TLYM 15

291 8 0
                                    

Hingang malalim. Ngumiti kahit mapait. sabi ko sa sarili ko habang nakatayo sa harapan ng bahay nina Brittany.

Tiningala ko ang bahay. Nasa labas pa din ako ng gate at hindi pa nagdodoorbell. Binasa ko ulit ang address na ibinigay ni Mye sa akin nang kunin ko sa kanya ang address ng bahay na tinitirhan nina Brittany at Nico ngayong nasa Pilipinas sila.

Nag doorbell na ako bago pa magbago ang isip ko. Agad bumukas ang pinto at lumabas ang isang katulong.

"Ano pong kailangan nila?" tanong nya sa akin habang matamang sinusuyod ako ng tingin.

I gave her a genuine smile. "Is Brittany there?"

Tumango sya sa tanong ko.

"Tell her it's Maggy." utos ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla bigla ay binuksan nya ang gate na nanlalaki pa ang mga mata.

"Naku! Pasok po kayo. Nasa loob po si Mam."

Sinundan ko sya habang naglalakad papasok ng bahay. Maganda ang lugar na pinagtayuan ng bahay nina Bri. Tahimik at mahangin ang paligid.

"Maggy!"

Nginitian ko si Bri na agad na tumayo at sumalubong sa akin. Namataan ko si Nico na nakasimangot habang nanonood ng tv. I arched a brow.

Napansin siguro ni Brittany ang pagtingin ko kay Nico kaya kinulbit nya ako. Nagtatanong ang mga matang nilingon ko sya at nakita ko din syang nakasimangot.

"Hmp! Huwag mo na ngang pansinin yan... Hayaan mo sya.. Nababanas ako sa mukha nya!" Sinabayan nya pa ng pagtingin kay Nico at pag irap dito.

Napangiti ako ng malaki. Hormones. Buti mahaba ang pasensya ni Nico sa babae na ito?

"Upo ka muna. Magpapahanda lang ako ng pagkain."

Agad na umalis si Bri at nagpunta sa kusina. Naiwan kaming dalawa ni Nico na nakasimangot pa din.

He made a tsk sound at kinuha ang remote para ilipat ang channel pero mukhang walang pumasa sa taste nyang palabas o sadyang wala lang sya sa mood dahil pinag iinitan sya ng buntis nyang asawa.

"Hey..." bati ko sa kanya. Tinanguan nya lang ako. Napatawa na ako ng malakas kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"What's funny?" masungit na tanong nya sa akin habang magkasalubong ang kilay.

"Ikaw.." naiiling na sagot ko sa kanya.

Nagulat ako ng pinaikot nya ang kanyang mga mata. "Tsk.. Hindi ko talaga maintindihan kayong mga babae."

"She's pregnant.. intindihin mo na lang sya kung nababanas sya sa mukha mo." nang-aasar kong sabi sa kanya.

"Yeah right.."

"I'm back!"

Pareho kaming nagulat ng may biglang sumigaw. Brittany just came out of the kitchen at may dala-dalang tray. Agad naman syang nilapitan ni Nico. I smiled at his gesture. Kahit wala sya sa mood, hindi nya pa din matiis ang kaibigan ko.

Naupo si Bri sa tabi ko at niyakap ako. "Pinaglilihihan ata kita, Maggy." Humahagikhik na sabi nya sa akin while pouting her lips.

Natawa ako sa kanya. "Myeisha told me sa inyo na lang daw ako sumabay."

Humiwalay sya sa akin at agad na kinuha ang sandwich at binigay sa akin ang isa. "Yep! She texted me nga kanina eh. May driver naman tayo, right hubby doopie?" Baling nya kay Nico na muntik ng masamid sa sinabi nya.

To Love You More #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon