"You may now kiss the bride.."
Nakipalakpak ako ng halikan na ng groom na si Raven ang kaibigan kong si Myeisha. I am very happy for them. For Mye, her dream finally came true. She is now married to the love of her life, Raven Kersley Saito.
Ngayon lang ulit kami nagkita. Nagtaka nga ako kung bakit parang wala lang sa kanya na wala ako sa mga rehearsal tulad ng napag usapan naming dalawa noon. Ni hindi nya din ako tinanong kung saan ba ako nagpunta nitong nakaraang dalawang linggo.
Nakangiting bumaling sa amin ang bagong kasal. Kitang kita ko mula dito ang kislap sa mga mata nila. Kislap ng pagmamahal at kontento ang mababanaag sa mukha nilang dalawa.
Sinulyapan ko ang suot kong relo. Mukhang hindi na ako makakapunta pa sa kanilang reception dahil ngayong araw din na ito ay may kailangan akong asikasuhin. Napailing ako sa aking sarili. Wala pa akong 24hrs na nanatili dito pero may schedule kaagad ako.
Naglakad ako papalabas ng simbahan. Doon ko na lang siguro hihintayin ang dalawa para makapagpaalam.
Hinahangin ang suot kong damit paglabas ko. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako at nakabalik na ako sa Maynila. Inside me was the feeling of longing..
Tumunog ang cellphone ko na agad kong kinuha sa aking bag. Napakagat ako sa labi ng makita kung sino ang tumatawag.
"Hello?" mahinang sagot ko.
"What the hell, Marrgaret?! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?!"
Napapikit ako ng mariin ng marinig ang pagsigaw ni Frank sa kabilang linya.
"Your voice, Frank.. Baka marinig ka ng anak ko.." Mahinahon kong sabi.
"He's not here.."
"What the fuvk?!" I cursed. "Saan mo dinala si Neo?!"
Hindi ko mapigil ang mag-alala.
"Relax. He's playing outside.. Kasama nya ang mga tauhan ko."
Nakahinga ako ng maluwag. Thank God! Hindi ko alam ang gagawin ko if something might happen to my kid.
"Where are you these past few weeks?"
Hindi kaagad ako nakasagot. Ano bang sasabihin ko? Na kasama ko si Trey at masayang masaya ako? Kilala kong tao si Frank. Makakagawa sya ng bagay na alam kong pagsisihan ko din sa huli kapag sinabi ko ang totoo.
Nahagip ko ng tangin ang lalaking nakatayo malapit sa kinatatayuan ko. Mataman syang nakatingin sa akin at nahagip ng mga mata ko ang galit na kitang kita sa kanyang mga mata.
Napahigpit lalo ang hawak ko sa aking cellphone. Paulit ulit na tinatawag ni Frank ang pangalan ko sa kabilang linya pero hindi ako makasagot. Mataman akong nakatitig sa lalaking galit na galit na nakatingin sa akin sa mga sandaling ito.
I swallowed hard lalo na nang maglakad na sya palapit sa akin.
"Damn it, Marrgaret! Answer me!" Sigaw pa din ng nasa kabilang linya.
Napasinghap ako hindi dahil sa ginawang pagsigaw ni Frank. Trey bit my earlibe as soon as he get near me. He possisively wrapped his arm around my waist ang pushed me into his body.
"Daddy?"
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang natatakot na boses na iyon. It's Neo!
"Yes?" Rinig ko naman ay ang boses ni Frank. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
"W..why a-are y-you s..shouting?"
Nakarinig ako ng katahimikan sa kabilang linya. Mukhang hindi din alam ni Frank ang isasagot nya dahil nahuli sya ni Neo na galit na galit. Nanikip ang dibdib ko.

BINABASA MO ANG
To Love You More #Wattys2016
RomanceIt's You Always Been You Book II Marrgaret Carlos broke Trey Rivera's heart. Pero kahit kailan ay hindi nya 'yon ginusto. If only she have a chance, itatama nya ang lahat. But what if dumating na ang chance na iyon? Trey wants her. But the thing is...