata ay nakatuon sa akin.

Tumango ako sa kanya. "Opo. Thank you nga po pala at saka magandang umaga rin."

Tumango tango si Mang Isko. Inilipat nya ang kanyang tingin sa matandang babae na inaayos ang buhok ni Yassi.

"Sya nga pala..sya si Nelia.. ang aking kapatid.. Hindi ko na sya naipakilala sayo nung nakaraan dahil nakaligtaan ko na. Ipagpaumanhin mo sana."

Nginitian ako ni Aling Nelia. Ngumiti din ako tanda ng paggalang. "Okay lang po.."

Inakay na kami ni Mang Isko papunta sa komedor. Madaming pagkain na nakahanda. Napatingin ako kay Trey na nasa isang tabi at tahimik lang.

Tinanguan nya ako at ipinaghila ng upuan. Namula ang pisngi ko sa simpleng ginawa nya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagngiti at pagtitinginan ng palihim nina Mang Isko at Aling Nelia sa simpleng gesture ni Trey.

To Love You More #Wattys2016Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon