TLYM 22

277 7 0
                                    

S/N: 3 updates for one day. Sapat na sigurong pambawi. Hahaha. Ito na lang muna kahit atat akong mag update pa. Mag-aaral pa ako para sa exam at report ko bukas e.

Mahalin nyo si Trey pls? Hahaha. Happy reading!

Xiexie. Tkcr!

-

Maingat kong idinampi ang aking kamay sa mukha ng natutulog na si Trey. I can't believe natulog kaming magkatabi. This is the first time after a very long time.

Naalala ko pa noon na pag-aawayan pa namin ang pagtulog ng magkatabi. He will always insists to sleep beside me dahil baka daw managinip ako ng masama tapos wala sya sa tabi ko pero ayoko kasi nakakahiya. Hanggang sa lalambingin nya ako at madadala ako. Ang ending, sya ang mananalo. Magigising akong yakap nya ako ng sobrang higpit.

Napangiti ako sa alalaang iyon. Napakasimpleng bagay para pag-awayan namin pero hindi naman 'yon mawawala sa isang relasyon.

We didn't cuddle. We didn't have sex either. Sa sobrang pagod naming dalawa ay hindi ko alam kung sinong naunang natulog. Madami kaming pinuntahan kahapon at ang saya saya ko dahil magkasama kaming dalawa.

I glanced at the clock na nasa may paanan ng kama. It's only six in the morning. Ang aga kong nagising.

Tinitigan ko ulit ang mukha ni Trey. Hanggang kailan kaya kami sa lugar na ito? Mamayang hapon na ang alis namin dito sa cube hotel na sinasabi nya at uuwi na sa resthouse.

Agad akong napasimangot. Ang boring kaya doon! Wala na naman akong magagawa maghapon. Hindi na din ako makakalabas.

"Sa tuwing mapapadaan ang mga mata ko sayo, palagi ka na lang may iniisip.."

Napapitlaga ako ng marinig ang boses ni Trey. Gising na pala sya. Agad akong napatingin sa kamay kong nasa mukha nya pa din. Agad ko iyong binawi.

"Nagising ba kita?" Alanganing tanong ko sa kanya.

Umiling sya sa tanong ko. Naconsious ako sa pagtitig nya sa mukha ko.

"What do you want from breakfast? Magluluto ako.." Nasabi kong bigla para maiwasan ang awkward na feeling na nararamdaman ko. Ako lang ba talaga ang nakakaramdam ng ganito o sya din? Pero bakit hindi naman halata sa mukha nya?

He smirked. Napapitlag ako ng may dumantay na palad sa hita ko.

"Trey!" Saway ko sa kanya. Tinadyakan ko ang kamay nya sa hita ko.

Napahalakhak sya dahil doon.

Namilog ang mga mata ko kaya naman natigil sya sa pagtawa.

"Staring is rude." Saway nya sa akin ng mapansin na titig na titig ako sa kanya.

"Then I am rude." Nakangising sabi ko.

Ibinalik nya ang kamay nya sa hita ko at marahang humaplos doon. Napapikit ako sa sensayong dumadaloy sa katawan ko sa simpleng paghaplos lang ng kanyang mainit na palad.

"Where do you want to go later?" Tanong nya sa akin.

"Anywhere.." Sagot ko na lang. Hindi ko pa din masyadong kabisado ang lugar kaya sya na ang bahala doon.

"Trey?"

"Hmm.?"

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ko sa kanya. I kept on wondering how and when did he discovered this kind of place.

Napatigil sya sa paghaplos sa hita ko. Tiningala ko sya at nakita ko ang pagkalito sa kanyang mukha. "What's wrong?"

Umiling sya at nag iwas ng tingin. Tumayo na sya sa kama at isinuot ang tsinelas na talagang para sa mga nagi-stay dito sa cube hotel.

To Love You More #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon